Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Kahel ang dugo ng langit.

Ipinaskil ni Paurong sa Huwebes, Abril 12, 2007

Ngayon lang ako nakatanaw
Sa kadulu-duluhan ng langit -
Kahel pala ang kulay ng huling ulap -
Masakit sa mata.

Kung makalilipad lang sana’y
Pipintahan ko ang huling ulap
Ng paborito mong kulay -
Gaya ng pangako ko sa’yo.

Pinalipad ko na silang lahat
(Mga kalapating alaga mo
Noong ikaw ay dalaga pa)
Tigmak ng naiwang pagmamahal.

Pagbangon ng susunod na araw
Wala na ang huling ulap sa hangganan -
Yukayok sa lupaing tinablan ng iyong halik
Ang susugat sa sarili mong himlayan.

36 Tugon to “Kahel ang dugo ng langit.”

  1. Padre Salvi sinabi

    kahel. hate the color. pero i love the poem. ayoko kasi kapag orange ang sky. masyadong malabo at parang sasabog na yung sun. hehe. link ex!

  2. rowjie sinabi

    hello po! thanks for passing by my blog. what do you mean naong program ang gamit ko?

  3. rowjie sinabi

    hehe. salamat. adobe photoshop po. pero di ako expert dun. hehe. basics lang. hehehe… :)

  4. rowjie sinabi

    yup, i do agree. mas masaya talaga ang nasa harap ng pc. hehe. pero nakaexperience kasi ako nun na wala akong paraan para makapagblog. kaya nagresearch ako about moblogging.

    by the way, nice poem.. :) keep up the good work!

  5. rowjie sinabi

    let’s exchange links. hehe…

    yup, that’s a disadvantage of moblogging… kakapagod sa daliri… at minsan limited pa ang wedeng i-post.

    CS lang gamit ko. Yung sa letter “e” nung summertime ay kasama talaga sa font yun. try to find marcelle script. dalawang fonts yun. isa dun sa letters, then isa para sabuntot nia. hehe. link kita ha? :)

  6. rowjie sinabi

    hehe. walang anuman. marami din namang similar fonts na ganun eh. hehe

  7. angelblush sinabi

    wow.. isang makata… :)

  8. majoy sinabi

    praise you!

  9. Cat sinabi

    ano ba ang kulay kahel?hehehe
    pagpasensyahan mo na ako, hindi ako poetic eh, kaya medyo hindi ako sure kung ang pagkakaintindi ko ng tula ay tama.

  10. Cat sinabi

    hello again, ilink kita. Pandagdag kaalaman sa poetry:)

  11. kurokuroko sinabi

    maraming salamat sa pagdaan sa aking blog! palitan tayo ng links?

  12. nixinne sinabi

    wow…eto yata ang isa sa maraming kaalaman na hindi ko natutunang gawin: and gumawa ng tula…kung hindi mo mamamsamain…i link kita sa site ko…salamat sa pagdalaw!!!

  13. alamatnglapis sinabi

    i love your poem…

    Godbless!! :D

  14. khonz sinabi

    hi, in love ka no?hehe! link kta ha…
    thanks for dropping by in my blog :)

  15. batobatopik sinabi

    helo. salamat sa pagcomment. minsan dota tau? nyahaha… joke lng… :P auku ng kahel na ulap. nakakatakot kasi parang magugunaw na ang mundo… gusto ko fuschiang ulap. :) un lng… ang cute ng poem mo. :D hehe.. palitan tau links?

  16. Padre Salvi sinabi

    jonell!!!
    ingat lagi sa pagcocomment. tandaan mo yung scenario kahapon ah.
    hehe.

  17. redwildflower sinabi

    astig!…
    prince langaw… kmuka mu b c jalibi?>….
    nice poem!….

    ^_^

  18. tim ang sinabi

    haha. unang daan. wataaaaah. nice work.

  19. cielo sinabi

    may hidden meaning ba ito?

  20. jsonv sinabi

    [kahel ang dugo ng langit 5th stanza(joke)]
    datapwat nasusugatan,
    bakit di lagyan ng ibang kulay
    pagdurugoy paampatan,
    pagkat ang kaibahan,ito’y ating sariling buhay.

    —woist palink exchange po sa inyong lahat! rock \m/ on

  21. monmon sinabi

    Naks!

  22. paurong sinabi

    PADRE SALVI,
    masakit talaga yun sa mata!

  23. paurong sinabi

    ROWJIE,
    creative suite din ang gamit ko. ayoko ng moblogging, eh. mas maganda kapag tina-type o diba!

  24. paurong sinabi

    ANGELBLUSH,
    hindi maxado.. hekhekhek.. :D

  25. paurong sinabi

    MAJOY,
    grabe ka ha.

  26. paurong sinabi

    CAT,
    sinabi ko na sa’yo yun.. kahel is orange.

  27. paurong sinabi

    KUROKURO,
    beli nays po.

  28. paurong sinabi

    NIXINNE,
    makakagawa ka rin ng tula samdey..

  29. paurong sinabi

    MARLON,
    sure!!!

  30. paurong sinabi

    KHONZ,
    malabong ma-inlove.. malinaw ma-inlove.

  31. paurong sinabi

    BATOPIK,
    turuan mo naman akong magdota.. sa liit mong yan nagdodota ka.. peace! :D

  32. paurong sinabi

    PADRE SALVI,
    nakakatakot na tuloy. parang mumo.

  33. paurong sinabi

    REDWILDFLOWER,
    hindi ko kamukha si jollibee.. bubuyog yun.

  34. paurong sinabi

    MARTIN,
    salamat naman!

  35. paurong sinabi

    CIELO,
    hidden meaning. baka anagram.. :}

  36. paurong sinabi

    JSONV,
    pwede ko nang irugtong..

Mag-iwan ng Tugon

XHTML: Magagamit mo ang mga markang ito: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>