Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

ilang pagkukuwento at sari-saring kuwento

Posted by Paurong sa Linggo, Enero 22, 2006

Mag-aalas kwatro na ng madaling araw…hindi pa ako natutulog. Ehehe. Napasarap kasi yung laro ko ng Age of Empires e. Tuloy parang nakalimutan ko na ang oras. Hirap talaga kapag night shift ka. Pag umaga ako tulog at sa kalaliman ng gabi ako gising. Paniki na ata ako. Pero at least nakakatulog pa rin ako hindi tulad ng ibang tao diyan na isang linggo nang walang tulog. Hihihi!

Hayz… kanina nga pala tumawag na naman si Uly. Katulad ng oras ng pagtawag niya kagabi. Siyempre nagkuwentuhan na naman kami. Naikwento niya yung Biology class nila.. blood typing na daw sila. Naalala ko tuloy yung blood typing last year. Puro dugo. Wah! Kala ko masakit hindi naman pala. Puro school ang pinag-usapan naman. Nagkuwento pa nga ako ng tungkol kay Crisostomo Ibarra e. Tapos iyon medyo matagal din ang pag-uusap namin. Kala ko maipapahinga ko na ang boses ko yun pala hindi.

Tumawag naman si Dexter tapos nagpapatulong sa Book Report nila sa English–Romeo and Juliet. Nagpakuwento siya. Naka-isang oras ako kakasalita ng tungkol sa first act. Yun palang iyon ha. Pagod na pagod na kaagad yung lalamunan ko at bibig ko kakasalita. Kasi naman ipakuwento mo ba naman sa akin ang Romeo and Juliet e di na-discuss ko na sa iyo lahat ng lines na nisabi sa play. Halos i-discuss ko na ang bawat line sa kanya. Gusto nga ni Dexter na i-shortcut ko na lang ang pagkukuwento pero hindi ko iyon ginawa bagkus ay i-explain pa sa kanya ang mga bagay-bagay. It seems that I am pathetic with Romeo and Juliet… pero hindi naman. Buti nga hindi na niya nipatapos yung pagkukuwento ko kasi kakain na daw sila nung time na iyon… kundi baka tinapos ko ang pagkukuwento hanggang sa dulo… Hayz..

Tapos nitawagan ko si Lecle. Nikuwento niya yung nangyari papunta sa fiesta sa Pinagbuhatan. Basaan daw talaga kaya nga basang-basa sila kanina e. Kawawa naman si Madeleine… nabasa yung cp niya.

Hindi pa kasi ako inaantok kanina kaya nibuksan ko pc.. una hindi para maglaro kundi magsulat ng iba-blog ko pero di ko na inurungan yung laro nung nagsimula na. Naka tatlong oras yata akong naglalaro. ADIK! Nakakasawa na rin kasi ang The Sims. Pero bakit ang AOE hindi ko nipagsasawaan. Labanan kasi iyon e. Strategy game na astig! Para kang nasa Encantadia! So iyon, medyo nag-ayos na rin ako ng mga post ko. Ayan na 4:00 am na kailangan ko nang matulog… Maya na lan ulit pagkagcng ko… zzzzz

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: