Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Archive for Enero, 2006

isang pagkulog, isang pag-utot

Posted by Paurong sa Lunes, Enero 30, 2006

NOTE: isa itong kathang-isip

Isang award na siguro ang maibibigay sa akin: The Most Absence Award, sa sobrang dalas kong pagliban sa paaralan namin. Kada isang araw sa isang linggo ay mayroon akong panahon na liliban. Iniisip ng iba na tinatamad lang ako. Iniisip naman ng iba na trip ko lang ang madalas kong pag-absent. Ang palagi kong dahilan: masakit ang ulo, nilalagnat, o dili’y kailangan kong magbantay sa ospital sa tuwing may nangyayari sa aking nanay. Ang hindi nila alam ay ang tunay na dahilan kung bakit panay ang pagliban ko sa paaralan: may sakit ako at may taning na ang aking buhay. Madalas akong lumiban hindi dahil ayaw kong pumasok kundi dahil ginugugol ko ang mga sandaling iyon sa pagpunta-punta sa ospital sa pag-asang makakaahon ako sa sakit kong ito. Ngunit sa kabila ng lahat ay may taning na pala ang aking buhay. Kung gaano pa katagal ang maaari kong gugulin sa mundong ito, hindi ko alam; at wala akong balak na alamin sapagkat alam kong makakasakit lang iyon ng aking damdamin.

Buwan na ng Enero nang malaman kong ibabalik na pala ang JS prom sa school namin. Dati kasi’y ipinatigil ang ganitong okasyon. Ang karamihan sa aking mga kaklase ay natuwa nang matamo ang balitang ito. Hindi pala karamihan bagkus ay lahat sila maliban sa akin. Ganyan ang naging pananaw ng buong klase ukol sa JS prom. Ako lang ang walang pakialam. Itinanong ko sa sarili ko kung ano ba ang mapapala ko sa prom. Ang sagot ng aking konsensya: wala.

Ngunit naroon ako sa loob ng Gym nang magkaroon ng pag-eensayo ng okasyon. Hindi upang lumahok kundi upang makaupo sumandali dahil kanina pa ako napapagod sa kakalakad ng mga grading sheets sa iba’t ibang gusali. Umupo ako sa isang monoblock na silya upang makapagpahinga. Maya-maya nama’y dagli ring humupa ang aking naramdamang pagod. Hanggang sa mayroong kumausap sa akin.

“Excuse me, kasali ka ba sa mga magpra-practice ng special number?” tanong sa akin ng isang magandang dalaga na may kapansin-pansing mga mata at mapupulang labi.

Napatingin lang ako sa kanya, hindi sinasagot ang kanyang tinuran. Kakaibang pagtibok ng puso ang pumilandit sa aking buong katawan. Bumilis ang aking pulso at waring tinamaan ako ng isa’t kalahating kidlat. Tatlumpung segundo ang lumipas nang hindi ako umiimik.

Napangisi siya sa akin kasunod ang pag-alala kung okey lang ba ako. Hanggang sa nawala ang tila hanging umudyok sa aking pagkapipi sa mga sandaling yaon at napagtanto ko ang naging sanhi ng aking hindi pagsasalita. Umutot pala siya.

Advertisements

Posted in Personal | Leave a Comment »

isang matuturan sa iyong isinulat

Posted by Paurong sa Lunes, Enero 30, 2006

Katatapos ko lang mabasa yung last post mo. At kahit na hindi ko masyadong naintindihan ung mga nipagsasabi mo e lam ko ung feeling na magkaaway kayo dahil sa mismong kababawan niyo pareho. I encounted that kind situation wherein naging mababaw ako sa lahat ng bagay. Siguro hindi mo alam kasi lately lang tayo naging magkaibigan pero kung alam mo lang, alam ko ang feeling ng pagiging mababaw. Pero after all, nakapag-move on na rin naman ako e. Kahit hindi ako totally nakapag-move on e kahit papaano nalagpasan ko na yang bagay na iyan. Dati konting bagay lang nagagalit na ako. Lahat na yata ng taong nakapaligid sa akin noong tinatawag akong mababaw. Pero ngayon hindi na. I have overcomed that. Kaya kung ako sa’yo be strong. Tulad ko nung una iniiyakan ko ang mga bagay-bagay. I can’t blame you sa pag-iyak mo kasi maging ako, alam mo naman, umiiyak din lalo na kapag masakit yung mga nangyayari. Be strong. Kasi kahit ano pa man ang mangyari, nalalagpasan mo rin yan. It is enough to cry once over a spilled milk. Pero ang tatlong bese na pag-iyak ay hindi na mahalaga. Ano pa ba ang saysay ng mga luha mo kung naubos nang lahat. I am looking forward na maikuwento mo sa akin ang lahat-lahat para naman maging accurate yung mga sinasabi ko dito sa blog ko. Sabi ko nga, hayaan mo na lang kapag ginagawa nila yun sa iyo. Pero there must be those times na you have to fight. You need to fight. Kung meron kang paninidigan sa sarili mo, you have to release those pains.

Posted in Personal | Leave a Comment »

isang pangungulila

Posted by Paurong sa Lunes, Enero 30, 2006

I really miss Mint. Kagabi nga, hinahanap-hanap ko siya sa AFP theater; nagbabakasakali akong manonood din siya ng play. Pero paano mo naman hahanapin ang taong ayaw magpakita sa iyo? Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang hitsura niya. Ilang katangian lang ang alam ko tungkol sa kanya. Inaamin ko na hinahanap-hanap ko talaga siya. Kahit na alam kong magkikita rin naman kami soon e panay pa rin ang pag-iisip ko tungkol sa kanya. Mahirap kaligtaan ang taong mahalaga sa iyo. Ngunit parang nawawalan na ako ng pag-asang may pakialam pa rin siya sa akin. Tila unti-unti nang nawawala ang lahat. Nagulat nga ako noong binati niya ako kahapon. Hindi ako sumagot. Wala lang. Bakit hindi man lang siya tumatawag? Ano na ba ang nangyayari sa kanya? Hindi ako ang tatawag sa akin. Dapat siya. Tinitiis ko na lamang ang lahat lalo na sa thought na hindi siya tumatawag. Nami-miss ko na talaga si Mint pero okey lang naman ako, e. Maraming tao sa tabi ko na may pakialam sa akin. Hindi gaya niya na malayo na, wala pang pakialam. Siya na ang nagsabi, kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. E, bakit hindi man lang siya nakagawa ng paraan para matuloy kami sa Met’s? Hindi ba sabi niya gusto niya daw sumama? Pero bakit hindi natuloy? Hayz. Oo, inisip ko talaga na sana si Mint na lang ang kasama ko… na sana ang special day kong iyon kahapon ang magiging unang pagkikita namin ni Mint. Pero hindi naman nangyari, e. Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asang magkikita kami. Ilang buwan lang naman, e! Ano kaya ang hitsura niya? Iniisip ko talaga parati kung ano ba ang hitsura niya. Kaya nga nagkakasira-sira na mga turnilyo ng utak ko kakaisip, e!

Posted in Personal | Leave a Comment »

isang kaarawan ng isang walang alam

Posted by Paurong sa Linggo, Enero 29, 2006

alas-dose n. nagrere-install p kc ako ng encarta. kc nung una ko tong nihiram kay michelle e napagtripan kong i-uninstall kaya ito ako ngayon naghihintay p ng ilang minuto pa o kaya siguro one hour. kasi naman ano pa ba ang masasabi ko. i am still 14 kasi nga 6 am daw ako nipanganak so paggising ko maya e 15 n po ako. hirap ng tumatanda. malungkot ang bday ko, no. kala niyo lan siguro masaya. bakit kasi hindi ko kasama ang mga mahal ko sa buhay, e. aba! matuloy kaya ung pagpanood ko ng play mayang gabi? nakadepend kc kay joan yan e, sna tumawag siya maya, pra nga makapunta kmi.. aba! kasal n nga pla maya ng pinsan ko s batangas. second reading ako doon. maya luwas sina lola at tita para sa kasal nga ni koya boyet. e yaw ko nmn tlg pumunta don. saka isa p e d ko nmn danun k-close ung mga pinsan kong iyon kc nga d nmn cla mdalas d2 s pasig. oo, excited ako makapanood ng play maya pero s ngayon lumuluwa n po ung mta ko s kaka-computer. bisyo n to. gusto ko n tlg mahiga. eto nga nakapikit n akong nagta0tyoe..ii gykq bn jybt qbi v nq67o3 hi e2,teka meho d ko n alam ang mga nisusulat ko ha.. tma p b yo… hirap nanh pikit n kc mata ko e.. ayan nakidilat n po ako.. eto nakapikit n nmn ako… tma p b nita-tyoe ko? ava! ewan,,,, o ayan n nakadilat n nmn ako. pra tlg akong bangag ngayong gbing ito. knina ko p tlg gustong matulog. knina nga blak kong tulugan ung etheria kaso un nga napanood ko pa rin ung show tpos meron pang istorbo s fone. aba! ayun! tpos mejo bka ngalit skin ung bhez ko kc nmn nibababaan ko ng phone kc nmn wrong timing… nisasabi nia ung much-said line niya na “Ok, next topic…” kya mas lalo ako nabuwisit. ska, in fact, la tlg ako s mood knina s fone.. nung kausap ko nga c reyes, kinig lan ako ng kinig kc nga niaantok na ako… wrong timing kc tumawag e. o cge n tma n muna ito… luwa n tlg mata ko… lapit n rin nmn mtapos tong encarta last disk n kc e. see ya next time.

Posted in Personal | Leave a Comment »