Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

isang pagtangis

Posted by Paurong sa Biyernes, Pebrero 3, 2006

Naka-online ako noong isang araw nang bigla siyang nag-PM sa akin. Sabi niya, tumawag daw ako sa kanya nang 9 pm kapag free na siya. May sasabihin daw siya. Tapos ang sumunod niyang sinabi e tumawag daw ako sa kanya kasi baka iyon na ang huli naming pag-uusap sa YM. Hindi niya raw ako pinipilit kung ayaw kong tumawag.

Napaisip ako. Ano ang ibig niyang sabihin? At bakit siya naka-invisible mode? Bakit bigla na lang siyang hindi sumagot sa mga messages ko. Ano ba ang sasabihin niya na kailangang sa phone pa? Aalis ba siya kaya niya sinabi huling pag-uusap na namin iyon sa phone? Aalis ba siya–yun ang unang pumasok sa isip ko. Sabi ko sa sarili ko, tatawag siguro siya para magpaalam.

May ipapagawa sana ako sa’yo… Teka, hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa’yo… Teka, ano ba muna pagkakakilala mo sa’kin?… E, bakit mo ko itinuturing na espesyal e hindi mo pa nga ako nakikita… Pwede bang… Pwede bang layuan mo na ako?… Ayoko na kasi… Sinabi lang ng isip ko… Naisip ko lang na… Ayoko na… Wala lang naman ako para sa’yo e… Wala namang patutunguhan ito, e… Feeling ko bad influence ako sa’yo… Ganito din naman sa huli, e… Sino ba naman ako sa iyo… Mabuting maaga pa lang lumayo ka na sa akin… Ayoko na… Ayoko na…

Ganyan ang mga katagang inihampas sa akin sa telepono apat na araw na ang nakalilipas. Sariwa pa rin sa akin ang sakit na buhat ng kanyang mga sinabi. Masakit. Masakit sabihan ng isang mahalagang tao sa iyo na ayaw niya na sa iyo dahil wala lang. Tinanong ko siya kung bakit gusto niya akong lumayo; sabi niya naisip niya lang daw. Tinanong ko ulit kung bakit; sabi niya hindi niya alam. Bakit ko ba kailangang umiyak noong gabing iyon? Bakit ko ba kailangan pang iparamdam sa kanya na ayaw ko siyang mawala kasi sobrang espesyal niya sa akin kahit na hindi ko pa siya nakikita. Tulad ng sinabi ko noon pa, hindi ko basehan ang kanyang hitsura sa pagiging kaibigan niya. Isang taon lang ang agwat namin. Sabi ko sa kanya, bakit ngayon niya lang sinabi, sana noon pa, sana bago pa man lang mabuo ang aming pagkakaibigan e sinabi niya na na ayaw niya sa akin. Bakit siya gano’n? Masakit ang mga sinabi niya. Hanggang ngayon, hanggang sa mga sandaling ito ay nasa aking isipan pa rin ang mga iyon: lumilipad sa kalawakan ng aking utak. Masakit ang sabihan ng gano’n. Pero bakit ganoon siya sa akin nung gabing iyon? Masakit. Masakit. Masakit. Umiyak ako sa telepono. Narinig niya ang gahulgol ko na hindi ko napigilan. Bakit niya kailangang gawin sa’kin ‘to? Masakit talaga. Kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan. Higit pa sa inaakala mo na pag-iyak ko sa ganitong tagpo.

Ipinaliwanag niya rin sa akin kung bakit ba. Sa una, akala ko dahil sa bf niya. Pero cool-off na nga sila. Pilit kong pinasok sa usapan ang bf niya. Hindi naman daw siya masaya sa bf niya. Sabi ko, samahan niya na lang ang bf niya para maging masaya siya. Pero paano niya daw hahanapin ang taong hindi nagpapakita. Hindi nga siya masaya sa bf niya. Kung pwede nga daw na ako na lang, e. Sabi niya, nagseselos daw siya kaya niya nasabi ang mga katagang iyon. Kaya niya nasabi na layuan ko na lang siya e dahil iniisip niya na wala lang ako sa kanya. Kaya niya pala tinanong kung ano ang pagkakakilala niya sa akin. Pero bakit kasi gano’n? Selos. Nagseselos daw siya kasi hindi na ako katulad ng dati. Sabi niya daw sa sarili niya, akala ko ba kapatid ko ‘to, e bakit hindi niya na ako pinapansin. Hindi na daw katulad ng dati na once na mag-online siya sa YM ako ang unang taong papansin sa kanya at magha-hi. Dati tumatawag ako sa kanya ng sobrang dalas. Nagseselos daw siya. Selos. Lalo na kay Uly. Lagi niyang iniinject ang tungkol sa Uly. Mas mahal ko daw si Uly. Kami na daw ni Uly. Never na papatulan ko si Uly, sabi ko sa kanya. Itinanong ko sa kanya kung bakit ba ganoon na ang tingin niya sa akin. Feeling ko tuloy ang sama-sama ko na. Hayz. Pero sa kabila ng pag-iyak ko–at ang pag-iyak niya rin–napatawad ko rin siya. Nag-sorry kasi siya sa mga nasabi niya. Hayz.

Kaya ko ba namang magalit sa kanya? Mahirap yata iyon. Pero kahit na ok na kami e malungkot pa rin ako kasi feeling ko wala namang nagyaring iba, e. Parang normal pa rin ang pakikitungo niya sa akin. At kung kelang hawak ko ang cp ni Pamela para i-text siya, e, saka lang siya nagrereply pag nagti-text ako. Ganun. Para bang kailangan pang ako yung mauna. Pag mangungumusta ako sa kanya thru text, sasagot lang siya ng ok lang, o kaya eto inaantok. Yung mga ganung reply na. Hindi ko man lang narinig sa kanya ang mga salita na may kahalong pagka-miss sa akin o kaya’y pag-alala.

Tapos nung Monday, tini-text ko siya no’n. Nag-forward ako sa kanya ng quote na dinugtungan ko sa dulo ng ANO NA NIGAGAWA MO? At ang reply niya FLIRTING. Ang sakit naman no’n. Isang simpleng salitang dumurog sa aking pagkatao. Matatanggap ko pa sana kung may kasunod iyon na HEHEHE. Ibig niyang sabihin biro lang pero dahil nga sa sinabi niya na ang ginagawa niya ay flirting, naiba ang mood ko noong araw na iyon. Gusto ko na nang tikman yung gin na dala ni Arnold, e. O mas malala pa e ubusin ko yung boteng iyon. Ganun ako kalala nung Monday. Puro siya iniisip ko kaalinsabay ang alala ng kahapon (yung araw ng Linggo kung kelan niya sinabi yung masasakit na salita). Tinanong ko siya kung bakit ang tipid niya sumagot sa mga text niya at bakit kailangang ako pa yung mauna bago niya ako i-text. Sagot niya, ‘e hindi mo naman cellphone ‘yan, e. Kung may makabasa pa niyan. At isa pa busy ako.’ Yun ang kabuuan ng mga iba niyang text. Busy. At walang time sa akin. Ganun naman talaga siya, e. Wala siyang time sa akin.

Nung Tuesday naman, after ng practice sa Choral, dumiretso ako sa Study Net. Tapos nag-online siya bigla. Maya-maya humingi ng favor na gawaan daw siya ng love story na ipri-present sa klase kinabukasan. Nung nag-time na ako. Hindi na ako naghulog. Pinabayaan ko na lang siya.

Kahapon naman, isang text lang ang ipinadala ko sa kanya. Actually forwarded quote lang iyon, e, pero patamang-patama sa kanya about me na umaalala sa kanya kahit hindi niya ako napapansin. Ang sagot niya: GANON? At wala na siyang sumunod na message. Hanggang ngayon, inaamin ko miz ko na talaga siya. Ewan ko lang kung may puwang pa ba ako sa mga bagay-bagay na iniintindi niya sa buhay niya. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nangyayari sa aming dalawa. Parang normal pa rin. At hindi ko maramdaman ang epekto ng gabing iyon. Miss na miss ko na siya. Miss ko na ang kanyang boses, ang kanyang makulit na tawa, at ang kanyang mga reply na text messages. Kung alam niya lang, palaging patago ang mga text ko sa kanya tuwing may klase. At immediately pagka-reply niya e sasagot ako. Ganoon ko siya pinapahalagaan. Tapos bigla siyang magdududa na hindi ko siya pinapahalagahan? Kung alam niya lang, araw-araw, oras-oras, minu-minuto nandito siya sa isip ko… maging sa puso ko.

Mabuti na lang tumahan na ako sa pag-iyak. Pero sa mga oras na ito ay nais kong iyakan ulit ang taong aking tinutukoy sa paskil kong ito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: