Magkakandaduling-duling muna ako
bago ko sa’yo mabunyag
ang sikreto ng tahimik kong kaluluwa.
Ang mga mata kong dating baku-bako ang hugis
Ay pinipintahan mo nga ng pula
Ngunit nagsawa ka sa paulit-ulit
Na pagbasag sa aking pandama.
Wala talagang silbi.
Walang patutunguhan.
Sa muli mong pagtahi sa gula-gulanit kong puso
Nakahimpil sa aking tabi ang iyong mga alaala
Nawawalan ng kabuluhan ang mga salitang
Pilit mong ipinukol sa buwan.
Kukuha na lang ng lanseta
Ang talas sakdal suring masdan
Bago ko pikit-matang sugatan ang aking sarili.
Sapat nang maubusan ako ng hininga
Kaysa malaman mo ang sukat ng aking anino.
12:59 AM / San Miguel, Pasig City