Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

isang pangungulila

Posted by Paurong sa Huwebes, Enero 19, 2006

Hayz… Periodical test na pala bukas… hindi pa ako nagre-review. Hindi pa rin ako gumagawa ng huling assignment tungkolsa England sa AP.. at hindi pa rin ako tapos sa paggawa ng term paper. Actually, yung conclusion na lang at saka yung iba. Meron na akong introduction at acknowledgments pero wala pa ako nung iba. Hayz talaga. Ang hirap-hirap. Sobra. Pero hindi naman ako magsisisi kung next year e wala na ako sa pilot. Ang saya non!

And ang mas masaya e mas makakasama ko si Mint kung saka-sakali. Hindi ko pa rin siya mawaglit sa aking isipan. Iniisip ko pa rin ang kanyang boses. Kapag nakakarinig ako ng kaboses niya o kapunto niya e di ko magawang kiligin. Hayz. Miz na miz ko na si Mint at gusto ko na rin siyang makita. Pero natatakot ako n bka makaapekto ang kanyang hitsura sa magiging pagtrato ko sa kanya.

Mahirap kasi ito ngayon e… hindi ko pa alam kung ano ang kanyang hitsura.. pero alam ko mabait siya at mahal niya daw ako. Magkapatid lang… ikaw naman o. Wala namang hihigit dun e. Thankful ako kasi nakilala ko siya. Kung hindi dahil siguro sa kanya e wala pa rin akong inspiration sa mga ikinikilos ko. Simula nang dumating siya sa buhay ko e na-realize ko na kailangan ko talaga siya. Pero parang hindi na ngayon. Feeling ko kasi wala lang ang mga nangyayari. Ang gulo ko, ‘no? Kasi naman nakakainis…basta. Pero hindi niya daw ako iiwan…tignan lang natin kung magkakatotoo nga yung promise niya na sa fourth year ko e susundu-sunduin niya ako sa school pag may time siya.
Impossible yun.

Hayz..kung malapit lang siguro ang lugar niya o di kaya e nakatira lang siya dito sa Pasig o di kaya sa San Miguel, siguro madalas na akong nasa bahay nila o kaya siya dito sa bahay namin. Di ko naman tinatanggi na isipin na magkasama kami buong gabi. Yun bang maglalaro kami ng computer game…o kaya tuturuan niya ako ng Ragnarok… o kaya sabay kaming magbabasa ng mga journal entries… o kaya maglalaro kami ng badminton… sabay kaming kakain.. masaya kami… manonood kami ng DVD with snacks.. magkatabi… nanonood… ang saya. Pero hindi mangyayari yun. Malabo. Hanggang phone conversation lang kami and chat.

Ang gulo ko talaga… Nahahati na kasi yung faith ko na magiging maganda kaming magkapatid. Kasi naman e. Basta. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Ang hirap talaga. Sabihin ko man na hindi ko siya kasalanan tila baga isang malaking kasinungalingan iyon sapagkat hinahanap-hanap ko siya parati. Kung sana magkaklase na lang kami… or at least schoolmates…or at the very least magkapitbahay para lagi kaming pedeng magkasama. Pero parang hindi niya naman ako kailangan dahil meron naman siyang mahal na iba. Siyempre pipiliin mo muna yung mahal mo bago yung kapatid mo diba? And siguro nga danun yung mentality niya. Ano na kaya nangyari sa kanila ng Luv niya? Nag-cool-off na kaya sila? Or on a better side e nagkahiwalay na sila? Ehehe. All these days, puros si Luv ang kanyang bukam-bibig pero soya lang sa akin kasi ano naman diba? Magkapatid lang kami. That’s it. And I meant to be satisfied on the attention and care and love na ibinibigay niya sa akin.

Ang hirap ng situation ko. Pihado bukas sa test, hindi ako makasasagot ng maayos kung puros siya na lang ang pupuno sa walang laman kong utak. Kailan kaya kami pagtatagpuin ng tadhana? Kailan kaya? Ngayon pa lang, nang hindi niya nalalaman, mag-iipon na ako ng pera para sa una naming pagkikita. Ililibre ko siya ng pagkain namin and kung kakayanin e inonood ko siya ng sine sa Mega. Ehehe. Ano kaya ang hitsura niya? Puro na lang ako imagination ng kanyang mukha, tindig, at wangis. Pero para sa kanya e maghihintay ako. Si Mint pa? Ehehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: