Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Archive for Setyembre 20th, 2007

Marimar Episode 29 (September 20, 2007).

Ipinaskil ni Paurong sa Huwebes, Setyembre 20, 2007

Marimar Episodes

Kinuwestiyon ni Esperanza kung bakit sa San Martin dela Costa pa nag-invest si Gustavo gayong malapit ito sa lugar na pinangyarihan ng plane crash ilang taon na ang nakalipas. Ayon kay Gustavo, malapit sa puso niya ang lugar na iyon dahil doon namatay si Lupita at nawala si Mari Mar.

Samantala, ikinabigla ni Mari Mar ang pagkarinig sa usapan nina Lolo Pancho at Lola Cruz tungkol sa hindi niya pagiging tunay na apo sa kanila. Sinabi ni Lola Cruz na nagbibiruan lang silang mag-asawa ngunit hindi ito binili ni Mari Mar. Ipinilit niyang mayroon siyang karapatang malaman ang katotohanan at makilala ang kanyang mga tunay na magulang. Hanggang sa umabot sa sukdulan ang sakit sa puso ni Mari Mar, nataasan niya ng boses ang mag-asawa nang idiniin niyang nagsinungaling at niloko nila ang itinuring nilang apo. Sinampal ni Lolo Pancho si Mari Mar.

Basahin ang karugtong nitong lahok »

Ipinaskil sa GMA Telebabad, Marimar, Soap Opera, TV, Telenovela | 4 Puna »