Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

isang pagbabalatkayo

Posted by Paurong sa Huwebes, Enero 19, 2006

Nagsimula ito noong January 4, dalawang taon na ang nakalilipas. Iyon ‘yung time kung kelan nasa akin pa ang dati kong cp. Gabi na noon at malapit nang mag-alas-dose nang naisipan kong maghanap ng maiti-text. I browsed my phone book at na-emphasize sa akin ang pangalang Niño. Siya ‘yung crush ni Cherry ng III-1… fourth year siya noong first year palang ako… at magkamag-anak sila ni Ma’am Grace na noon ay Filipino I S.T. Paano ko nga ba nakuha ang number niya? Hindi ko na maalala. Ang naaalala ko na lamang ay ang naisip kong trip kay Niño. Tutal hindi niya naman ako kilala so pwede ko siyang pagtripan, sabi ko sa aking sarili. “Hi. Mr. Pogi na may bigote…” Iyan lang ang naaalala ko sa tinext ko sa kanya ng gabing iyon. Ilang sandali lang e nagreply na siya at sinabing “Jm? Gotcha!”. Siya mismo, sa isang indirect way, ang nagbigay sa akin ng mas malalim na idea.

Pinanindigan ko ang pagiging JM simula noon. There came times na naghihinala na siya kung c JM nga b tlg ang tini-text nia o bka nmn ibang tao lang. Pero todo deny ako.

After ilang araw, binigay niya sa aking ang telephone number niya at nakiusap na tumawag ako. Nang kinagabihan ay hindi ko alam kung tatawag ba ako sa kanya o kakalimutan ko na lang ang lahat. Tutal e trip lang naman ito, ah! Pero anumang uri ng hangin ang humihip sa akin upang tuluyang i-dial ang number nia. At kami ay nag-usap. Nagulat ako nang hindi man lang niya nahalata na hindi ako iyon. Kulang na lang ay sabihin ko sa kanya noong mga saglit na iyon na “HOI, NIÑO, HINDI AKO SI JM, AKO SI JONELL!” Nagtagal ang aming pag-uusap hanggang sa wala pa rin akong natanggap sa kanya na major na paghihinala na hindi nga ako si JM. Karaniwan niyang binanggit kung ako nga ba talaga iyon at panay naman ako ng pag-amin na ako nga si JM.

Hanggang sa lumipat ang tatlong buwan at nakatanggap na lang ako ng txt message mula sa kanya na nagsimula sa isang mura at kung maaalala ko pa ay may kalakip iyong pagbabanta kung sino ba talaga ako. Hindi ko na maalala. Parang may kasama iyong “Ikaw na mismo ang sumira sa relationship nating dalawa..tpos sasabihin mong hindi ikaw yung nagti-text sa akin…gotcha..t*** in* mo… lam ko ikaw din yan jm…”

Nagalit ako sa aking sarili. Alam kong nagkaroon marahil si Niño at JM ng hindi pagkakaunawaan o di kaya’y tinapos na nila ang maganda nilang pagsasamahan.

June 2, 2004. Nagtungo ako sa Megamall upang makapanood ng Harry Potter and the Prisoner of Azkaban. Nang… nang bigla ko siyang nakita sa kabilang daanan sa isang third floor. Kasama ni Onin ang kaniyang mga dating kaklase na madalas ko ngang nakikita sa RHS noong nasa first year pa ako. Nabigla ako nang tagpong iyon. Hindi ko nawari kung ano ang marapat kong gawin. Puntahan ko kaya siya? I-approach ko kaya siya tapos sabihin kong “Hei, ako si JM, niloko kita, hehehe”. Baka masapak niya lang ako. Pero hindi ko na iyon pinansin. Inaamin ko, nagkaroon nga ako ng balak na i-stalk siya kaso lang kailangan ko na noong manood ng HP. Hayz… Naaalala ko pa iyong araw na iyon..

Sa kabuuan ng second year ko, nagkaroon pa rin naman ako ng contact kay Onin. Pero hindi bilang ako kundi bilang si JM. Nagkaroon nga ng pagkakataon na tumawag ako sa kanila at siya ang nakasagot at alam niya na si JM nga iyon–alam niya na ako. Ilang beses din naman kaming nagkaka-usap sa phone pero hindi talaga madalas. Minsan ay kada-tatlong buwan ako tumawag sa kanya at nagkakausap naman kami. Ang hirap nga lang ay hindi ko alam ang dapat kong ikuwento bilang si JM na nalulusutan ko naman ng ibang mga bagay-bagay.

Ngayong third year ako, noong isang buwan, siguro August, nakita ko siya sa labas ng school na papauwi sa kanila (kasi nga sa Villa Susana lang siya nakatira, na sobrang lapit lang sa school). Nagulat na naman ako; ako lang siyempre yung nagulat kasi di niya naman ako kilala e. Tapos noon namang sumunod na buwan pumunta siya sa loob na ng school. Ewan ko lang kung tanda niyo yung naka-yellow na guy na may bigote na pumunta sa Guidance Office na medyo (?) pinagkaguluhan kasi nga crush siya ni Cherry noong first year. Hayz. Napagmasdan ko siya nang malapitan noong mga saglit na iyon at sa bawat pag-alala ko sa kanyang wangis ay napagtanto ko ang aking kasalanan sa kanya.

At recently, weeks ago lang, nakausap ko siya sa phone at inabot kami ng five hours sa pag-uusap. 11pm-4am. Kung hindi lang siguro siya noong inaantok at kailangan nang magpahinga dahil merong gaganaping swimming kinabukasan e baka umabot pa kami ng umaga kakausap. Ang dami pala naming napag-usapan. Feeling niya sa akin ay nagbago. Siyempre. E hindi naman ako si JM e. Noong mga oras na kausap ko siya sa phone e hindi ko batid sa aking sarili na nagpapanggap ako bilang c JM, bagkus ay kausap siya bilang isang kaibigan at katulad ng ordinaryo kong pakikitungo sa gitna ng linya ng telepono.

Ngayong mga araw na ito ay pinapatay na ako ng aking konsensya. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Noong isang gabi ay napag-desisyunan ko nang sabihin sa kanya ang totoo–na ako si Jonell–pero pagkatawag ko sa kanila e nanay niya ang nakasagot at tinatanong ako kung sino ako. Sabi ko ako si JM at nang tinanong niya na kung ano ang apelyido ko at hindi na ako nakasagot e binaba ko na lang ang telepono at kasabay noon ang pagkawala ng aking lakas ng loob. Hayz. Isang malakas na buntung-hininga ang aking pakli sa mga naganap. Gusto ko nang sabihin sa kanya ang totoo ngunit ako ay tinatabihan ng takot at pangamba na baka magalit siya. OO, alam ko sa sarili ko magagalit siya, iyon ang pagkakakilala ko sa kanya. Alam ko mumurahin niya ako at tatanung-tanungin kung sinong gago ako at kung sabihin ko man na ako si Jonell e hahanapin niya ako at pag nahanap niya na ako ay sasapakin niya ako. Ang dami kong naiisip na pedeng mangyari. Pero sabi nga nila Face the Consequence. Kaya ko nga gustong i-take na yung risk, e. Lam ko magagalit siya. Sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa ko. Pinakialamanan ko ang buhay niya at ang buhay ni JM. Sinira ko ang naging magandang samahan ng naturan ngunit sa kabilang banda ay namulat ko ang mga mata ni Onin. Sa isang paraan oo at ang bagay na iyon ay hindi ko na mailalagay dito sapagkat pribadong buhay na iyon ni Onin at alam kong sikreto niya iyon. So, ano nga ba ang dapat kong gawin? Noon ngang isang araw ay pumunta ako sa Villa Susana at nagbaka-sakaling makita ang aking pinagsinungalingan. Pero para naman saan? E, hindi naman iyon makabubuti! Kapag ba pumunta ako sa Villa Susana at nalaman ko ang kanyang tinitirhan e masasabi ko na sa kanya na ako si Jonell. Hayz. Hindi ganon. Ang sakit sa ulo ng kasalanan kong ito at hindi ko pa rin alam ang aking gagawin. Pero sa ngayon e mananahimik muna ako. I should. And I also have to forget him and to partially erase him on my mind. Di ko kayang mabura siya totally kasi naging part na rin siya ng buhay ko. Sana lang mapatawad niya ako at sana ay maging magkaibigan pa rin kami. Pero impossible iyon, di ba? Hayz talaga… :-+

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: