Ipinaskil ni Paurong sa Linggo, Hulyo 15, 2007
Hindi naglaon, nakitaan ako ng mga guro sa Kindergarten ng talino, liksi at talas ng pag-iisip. Sa kabila ng mga pagkilala sa akin bilang isang matalinong bata, hindi ko nagawang magkaroon ng kaibigan buhat sa klaseng iyon ng mga batang kasinggulang ko. Hirap akong makisalamuha sa kanilang lahat lalo na sa mga lalaki. Para bang ayaw nila sa akin. Para bang hindi ako nababagay sa kanila. Kahit ang mga babae, nilalayuan din ako. Ang tanging umalalay sa akin ay ang babaeng gurong palaging nakapula. Si Mrs. Sanchez.
Nang muntik na akong mapadumi sa aking salawal, naroon sa aking tabi si Mrs. Sanchez upang linisin ang aking puwet. Sobrang bait niya sa akin. Hindi man lang siya nandiri sa akin gaya ng mga kaklase ko. Nang ikatlong beses, naroon pa rin siya upang saklolohan ako. Basahin ang karugtong nitong lahok »
Ipinaskil sa Fiction | 10 Puna »
Ipinaskil ni Paurong sa Linggo, Hulyo 15, 2007
Kasabay ng pagsalok ng tubig ang pagragasa ng sigaw ni Nanay. Damang-dama ko ang galit niya habang pilit na ibinubuhos ang lamang tubig ng tabo. Naroong hatawin niya ako o dili kaya’y kurutin sa tuwing hindi ako sumusunod. Ilang sandali ang lumipas bago ko natanggap ang sunud-sunod at nagmamadaling pagdaloy ng tubig sa buo kong katawan.Hindi nagtagal ang takot ko sa tubig at sa pagsigaw ni Nanay. Kinuha niya ang tuwalyang nakasampay sa ulunan namin. Ikinusot niya ang tuwalya sa buo kong katawan upang matuyo ako. Sa wakas, tapos na.
Sa sala, nakaupo sa papag si Tatay. Ang mga kapatid ko ay nangakaupo sa harapan ng telebisyon. Tumayo si Tatay para kunin ako at bihisan. Lumabas ng bahay si Nanay, karga-karga ang bunso kong kapatid, ng nakakunot ang noo at malalim ang paghinga.
Basahin ang karugtong nitong lahok »
Ipinaskil sa Fiction | 34 Puna »