Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

katapusan ng ikatlong markahang pagsusulit

Posted by Paurong sa Sabado, Enero 21, 2006

Buti naman tapos na ang mga test. Kanina pagkapasok ko sa campus e hinila ako bigla ni Madeleine sa isang side para hintayin si Allan na hindi naman nagpakita sa amin. Nakasabay niya daw sa jeep si Ms. Castillo. Nilibre daw siya ng pamasahe. Wow! Mabait naman!

Hindi pa naman kami masyadong late noon. Bumili siya ng papel sa coop tapos pumanik na kami sa classroom. Aba wala ata si Mrs. Nudo. Nung napansin kong kailangan nga pala ng pencil para sa Filipino e hinila ko si Madeleine na bumili ng lapis. Ang tagal bago kami nakabalik ng room kasi naman walang pantasa.

Tapos test na. Aba! Nandoon yung adviser namin, si Mrs. Iquin. Hindi naman ganun kahirap yung Science kasi mas mahirap pa yung mga quiz namin. Ehehe. Yung MAPEH, halos wala akong masagot kasi di ko alam yung mga iyon. Pero hindi naman siya masyadong mahirap. Yung Filipino naman ang haba-haba. Naka-isang oras yata ako kababasa ng mga tanong. Ang hahaba talaga.

So, after nung test e niyaya ko si Joan na bumili ng food sa Pag-asa. Pagdating sa Pag-asa. Wow! Ang sarap ng burger… Pero yung shake hindi ko masyadong nagustuhan kasi ibang tao yung gumawa e.. hindi yung madalas na nandoon sa tindahan.

Pagbalik sa school, hinahanap kami ni Roselle. Magpapahatid siya kay Joan tapos hinahanap niya sa akin yung ipapabasa ko sa kanya (yung My First Kiss). E hindi ko makita sa gamit ko kaya sabi ko sa Monday na lan. May contest nga pala ngayon si Joan. Siguro nagsisimula na iyon ngayon. Asensado talaga kapag magaling sa Math, pambato na, nakararating pa ng La Salle…hehehe.

Pumunta akong Study Net. Ang dami na namang tao hanggang sa humupa din kinatagalan. Ang iingay ng mga section 4. Tapos meron pa silang kasama na familiar sa akin ang mukha pero hindi ko kilala na obvious na obvious na mag-on. Todo kapit sa waist ng guy yung girl. Sabi ko, ano ba naman yan. Tinitignan ko nga ng masama yung guy. Tumingin din sa akin. Ehehe. Di kami nag-away. Di ko naman siya kilala e.

Tapos nakauwi na ako ng alas-dos. Pinaiwan ko kasi kay Lola sa kapitbahay yung susi para makakapasok ako pag-uwi ko. So ngayon e nandito na ako sa bahay at walang magawa. Hindi ko pa nababasa yung pinost nung isang tao diyan kasi naman mas sira yung file sa diskette. Maya na lang siguro ulit try ko mag-online. Hayz… di pa nga pala ako kumakain. Hanap muna akong food sa baba. See you next time!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: