Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

isang himagsikan (kilala kaya nila sa bonifacio)

Posted by Paurong sa Biyernes, Enero 20, 2006

Kagabi, nabalitaan ko na lang mula kay Lecle na galit na galit na galit na galit na galit daw si Mrs. Merino sa akin. Impolite daw ako kasi rude daw yung ginawa ko. Kasi naman itong si Ms. ST e nagsumbong pala tungkol sa isinulat ko kahapon na sentence sa blackboard. Meron kasi akong hindi maintindihang sentence na ipinipilit ko yung grammar kay Mrs. Merino. Kasama kasi iyon sa test… di ko lang ma-remember yung exact na sentence pero ang big deal doon ay yung verb na find. Isinulat ko sa blackboard yung sentence para i-explain kay Angela yung side ko about that particular sentence and then nung papalabas na ng room si Mrs. Merino e sinundan na siya nila Lecle, Jeff, Jhelai… so iyon di ko na na-explain kay Angela yung sentence. Hindi ko naman isinulat iyon para sabihin sa buong klase na ‘Ei, mali si Mrs. Merino, dapat ganito ganyan…’ Hindi kasi ganoon iyon e pero ganoon ang naging dating kay Mrs. Merino. Aba… galit na galit yata sa akin itong si Ms. Castillo kaya ganoon ang pagkakasumbong niya kay Mrs. Merino. Hay naku. Nakakabuwisit. So nitawagan ko si Jenny para tanungin yung tungkol sa nangyari sa English pero sabi ng kuya niya tulog na daw.. so nitawagan ko c Madeleine para itanong and sabi niya nga e nanginginig si Mrs. Merino…galit na galit daw…at marami pang hindi ko na maisulat dahil sa tensyon at hindi ko na rin maalala. Walang pag-aatubili, ipinagpalit ko ang panonood sa favorite TV program ko sa pagtawag kay Mrs. Merino. At nung siya na ang nakausap ko…

“Si Jonell po ito…” sabi ko nang mahina.

“Yes?” Ramdam ko yung paghihintay niya sa aking sasabihin feeling ko tuloy alam niya na na magso-sorry ako.

“Gusto ko lang po sanang mag-sorry dun sa nangyari kahapon…” blah blah..

“So, nabalitaan mo na pala..” pakli niya.

“Pasensya na po talaga.”

At siyempre nagpaliwanag ako sa kanya at nagpaliwanag din siya ng side niya. Hanggang sa mauwi ang lahat sa pagkakabati namin. Kaya ngayon e pag-aaralan ko na ang mabuting pakikitungo sa mga guro lalo na sa kanya. Naikuwento nga daw sa kanya ni Mrs. Relova yung tungkol sa Bourgeois-Bourgeoisie issue naming dalawa. Kasi naman yung una e bor-zwa ang pronounciation habang ang huli ay bor-zwa-zi. Pinagpilitan kasi niya sa akin na ang pronounciation ng huli ay bor-zwa. Hayz… Naging big deal pala iyon kay Mrs. Relova. Actually, hindi iyon nangyari sa loob ng classroom e, nangyari iyon sa teacher’s room at naaalala ko pa nga iyon. Naikuwento ko rin kay Mrs. Merino yung pangalawang alitan buhat ng pagtatalo sa kung ano siglo naganap ang Renaissance. Nangyari iyon noong isang linggo nang magkaroon kami ng quiz tungkol dito.

Payo sa akin ni Mrs. Merino e magbago na daw ako…at kung ganito na daw talaga ang ugali ko e dapat ko daw tantiyahin para hindi maka-offend ng ibang tao lalo na ang teacher.

I was so guilty. I mean, I feel very sick about myself and clumsiness and awkwardness came rushing down my spine. I feel quite bittered about myself. It’s just that I feel condemnation among me and my self. Hayz…

And another pa iyong tungkol sa THEE issue.. napahiya ko si Ms. ST… at kaya pala nisabi ni Mrs. Merino na ang ibig sabihin ng thee ay me e upang isalba na lamang si Ms. Castillo noong time na iyon. Masyado kasi akong nagmagaling. Ninais kong ipamukha sa buong klase na alam ko ang ibig sabihin ng word na iyon at alam kong mali ang pagkakagamit niyaon sa pangungusap… “Are you satisfied?” tanong nila sa akin noong araw na iyon. At mariin kong binigkas ang “NO” na mas nagpag-igting sa galit sa akin ni Mrs. Merino noong araw na iyon. Actually noong mga sandaling iyon e hindi pinalagpas ang pagkakataon na sabihin sa lahat na feeling ko mali ang sentence….

So much for that na kasi ang dami ko pang isusulat…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: