Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

isang maysakit

Posted by Paurong sa Martes, Enero 24, 2006

Hindi ko ineexpect ung nangyari…kasi naman napunta ako ng Clinic nang hindi oras. Sumakit kasi yung tiyan ko simula pa noong Chemistry tapos lalo pang sumakit pagdating sa classroom. Masakit talaga.

Sinamahan ako nina Lecle at Mary Joy sa Clinic tapos binigyan ako ng gamot. Nakasabay namin si Carmela na pumunta din ng Clinic kasi masakit daw yung katawan niya. Paglabas niya meron na siyang dalang Advice-to-go-home slip.

Pagbalik sa classroom–time yun ng Math, e, wala si Sir–masakit pa rin talaga. So humingi kami ng help ni Lecle kay Mrs. Merino. Nagulat siya pati na rin si Mrs. Relova. Sabi nung huli inaatake daw ako ng hyperacidity. Sabi ko, ha? So iyon, sabi nila sa clinic daw muna ako mag-stay.

Inihatid ako ni Lecle sa Clinic tapos kung anu-ano na yung pinaggagawa sa akin ni Mrs. Hiyao (na tita ng asawa ng tita ko) at nung isang lalaking ewan ko kung sino di naman naka-uniporme. Pinainom ako ng gamot na naman tapos nilagyan ako ng mainit na bagay sa may tiyan. Pinahiga ako. Sabi matulog daw ako. E, hindi talaga ako maka-lie down kasi masakit talaga. So, para na akong tanga sa Clinic tapos sabi ko CR muna ako. Doon ako sa CR ng player yata. Malinis yung loob buti naman.. tapos yun yung first time ko na makadumi sa isang school CR. Ang hirap. Hindi kasi sanay. Never pa akong dumumi nang ganon. Mas gusto ko pa sa bahay, ‘no?

Mga 12:30 na yata ako nakatulog. Grabe ang init dun sa place ng higaan. Pinilit ko na lang makatulog. Bakit kasi hindi ako naging buena-mano ng Clinic dun sa bagong tayong building. Balita ko kasi doon na yung Clinic by this week. Naalimpungatan ako ng may tumabi sa akin sa kama. Aba, si David. May masakit din ata sa kanya. Ewan ko. E, wala naman kasing iba pang kama sa Clinic so pinatabi siya sa akin. Yung isa pa kasing kama e occupied na ng isang girl.

Bago mag-3 pm nagising na ako. Tapos pagbalik sa room para akong celebrity. Hayz.. Ewan ko ba.. tapos gulu-gulo pa yung buhok ko at gusut-gusot ang polo ko kasi nga bagong gising po ako. Grabe itong pangyayaring ito. Sana wag nang maulit. Ehehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: