Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

isang pangkatan

Posted by Paurong sa Lunes, Enero 16, 2006

Ang ganda ng book report namin sa English. Hehehe. Isang araw lang namin ni-rush pero ang ganda talaga. Ang haba ng mga pinaglalakad namin kanina. Nagpaulan pa nga kami e. Nilakad namin ang mula school hanggang Mini-Stop para lang bumalik sa tapat ng school para bumili ng burger kaninang 12nn. Tapos nilakad namin hanggang doon kina Marlyn tapos pumunta kami sa computer shop na malapit sa PLP (yung kung saan lagi akong nagpapa-burn ng CD…andun nga si Kuya Jonas e, naggigitara siya nung datnan namin…ehehehe). Pina-print na namin ‘yung ilalagay sa mobile and we spent about 80 pesos yata. Ang mahal nung colored na title namin 50!

Then pumunta na kami sa may malapit sa City Hall. Wow naman ang ganda ng Pasig City Hall! Bumili kami ng kawayan mga isang oras din kami sa place na iyon hanggang sa tumila na ang ulan. Maya-maya hinila ako ni Marlyn sa Church nila (Iglesia ni Cristo kasi siya) so kanina nga yung first time kong makapasok sa sambahan nila. Ang laki! At saka ang ganda. Malinis na maganda pa. Napakasimple pero marami palang detalye. Ngek! Nakapasok na ako sa sambahan ng mga Iglesia. Awts…

Nung pabalik na kami sa hawz ni Marlyn e napagtripan naming dalawang pagtawanan ang bawat taong makasalubong namin. Naroon na yung dalawang girl na sinabi naming lesbian yung isa (nyek!)… yung mga cool off na magkasamang magsyota…mga kung anu-ano pang kalokohan. Kaya ako tawa nang tawa kanina e. Para talaga akong ewan. Kapag kasama ko talaga ang insan kong si Marlyn e para kaming mga bangag (ako lang ba?_ehehe_).

So pagbalik namin kina Marlyn e kinailangan ng ibang tao diyan na bumili ng thinner tapos niyaya ni Randy si Marlyn na samahan siya kina Madeleine para ma-charge yung cellphone niya. Niyaya ako ni Randy so sumama naman ako. Medyo malapit lang dun yung hawz ni Mhadz pero para pa ring malayo. Naabutan namin sina Mhadz at Stephanie, yung bezfrend niya, sa may basketball court, tumatambay. Pagkatapos naming pumunta doon e bumalik na kami kina Marlyn tapos tapos na palang barnisan yung kawayan. Kinailangan ng mga baging para sa decoration kaya go silang lahat except for me, Ethel and ‘yung isang taong nagbabasa nito ngayon. Napagod kasi talaga ako papunta kina seatmate ko. Ehehehe. Pagbalik nila nilagay na iyon tapos yun nga nanood kami ng TV…wag kukurap. Nakakatakot… WAHH! Sigawan. Tilian. Sigawan. Takutan to the max lalo na nung ipinakita yung multong nilalapit yung mukha sa camera. WAH!!! Nagsoundtripping din kami ng mga kung anu-anong kanta. Maya-maya natapos din kami sa paggawa ng mobile at manghang-mangha kami sa aming natapos. Naks! Ang ganda ng book report namin!!!

Mga 7:30 na yata kami natapos noon kaya hindi na ako nagbalak na pumunta pa kina Joan. Kanina kasing umaga e pinaalala sa akin ng tita ko yung play na gaganapin sa Aliw Theater. E, ala naman akong kasama nga kasi la naman ako contact ni Joan. Na-snatch yung cp niya and ala din silang phone sa bahay. So the only way to tell her nga sumama sa play is going to her personally. Pero hindi na natuloy iyon. Meron pa namang re-production ng play sa Jan. 28, sa mismong birthday ko na lang kami manonood. Romeo and Juliet yung play. Kahit alam na alam ko na ang story hindi yung story yung habol ko doon e…yung production. I wanna see how did Metropolitan Guild produce my much-awaited (ilang buwan na rin akong naghintay no!) Romeo and Juliet play. Iyon yung nasa video ng GEMINI…kaya may part ng Romeo and Juliet doon kasi kasama ang kantang Gemini sa production ng MET… and of course nandun nga si Yael. Kanina talaga gusto kong pumunta and manood sa play na gaganapin ngayong araw kaso ala nga akong kasama. Si Joan kasi yung sinabi ng tita ko kasama ko sa play. E, galit pa nga ako doon e kasi naman last Friday, noong itinuro ko sa kanya yung dati kong best friend ay binanggit niya pa yung pangalan ko (saka ko na lang iyon ikukuwento…nabubuwisit lang ako e). So iyon… si Joan ang magiging kasama ko sa pagpapanood ng play. Ewan ko lang kung may pera na siya. Siguro naman within two weeks time e makapag-ipon siya ng pera at least for pamasahe man lang papunta don. Kanina kasi sabi ng tita ko kung gusto ko na daw manood ngayong araw e ililibre niya na lang ng ticket si Joan kasi gusto niya may kasama ako (and that means she’s not fairly interested on watching my much-awaited play).

Kanina nga sa Yahoo!Messenger kausap ko si Kuya RJ…nagparinig ako na ala ako kasama ngayong gabi na manonood ng R&J…kasi nga gusto niya ngang sumama sa akin. Noong isang araw kasi e binanggit ko sa kanya ang production ng R&J na gusto kong mapanood…sabi niya gusto niya daw sumama…pero itatanong niya daw muna kay **** kung papayag… kung papayag daw e isasama niya itong si ****. Wini-wish ko nga na matuloy na makasama silang dalawa kasi gusto ko na talaga silang makita. Hayz! Pati nga mga expression ni RJ kinahahawaan ko na e… Awts. Going back…nagparinig ako kay RJ na ala akong kasama pero sabi niya may inuman sila ngaung gbi. At sabi niya rin e nagkayayaan sila kagabi. Hayz naman itong si RJ. Ang tigas ng ulo…sabi ko nang wag magpaparami ng inom e… sabi niya kasi naparami daw siya. Lagot siya kay **** herheherhe…

Sige na hanggang dito na lang kasi madami pa pala akong gagawin. Iniisip ko nga kung matutulog pa ba ako o hindi e. 1:33 am na at hindi pa rin ako matapos-tapos dito sa kata-type. Pero oks lang at least nakapag-post na ulit ako after 10 years (hehehe) ng entry dito sa blog ko. Kakahiya kc dun s nagbabasa e. Ahahaha! You know who you are naman e. Sige na. Gabi na e… Byeie!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: