Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Archive for Setyembre 13th, 2007

001 – Panagimpan.

Ipinaskil ni Paurong sa Huwebes, Setyembre 13, 2007

The Fiction Writer

Ayon sa huling librong nabasa ko, malaking epekto ang mga iniisip ng isang tao bago siya matulog sa kung anuman ang mapapanaginipan niya sa gabi. Napatunayan kong totoo ang pahayag na iyon dahil sa nakangiti akong nagising ngayong umaga.

Sa panaginip kong iyon, pagkagaling ko sa isang malaking laro ng basketball, bilang ako ng bilang ng pera–maraming pera. Nakaupo ako sa maliit na upuan sa labas ng pintuan ng bahay namin. Hindi lang ako ang nagbibilang ng pera. Pati si Nanay at si Tatay, nagbibilang din. Maging ang kaisa-isa kong kapatid na si Shiela na labintatlong taong gulang na bukas.

Basahin ang karugtong nitong lahok »

Ipinaskil sa Fiction, Si Francis Ang Bahala | 16 Puna »