Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

isang bagong kaibigan

Posted by Paurong sa Sabado, Enero 21, 2006

“Hello,” sambit ko matapos bumaba at iwanan ang isinusulat kong blog entry upang sagutin ang kumiriring na telepono.

“Ah, hello, pwede po kay Jonell?”

Hindi pamilyar ang kanyang tinig; ngayon ko lang narinig ang kanyang tono ng pananalita ngunit sigurado ako na siya ang aking hinihintay.

“Ah… sino ‘to?” Pakunwa kong pakli habang ipinapanhik na kasama ko ang telepono at nagtuloy sa harap ng computer.

“Si Uly.. Pwede po kay Jonell..Jonell?” Nagulat ako sapagkat tama ang kanyang intonasyon sa pagbigkas ng aking pangalan.

At doon nagsimula ang aming tila walang humpay na pagkukuwentuhan na hinadlangan ng pagdating ng kanyang Daddy. Isang oras din ang lumipas noon at naging magaan naman ang kalooban ko sa sophomore na ito ng Quirino High School. Wari bagang matagal ko na siyang kilala sa punto ng aking pagsasalaysay sa kanya ng mga bagay-bagay na pangunahing tumukoy sa kaganapan sa pagitan ko at ng aking guro sa Ingles at ang mga nai-direhe kong mga play. Nanuyo ang aking laway sa pagbabanggit sa kanya ng aking mga karanasan na para bang nagkukuwento lang sa isang malapit na kaibigan o sa isang malapit na kamag-aral. Ganoon kaagad ang kinahulugan ng aking damdamin sa binatang ito na bagama’t sa litrato ko pa lamang nakita ay sigurado akong mabait tulad ng pagkakakilala ko sa kanya sa hirit ng kanyang boses. Kung hindi siguro dahil sa kanyang Daddy na dumating pagkuwa kong matapos ang isang mahabang salaysayin tungkol sa Romeo and Juliet at ako bilang isang Journalist, manapa’y marami pa akong kinatuyuan ng ngala-ngala sa pagkukuwento. Masaya naman siya siguro. Nararamdaman ko naman na magiging mabuti kaming magkaibigan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: