Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

isang pagpaparamdam

Posted by Paurong sa Huwebes, Enero 26, 2006

Why does Mint have to make a call? It never came up to my mind that Mint will call me up. Dapat ko siyang kalimutan, diba? Pero bakit may naramdaman akong tuwa noong narinig ko ang boses niya? Para bang matagal na akong nangungulila sa kanyang tinig, sa kanyang punto, sa paraan ng kanyang pagsasalita at sa mga bagay-bagay na aming pinag-uusapan. Why does Mint have to call kung kelan alam ko namang dapat nang kalimutan ang gabing iyon? Pampasakit siya ng ulo ko, alam mo ba iyon? I made the decision na huwag muna siyang pansinin. Oo, sige na. Hindi ko siya kayang kalimutan. Pero sa ngayon ginagawa ko. Sabi mo nga, minsan, diba, kailangan nating magpaalam sa taong mahalaga sa atin. Kahit na masakit, oo, kahit na masakit gagawin mo kung doon siya magiging masaya. Alam ko namang magiging masaya siya kung mawawala na ako sa buhay niya. I don’t deserve being a part of Mint. Hindi ako karapat-dapat na maging bahagi ng buhay niya.

Na-realize ko na tanga pala ako kasi nagmahal ako ng isang taong hindi naman ako mahal. Pero bakit ko ba pinagpipilitan na minahal ko siya.

Siguro sa mga oras na ito e napagtatanto ko na na hindi ko talaga siya minahal. It never happened. Hindi ko siya minahal. Magkapatid lang kami. At that’s it. That’s it. Pero kanina bakit gano’n? Bakit niya kailangan tumawag? Kahit naman anong gawin ko e hindi pa rin ako mawawalan ng connection sa kanya. Lalo na ang promise niya na magkikita kami pag nasa Manila na siya. Hayz. Hindi ko na magagawang takasan iyon. Pwera na lang kung may iba pang mangyari. Wala na akong kawala. Wala na. May connection na siya sa iba kong kaibigan. At kung gustuhin man niyang kumustahin ako ay magagawa niya pa rin sa pamamagitan ng aking mga kaibigan na kilala niya.

Bakit kailangang humantong ang lahat sa ganito? I have exposed this person sa ilang tao. It seemed that hindi na ako nawalan ng sikreto. Kaya nga ngayong mga panahong ito ay ibinubuhos ko ang lahat ng nasa puso’t damdami’t isipan ko sa pag-bla-blog. Kasi alam ko trusted ko ang mga taong nagbabasa nito. Yung isang tao ay ngayong taon ko lang nakilala at sobra-sobra ang tiwala ko sa kanya kasi naiintindihan niya ako. Yung pangalawa naman ay parating nandiyan para sa akin simula pa noong unang panahon. At yung pangatlo ay ang pinaka-espesyal na tao sa buhay ko sa ngayon, ang aking best friend. Kayong tatlo lang ang nakakaalam ng mga bagay na ito at inaasahan kong maitatago ninyo ang lahat ng mga bagay na sinasabi ko sapagkat alam kong mapagkakatiwalaan ko kayo. Mahal na mahal ko kaya at lubus-lubos ang pagtitiwala ko sa inyo. Sana ay hindi kayo mawala sa mga oras na kailangan ko kayo. Salamat sa lahat. Inaasahan ko ang higit niyo pang suporta sa akin at sa pagbabasa sa blog na ito. Salamat sa lahat.

Going back kay Mint, ito na ang isipin ko ngayon: magkapatid lang kami at hindi ko siya kailanman minahal. Naging tanga ako mandi’y masaya sa piling niya.

Doon sa isang taong nagbabasa diyan, e, wag kang mag-alala, makikilala mo rin siya. Sa ngayon, hindi ko muna pag-iisipan ang mga bagay-bagay na patungkol kay Mint pero inaamin ko na masaya ako sa piling niya..kahit sandali.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: