Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

isang sigwang dulot ng pagmamahal

Posted by Paurong sa Miyerkules, Enero 18, 2006

Hayz… dpt ko p bang ipagpatuloy ang pagmamahal ko sa kanya kung lam ko nmng s bandang huli ay masasaktan ako? Mahal ko nga c Mint? Ngayon ay tinitiyak ko na nag-aalinlangan na ako sa aking nararamdaman sa kanya. Tila baga nawawalan na ako ng pag-asa sapagkat lam ko nmn n hindi makabubuti ang aking mga pinaggagawa. Ngayon nga ay patuloy pa rin ang pag-ikot ng aking utak. Kani-kanila lang e halos mabitawan ko na yung pitsel ng tubig nung kinuha ko sa ref tapos natapon ko pa yung isinasalin ko kaninang tubig sa baso ko. Tapos sa banyo naman, mabitaw-bitawan ko na yung sabon. Nawawalan na yata ako ng focus. At ngayon papasok pa ako. Ang saklap. Anong klaseng pagmumukha ang ihaharap ko sa mga kaklase ko. Isang malaking pagbabago ba buhat ng pagdating ni Mint sa buhay ko? Panay pa rin ang bugso ng pagpupuyos sa loob ng aking puso. Hindi ko mawari ang aking ilalabas o ipakikitang emosyon sa aking paligid sapagkat alam kong walang makaiintindi sa aking kalagayan. Hihintayin ko pa bang magkalayo si Mint at Luvs nia bago ako lubusang magalak? O dapat na akong makuntento sa more-than-friends-turingan namin ni Mint? O maghihintay pa rin ako sa kanya tulad ng kanyang ipinangako na susunduin niya ako sa school kapag fourth year na ako. Hayz… Mahirap umasa, ‘di ba? Oo, napakahirap. Kaya nga siguro sinabi na sa akin ni Mint na huwag na akong umasa dahil hindi niya masisigurado na masusuklian niya ang kabaitang ipinamamalas ko sa kanya. Mahal ko nga ba talaga siya? O buhat lamang ito ng kabaitang ipinararamdam namin sa isa’t isa. Mahal ko nga ba talaga siya? Oo baga o hindi? Hindi pwedeng maging hindi ang sagot sapagkat parati siyang nasa aking isip. Sa bawat minuto ay lumilitaw ang kanyang imahinaryong anyo sa aking isipan. Hindi ko man batid ang kanyang taglay na hitsura, alam ko pa rin na mayroon akong nararamdaman sa kanya. Mahirap talaga ang aking sitwasyon. Heto na ako, papasok na sa eskuwela at haharap na naman sa mundong hindi ko tiyak ang magaganap. Sana’y huwag na akong lingiran ng hiraya sa taglay na kabaitan ni Mint. Sana…😦

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: