Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

isang pagkulog, isang pag-utot

Posted by Paurong sa Lunes, Enero 30, 2006

NOTE: isa itong kathang-isip

Isang award na siguro ang maibibigay sa akin: The Most Absence Award, sa sobrang dalas kong pagliban sa paaralan namin. Kada isang araw sa isang linggo ay mayroon akong panahon na liliban. Iniisip ng iba na tinatamad lang ako. Iniisip naman ng iba na trip ko lang ang madalas kong pag-absent. Ang palagi kong dahilan: masakit ang ulo, nilalagnat, o dili’y kailangan kong magbantay sa ospital sa tuwing may nangyayari sa aking nanay. Ang hindi nila alam ay ang tunay na dahilan kung bakit panay ang pagliban ko sa paaralan: may sakit ako at may taning na ang aking buhay. Madalas akong lumiban hindi dahil ayaw kong pumasok kundi dahil ginugugol ko ang mga sandaling iyon sa pagpunta-punta sa ospital sa pag-asang makakaahon ako sa sakit kong ito. Ngunit sa kabila ng lahat ay may taning na pala ang aking buhay. Kung gaano pa katagal ang maaari kong gugulin sa mundong ito, hindi ko alam; at wala akong balak na alamin sapagkat alam kong makakasakit lang iyon ng aking damdamin.

Buwan na ng Enero nang malaman kong ibabalik na pala ang JS prom sa school namin. Dati kasi’y ipinatigil ang ganitong okasyon. Ang karamihan sa aking mga kaklase ay natuwa nang matamo ang balitang ito. Hindi pala karamihan bagkus ay lahat sila maliban sa akin. Ganyan ang naging pananaw ng buong klase ukol sa JS prom. Ako lang ang walang pakialam. Itinanong ko sa sarili ko kung ano ba ang mapapala ko sa prom. Ang sagot ng aking konsensya: wala.

Ngunit naroon ako sa loob ng Gym nang magkaroon ng pag-eensayo ng okasyon. Hindi upang lumahok kundi upang makaupo sumandali dahil kanina pa ako napapagod sa kakalakad ng mga grading sheets sa iba’t ibang gusali. Umupo ako sa isang monoblock na silya upang makapagpahinga. Maya-maya nama’y dagli ring humupa ang aking naramdamang pagod. Hanggang sa mayroong kumausap sa akin.

“Excuse me, kasali ka ba sa mga magpra-practice ng special number?” tanong sa akin ng isang magandang dalaga na may kapansin-pansing mga mata at mapupulang labi.

Napatingin lang ako sa kanya, hindi sinasagot ang kanyang tinuran. Kakaibang pagtibok ng puso ang pumilandit sa aking buong katawan. Bumilis ang aking pulso at waring tinamaan ako ng isa’t kalahating kidlat. Tatlumpung segundo ang lumipas nang hindi ako umiimik.

Napangisi siya sa akin kasunod ang pag-alala kung okey lang ba ako. Hanggang sa nawala ang tila hanging umudyok sa aking pagkapipi sa mga sandaling yaon at napagtanto ko ang naging sanhi ng aking hindi pagsasalita. Umutot pala siya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: