Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

isang basura, isang asignatura

Posted by Paurong sa Lunes, Enero 16, 2006

Eist…Lagpas alas dose na pala ng gabi at heto na naman ako nakaharap sa monitor ng aking computer at gumagawa ng entry for my blog. Ilang linggo na rin ang nagdaan simula ng huli kong post ng entry dito sa blogspot kaya heto ako ngayon nagnanais na bumawi.

Sa nagdaang mga araw hindi ko halos namalayan na ang dami nang bagay ang nangyari sa buhay ko. Parang kailan lang ay nagawa ko ang una kong maikling kuwento na ipinabasa ko na sa maraming tao. Ipinabasa ko ang kuwentong iyon sa aking mga kaklase para sa ibayong mungkahi sa pag-aayos ng aking katha. Maging ang dati naming guro na si Mrs. Rodriguez ay pinagpilitan ko ring basahin ang aking story. Hindi niya naman ako binigo last Friday the thirteenth noong Journalism time na nandoon ako sa library. Nilapitan ko siya dun sa likod na part ng library at nakita ko siyang busy sa pagbabasa ng mga e-mails. Kinapalan ko talaga ang mukha ko at hindi ako nahiya na ipabasa sa kanya ang isinulat ko. Mabait kasi siya at palagay din ang loob ko sa kanya. Mabuti nga’t pumayag siyang basahin iyon. After ilang minuto, nang pansin kong tapos niya nang basahin iyon, pinuntahan ko siya at itinanong ko kung ano ba ang masasabi niya. Maganda naman daw at hindi niya akalain na girl ang speaker ng story samantalang guy ang writer. Nakakakilig daw ‘yung part na nasa tabing-dagat ang dalawang tauhan. It really happen in real life, ika niya. So iyon. Ang nasa isip ko kasi ay kung hindi ako magkakaroon ng pakinabang kay Mr. Padalhin upang matutong magsulat e ilalapit ko na lang ang mga sinusulat ko kay Mrs. Rodriguez tutal Journalism instructor din naman siya.

So, mapunta tayo about our school organ. Ayaw ko talaga sa pagpapatakbo ng Ang Rizalian or The Rizalian. This school year e Ang Rizalian lang daw ang ilalabas na organ ng school. And diba the issuance is twice a year December and March. Pero bakit hanggang ngayon e wala pang nagbibigay ng school paper. Budget. One reason is that. Can’t afford ng organ ng RHS na makalipon ng pera para masuportahan ang school organ. At dahil diyan e bumababa ang quality ng Ang Rizalian man o The Rizalian. Ang isa pang problema ay iyong hindi kagandahan ng lahat ng mga napa-publish na articles. I had browsed and read the Ang Rizalian issue two years ago before I started on writing articles for Mr. Padalhin, and I noticed na mali-mali ang grammar at tenses ng ilan sa mga nakasulat doon. Ang iba pa ay nonsense at irrelevant. Another thing is those clip arts na kasama sa bawat article. As in ang papangit. Parang wala man lang approval from the board bago na-produce na maging ganoon. As in ang pangit. Sorry sa panlalait pero totoo naman e. And please don’t think na nagyayabang ako at this point. Inaamin ko na hindi ako isang mahusay na writer pero sabi nga ni Mrs. Rodriguez may potential daw ako on writing. Marami rin ang nagsabing may kakayahan ako at potential nga sa pagsusulat. Kaya nga noong one time noong November na pumili ang board (kung sino man sila) and Mrs. Rodriguez ng isasama sa gaganapin noon na Training sa Journalism e nakasama ako. That three-Friday seminar was awkward talaga kasi ang tigas ng ulo ko that time. After kasi ng lecture about e.i. Editorial, Sports Writing ay nagpapasulat ‘yung lecturer ng article na hindi ko naman sinusunod and one time nga e tinulugan ko ang isang lecture. Nakakagutom pa ang mga ginawa noon. Wala man lang pagkain. Ayoko nang alalahanin. Isa pang ayoko noong mga araw na iyon e kasama namin ang mga Fourth Year na kung tutuusin e mas magagaling pa sa amin magsulat. I mean, mas magaling pa sa akin magsulat, in particular. Terrence? Victoria? Karen? San ka pa? And come to think of it… staffer sila. Ano pa panama ko doon? Terrence has this weird-looking enormous type of identification card hanging on his neck with this big red PRESS on it? Ala ako no’n! And I admit I envy that ID. Kung alam niyo lang ang compliment sa akin ng ID na iyon. Ang sarap kasing isipin na ‘hey, I’m a staffer!’. Kapag minsan iniisip ko na contributor na talaga ako ng organ e mawindang-windang ang buhay ko. Pa’no ba naman e feel na feel kong maghawak ng yellow pad at umalam ng current events and situations by means of reading the newspaper. Pero noon lang iyon. NOON! Do I have to spell it? N-O-O-N! Parating absent ang mga teachers sa Journalism. Hay naku, mabuti pa ang mga Trigoers parating may Mr. Garcia sa harapan nila. Hay naku talaga. And ano nga ba itong naririnig ko na balita na kapag hindi ka staffer e below 85 ang grade mo at kapag naman staffer ka e 85+. And the idea of our instructor, Mr. Padalhin, giving no less than 80 as the final grade seemed to be not good as our previous Journalism class. Hay naku talaga. Another problem ko pa nga pala ay hindi ako nagpapasa ng mga articles na pinapagawa niya. Kasi naman, I write what I want to write. And for me, that’s the essence of writing. Write to express, not to impress. Bilang ko lang sa isa kong kamay ang mga napasa kong mga articles na ipinagawa niya kaya’t delikado ang grade ko sa Journalism. Pero kung anuman ang maganap, kung anuman ang kahantungan ng lahat ng mga kalokohang nangyayari sa Journalism namin, e tatanggapin ko na lang.. Ha? Tatanggapin ko? E ako nga itong magkamatay-matay na sa pag-isip na magkaroon ng byline sa Ang Rizalian tapos hindi ko man lang magawang kumilos. MOVE, JONELL, MOVE, my conscience cries. But unfortunately, I am very degraded by the truth that I have no ability on writing. As in ZERO. Lahat na yata ng mga experiment kong sinulat e palpak. As in palpak talaga. Pero kahit ano pa man, que sera sera!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: