Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

isang araw ng debate

Posted by Paurong sa Biyernes, Enero 27, 2006

Hindi ko inaasahan na paglilinisin na naman kami ng sahig sa Computer classroom. Parating ganoon ang eksena tuwing magdyi-general cleaning sa TLE. Iyon lang ang naging klase namin ngayong araw na ito sapagkat ngayong araw gaganapin ang finals ng debate between RHS and PCC. At intermission number pa ang third year pilot sa nasabing finals sa Auditorium. Bohemian Rhapsody… Mama, just killed a man…. And it certainly reminds me of the “I like it that way” thing. Remember that time is not worth the trouble.
Anyway, marami rin namang nangyari habang tumatakbo ang oras ngayong araw na ito.

Pagkatapos ng TLE, nung pabalik na ako sa room e nitawag ako ni Alex na nakita kong nasa may canteen. Sabi niya late daw siya sa first class nila kaya doon muna siya nag-stay. Nipakilala niya sa akin yung friend niya na J din ang umpisa ng pangalan tulad ko at may hawig ang pangalan sa akin: parang Joms o kaya Jay, ewan. Pinabitbit sa akin ni Alex yung bag niya. (Bigat ba? Hindi naman.) Medyo nipakialam ko nga bag ni Alex..tagal ko nang hindi nakakalkal iyon. Noong second year kasi basurero at taga-ayos ako ng mga gamit ni Alex lalo na yung bag niyang Pucca na buhay pa rin until now. Nakita ko yung bago niyang journal na ngayon ko lang napansin. Mga notebooks. Mga basurang hinayaan ko na lang. Tapos may nakita akong book na may title na.. well nagulat nga ako e kasi ang title niya e.. Saving MY FIRST KISS. Parang story ko, ha, inisip ko.

Nandyan na nga rin pala yung pag-uusisa ko kay Allan. Tuloy para akong back-up together with Marlyn and Lee. May doubt pa rin kasi ako kung serious ba itong si Allan sa seatmate ko.

At saka yung pagkakatabi ko kay Aljohn sa Auditorium. Katabi ko kasi sa kaliwa sina Insan at Lee tapos sa kanan ko bakante yung seat kasi nga wala na nun sa Madeleine (kasama si Allan sa classroom.. nagliligawan! Ehehe) So, medyo napansin ko ngang hindi mapakali itong si Aljohn. Maya-maya tinanong niya ako kung pwede ba daw akong umupo. Sabi ko, ok lang. E, dahil nga nakalagay yung librong Saving My First Kiss sa upuan e kukunin ko sana kaso siya na yung kumuha tapos pagkaupo niya nibasa-basa niya. Alam kong hindi siya komportable. Ito yung araw na una kaming nagkausap. Medyo nagkasalitaan naman kami while watching the debate. So iyon. Di talaga ako makapaniwala na makakatabi ko yung taong hindi ko nipapansin kasi selos ako kay Roselle, ehehe.

Siya nga pala, agaw pansin si John Lacno ng PCC na kamukha ni Uly. Aba! Marami nga yung mga tumitili kasi nga daw e gwapo itong si John. So, para na ring gwapo si Uly! Aba! Parang mga cleaners lang yung mga contestants ng RHS. Pwera kay Terrence na sinasabi nilang kapareho ko raw. Oo nga, e, medyo magkatulad kami. Pati daw kilos. Aba! Bakit ba kailangan kaming ihambing sa isa’t isa? Pero minsan naisip ko na nga iyon, e, na para siyang ako na parang ako siya. Basta! Nainggit nga ako lagi sa kanya kasi lagi niya suot yung PRESS id.. aba! Kelan kaya ako magkakaroon non? Lagi ko nga siyang nakikita sa SN, e. Madalas siyang maglaro ng GB. Pero noong time na may Journalism training e hindi naman niya ako kinakausap. Panay mga kaklase niya lang ang mga kinakausap niya. Kilala niya naman siguro ako kasi araw-araw kaming pinagtatagpo ng RHS.. sa iba’t ibang okasyon o kaya naman sa mga corridors lang.

Noong magpre-present na ng Bohemian, nitabihan ko sa upuan ni Ms. Castillo. Dapat nga magso-sorry ako tungkol dun sa nangyari na napahiya ko siya. I am so bad! Kaso pumasok sa isip ko yung nisabi niya. Kasi last time, ni-missed call ni Jhelai si Ms. Castillo–iyon ay noong natulog kami nang hapon kina Florg. Kinabukasan, nipakita sa akin ni Jhelai na may ni-text pala iyong si Ma’am Ana. Ang nakalagay: Hu d fuck r u? Lingid sa kaalaman ni Jhelai noong mga sandaling iyon ay ni-text ko siya saying I’m not a fuck, I’m Jonell. Hahaha! Kilala niya naman siguro ako. Hindi ko akalain na ganun ang language niya. Pede nmng sbihin n Hu u? n lang dba? Bakit p kailangang may ‘fuck’. Aba!

Siyempre, nipanood ko yung Bohemian attentively.. at ang masasabi ko lang, tulad ng sinabi ko dun sa isang tao diyan, AYOKONG MAGSALITA!

After ng lahat-lahat e pumunta naman kami sa tapat ng City Hall-Annex este… RHS Museum pala.. kasi nga bagong bukas ng building lang iyon. We, journalists, as usual, covered the event. I left early together with Madeleine who had wanted to see her jacket na kanina ko pa noon nisusuot. Ehehe! Maaga akong umuwi este lumabas pala ng campus tapos three hours yata ako sa Study Net..

Yun lang.. no more na.. kasi baka naman napapagod na yung isang taong nagbabasa.. hirap na.

Isang Tugon to “isang araw ng debate”

  1. gRacE said

    tama ba yun… mangkalkal ng bag???
    nabasa mo na ba yung saving my first kiss??

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: