Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

umpisa ng ikatlong markahang pagsusulit

Posted by Paurong sa Biyernes, Enero 20, 2006

Ano pa ba ang ibubulaga sa akin ng mga classmate ko pagdating na pagdating sa school. Sabi ni Arnold, galit na galit daw si Mrs. Merino. Sabi rin ni Jose. Si Mahal nga nabalitaan din. At siyempre lahat sila alam kasi witness sila kahapon! Test na. Siyempre magkakalayo ang upuan. First test Math. Tapos biglang pumasok sa room si Mrs. Merino. Dapat ba akong kabahan? Di ba nga ok na kami. Di lang siguro alam ng mga classmates ko. Iba nga e napatingin sa akin upang makita ang reaksyon ko sa biglang pagpasok ni Mrs. Merino at kinausap si Mrs. Nudo, na nagbabantay sa amin kanina. Bakit ako kakabahan? Sanayan lang siguro yan. Sanay na ako sa ugali niya. Ganoon talaga kasi si Mrs. Merino. Hayz… Ang hirap ng Math… hirap talaga pag bobo ka. Tapos yung English hindi naman mahirap e. Tapos yung AP ang hirap… mga hindi namin pinag-aralan yun, a! Bakit may France doon? Bilang ko lang sa daliri ang mga napag-aralan namin, a! Renaissance lang at saka ano ba yon basta. Bakit ganoon hindi pa namin napag-aaralan yun. Hayz. Tapos yung EP kala ko ang dali-dali yun pala sobrang hirap. Di ako nagreview doon e kala ko naman katulad lang ng dating mga test na common sense lang ang kailangan mo. Sh*t! Bakit identification? La akong nasagot. After noon e nipasa ko na yung rough draft ng term paper ko… aba la reaksyon si Mrs. Merino.. Kung hindi siguro ako tumawag kagabi e ngayon niya ako nasigawan ehehehe. So iyon nga. Kakapagod. Pumunta kami nina Lecle at Mary Joy sa Comp. Bldg. para puntahan si Ma’am Cecille. Kumuha ako ng unit test ehehe. Absent kasi ako nung nag-unit test e. Ang tigas kasi ng ulo ko. So iyon naka-46 out of 50 ako… common mistakes lang tricky kasi tapos di naman inindicate doon sa ibang item na mali ako na ilagay kung anong name ng template. Madali lang naman yung unit test. Sisiw lang. Di kailangang mag-review. Pero umangal ako na mahirap… syempre pa-humble effect…

Umuwi ako pero hindi dumiretso sa bahay kasi la pala akong susing dala kaya di ako makapasok. Punta ako sa computer shop malapit sa min tapos nag-one hour ako then balik akong study net. Balik akong school. Pumunta akong library tapos nandoon sina Lecle, Mary Joy, Angela, Florgie… gumagawa ng term paper… hihihi! Nandoon din si Randy, maya-maya nandoon na si Jeff. Lumabas muna ako ng campus para bumili ng food tapos nakita kong nakatayo doon sa kabilang side si Mrs. Merino… naghihintay ng masasakyang jeep. Ako naman, na feeling sobrang bait ay ngumiti sa kanya, siya rin sa akin. Parang wala lang nangyari, a.

Pagkatapos nilang makagawa ng rough draft na ipapasa e pumunta kami sa bahay ni Florgie tapos medyo kuwentuhan. Ako lang guy. Sumama na rin ako kasi la naman ako mapupuntahan. Pihado kasing late na ang uwi ni Lola sa bahay. Mabilis nakatulog si Mary Joy tapos natulog din si Florgie at saka si Jhelai. Nagbabasa ako ng Noli Me Tangere habang binabantayan sila tapos maya-maya e nabitawan ko na pala yung book at nakatulog na ehehehe…

Pagkagising naming apat e naalimpungatan kaming mag-online… Nung papunta kaming study net, huminto kami para bumili ng food… hindi masarap yung gulaman parang tubig na hinaluan ng arnibal at pulang asukal. Lang kwenta. Sayang yung 5 pesos… 15 minutes din un. Ehehe! Awts. Nakasalubong namin si Joan so kasama ko na siyang pumunta sa SN with the three girls. Galing si Joan sa DLSU. Sosyal! Kuwento siya sa akin and everything. Online. Naka-one hour ako. Pagkatapos noon e balik na kami kina Florgie. Kinuha yung gamit tapos nagpasama si Joan sa The Link para i-print yung IZA niya. Adik yun kay Iza Calzado. Pinabasa niya sa akin yung story na naka-publish sa isang school publication ng ano ba yon… basta maganda yung story at yung English na pagkakasulat nung author na si Dianne. Speaker niya lalaki. Parang ako dun sa sinulat ko speaker ko babae. Baligtad pero effective. Mahaba lang talaga yung story pero maganda naman at maayos ang English niya, in fairness. Balik ko nga i-e-mail sa kanya yung story ko para masabihan niya ng comment. Pero so much na about that thing. Umuwi ako waiting for something. A call from a new friend I know not yet but his name.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: