Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Apoy ng impiyerno.

Ipinaskil ni Paurong sa Martes, Hulyo 24, 2007

limang taong gulang pa lang ako,
ayoko na ng tsokolate.

simple lang.
sabi, masisira ang ngipin ko.
sabi, pagsasaktan ako ng tiyan.
naniwala ako.

pero nang ibinigay mo ang isang kahong
umaaapaw, ng, tsokolate
higit pa sa ibinigay mo ang inubos ko.

5:27 pm / Sampaloc, Manila

27 Tugon to “Apoy ng impiyerno.”

  1. tim ang sinabi

    araw-araw ka ata nagbabago ng header image.

  2. Emo Sevenfold sinabi

    MARTIN SISON – noong isang araw ko pa binago yang header image na yan.

  3. khonz sinabi

    i like chocolates too! ;)

  4. Emo Sevenfold sinabi

    KHONZ – it’s not chocolate. it’s temptation.

  5. padre salvi sinabi

    iba na ata nakain mo. di na chocolate yun

  6. Emo Sevenfold sinabi

    CARL JOY DAVID DAYANDANTE – hindi naman kasi talaga chocolate eh.

  7. Joanne sinabi

    anong klaseng “chocolate” naman ‘yan? :D

  8. Emo Sevenfold sinabi

    JOANNE MARALLAG GALANG – isang klase ng chocolate na hindi matanggi-tanggihan. pilit tinatanggihan pero hindi magawang talikuran.

  9. Joanne sinabi

    black chocolate ba ito? hindi ko kasi matanggihan ang black chocolate eh.. lalo na ‘pag may perfect combination ng bitterness at sweetness.. hehe :D

  10. Emo Sevenfold sinabi

    JOANNE MARALLAG GALANG – kung babasahin mo ulit, baka mawatasan mong hindi tsokolate ang tinutukoy ko. pansinin mo ang pamagat ng tula. smile.

  11. Joanne sinabi

    hehe. syempre naman. looking through the much deeper side of the poem, sa palagay ko, tukso ito? tama ba?

  12. Joanne sinabi

    ay kumusta naman. nakalagay na pala sa itaas. hehe.

  13. Emo Sevenfold sinabi

    JOANNE MARALLAG GALANG – hindi basta-basta tukso or something. look at its depth. hindi mo malalamang malalim ang isang ilog kung hindi mo susubuking tumampisaw o lumusong.

  14. Joanne sinabi

    hindi ko maarok ang kalaliman mo, pare! patawad at mababaw lang talaga ako lalo na sa mga ganyang bagay.

  15. dianne sinabi

    alam ko nga kaya ang ibig sabihin nito o adik lang ako mag-isip?

    haaay.

    3466.
    44829362.

  16. Mithi sinabi

    Hi, kailangan ba talagang may kuwit pagkatapos ng mga salitang “umaapaw” saka “ng”? :)

    Uh, sino kayang nagbigay nito sayo? Hehe, tsismosa mode.

  17. Emo Sevenfold sinabi

    DIANNE VILLAPANDO – hindi ako matalino para madecipher ang codes mo.

    MITHI – for purpose iyon.

  18. dEe sinabi

    hey emo sevenfold… nakakatuwa naman. teka bat ala ka atang blogroll???

  19. Emo Sevenfold sinabi

    DILAN – itinatype ko kasi ang urls instead of having hyperlinks.

  20. penmanpenname sinabi

    pwede! at com sci student ka. wag ka lang sanang mabaliw sa kadedebug ng program lalo na sa java, atg sana hindi ka kainin ng

    cin
    if
    elseif
    then
    cout

    at ng looping.

    salamat sa pagbisita.

  21. Emo Sevenfold sinabi

    PENMANPENNAME – hindi ako comsci. it student ako. sana nga hindi ako mabaliw. ngayon pa lang, alam mo, natatakot na ako sa course ko. wah.

  22. bonniefazzyoo sinabi

    teka ano nga ba inalok sayo? kulet eh no, hehehe!

  23. Emo Sevenfold sinabi

    2:29 PM BONNIEFAZZYOO – ikaw. ano na ba ang inalok sa’yo na hindi mo tinanggihan?

  24. bonniefazzyoo sinabi

    ahhh, okay. hehehe! ;-)

  25. Emo Sevenfold sinabi

    2:51 PM BONNIEFAZZYOO – :D smile na lang ako.

  26. dave sinabi

    tukso in a general sense ba? sayang, kung may tanging tukso sanang tinutukoy, itatanong ko sana kung saang impiyerno ang kahahantungan nito.

  27. Emo Sevenfold sinabi

    1:18 am
    DAVE — ay tukso nga naman. eto ngayon nga meron e. si dave. at ang invasion niya sa pagkocomment sa blog ko.

Mag-iwan ng Tugon

XHTML: Magagamit mo ang mga markang ito: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>