Ipinaskil ni Paurong sa Miyerkules, Agosto 1, 2007
UNANG KABANATA / IKALAWANG BAHAGI
“Si Elaine nga pala, Nato,” paliwanag ni Carmela sa isang seryosong boses.
“Sino nga siya?”
Lumapit si Carmela sa bata. Sa una’y hindi niya magawang tingnan ng diretso ang anak na nagsisimula nang uminit ang ulo; sa bandang huli’y napintahan niya ng huwad na ngiti ang kanyang mga labi.
“Hindi mo na ba siya naalala, kinakapatid mo siya.”
Hindi naniwala si Nato. Muling sinubukan ni Carmelang magpaliwanag sa anak. Basahin ang karugtong nitong lahok »
Ipinaskil sa Fiction | 15 Puna »
Ipinaskil ni Paurong sa Miyerkules, Agosto 1, 2007
UNANG KABANATA / UNANG BAHAGI
Matapos ang isang oras na biyahe, pumanaog si Nato sa jeep dala-dala ang ngiti sa kanyang mga labi. Sa sobrang kasabikang masabi sa kanyang nanay ang magandang balita ay kumaripas siya ng takbo papasok sa kanilang munting bahay.
Nagulat si Carmela sa pagbulaga sa kanya ng anak. Sa mga sandaling iyon ay naghahanda siya ng hapunan. Malapit nang maluto ang sinigang, ang paboritong ulam ni Nato, nang iabot nito sa kanya ang isang piraso ng papel. Nakangiti niyang binasa ang nilalaman niyon at agad-agad na niyakap ang anak.
“Hindi ako makapaniwala, Nato. Totoo ba ‘to?”
“Totoo ‘yan, Nay.” Basahin ang karugtong nitong lahok »
Ipinaskil sa Fiction | 3 Puna »
Ipinaskil ni Paurong sa Miyerkules, Agosto 1, 2007
Pagkahiga niya sa kama, dinampot ni Ivan ang isa sa dalawa niyang unan at niyakap ito. Walang kaabug-abog na dumaloy ang luha mula sa kanyang mga mata. Nakapikit lang siya. Wala siyang pakialam kung may pumasok man sa kuwarto niya at makita siyang umiiyak. Pigil na pigil ang kanyang paghikbi. Ayaw niyang may makarinig ng kanyang pagtangis. Ang gusto niya lang ay mayakap ang malambot niyang unan at pangaraping may buhay ang unan na iyon—kumakausap, dumarama, umuunawa. Ngunit hindi. Bagay lang ‘to, naisip niya.
Patuloy lang siya sa pag-iyak hanggang sa marinig niya ang sunud-sunod na katok sa pinto ng kanyang nanay.
Ipinaskil sa Fiction | 6 Puna »