Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Noli Me Tangere Kabanata 63 – Ang Noche Buena.

Posted by Paurong sa Martes, Setyembre 4, 2007

Kabanata LXIII
Ang Noche Buena
Buod

May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang nakatayo sa libis ng isang bundok. Sa dampa ay mayroong nakatirang mag-anak na tagalog na nabubuhay dahil sa pangangaso at pangangahoy. Sa lilim ng isang puno mayroong isang matanda na gumagawa ng walis. Sa isang tabi naman mayroong isang dalaga na naglalagay ng mga itlog ng manok, gulay at dayap sa isang bilao. Sa di-kalayuan, may isang batang lalaki at batang babae ang naglalaro sa tabi ng isang payat at putlain. Ang batang nakaupo sa nakabuwal na kahoy ay si Basilio, may sugat ito sa paa. Inaaliw siya ng dalawang batang naglalaro. Nang utusan ng matanda ang apong dalaga na ipagbili ang mga nagawang walis, sinabi niya kay Basilio na may dalawang buwan na ang nakakaraan nang ito ay kanilang matagpuang sugatan at kalingain pagkatapos. Isinalaysay naman ang tungkol sa buhay nilang mag-anak. Kaya, nang ito ay magpaalam na uuwi na sa kanila, siya ay pinayagan ng matanda at ipinagbaon pa niya ng pindang na usa para sa kanyang inang si Sisa.

Samantala, noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mgat tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wla man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy. Pero, hindi naman nananakit ng kapwa.

Ang pinsan nitong si Victoria at si Iday. Si sinang ay tumanggap ng liham buhat kay Maria subalit hindi niya ito binubuksan sa takot na malaman ang nilalaman. Habag na habag ang magkakaibigan sa magkasintahang Maria at Ibarra. May kumalat namang balita na ang pagkakaligtas ni Kapitan Tiyago mula sa bibitayin ay utang niya kay Linares.

Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan. Nasapol sa ulo si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa inang tumatakbo. Nakarating sila sa may guabat. Pumasok sa pinto ng libingan ng matandang kastila si Sisa. Ito ay nasa tabi ng punong baliti. Pilipt na binubuksan ito ni Basilio. Nakita niya ang isang sanga ng baliting nakakapit sa kinaroroonan ng ina. Kaagad niya itong niyakap at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat.

Nang makita naman ni Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting nagbalik ang katinuan ng kanyang isip. Nakilala rin niya ang anak. Napatili ito ng malakas at biglang napahandusay sa ibabaw ng ank. Nawalan ng malay. Nang magbalik naman ng ulirat si Basilio at nakita ang ina, kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha. Dinaiti niya ang kanyang taynga sa dibdib ni Sisa. Sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na ang kanyang ina. Buong higpit na niyakap niya ang malamig na bangkay ng ina at napahagulgol ng malaks, pasubsob sa ina. Nang mag-angat siya ng ulo, nakita niya ang isang taong nagmamasid sa kanya. Tumango si Basilio nang tanungin siya ng tao kung anak siya ng namatay.

Hinang-hina ang lalaking sugatan, hindi niya matutulungan si Basilio na mailibing si Sisa. Sa halip pinagbilinan niya si Basilio na mag-ipon ng maraming tuyong kahoy at ibunton sa bangkay ng kanyang ina at pagkaraan sila ay silaban hanggang sa maging abo ang kanilang katawan. Itinagubilin rin ng lalaki kay Basilio ang malaking kayamanan na nakabaon sa may puno ng balite. Kay Basilio na raw ito kung walang ibang dumating na tao upang gamitin niya sa pag-aaral. Ang lalaking sugatan na kausap ni Basilio na dalawang araw ng hindi kumakain at sa wari ay malapit ng mamamatay ay si Elias. At lumakad na si Basilio upang manguha ng panggatong. Si Elias ay tumanaw naman sa dakong silangan at nagwikang higit pa sa isang dalangin. Siya ay babawian ng buhay nang di nakikita ang pagbubukang-liwayway ng bayang kanyang minamahal. Sa mga mapalad, huwag lamang daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi. Sa pagkakatingala niya sa langit, kumibot hanggang sa unti-unting nabuwal sa lupa.

Nang magmamadaling-araw, namalas ng buong bayan ng San Diego ang isang malaking siga na nagmumula sa may lugar na kinamatayan ni Sisa at Elias. Sinisi pa ni Manang rufa ang gumawa ng siga na hindi raw marunong mangilin sa araw ng pagsilang ni Hesus.

About these ads

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 41 other followers

%d bloggers like this: