Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

isang tol

Posted by Paurong sa Linggo, Pebrero 5, 2006

6 am. Halos hindi ako nakatulog kakaisip sa isang tao: si Brian–ang utol ko. Ang taong sobrang curious na talaga ako kung ano ang hitsura niya at kung gaano ba niya talaga kagusto si Shakespeare. We really have similar traits, personalities, and habits. Mahilig kaming magsulat. Ayaw namin sa Cueshe. At higit sa lahat, pareho kaming torpe. And we’re in love with the same girl.

Nung una dapat nagkita na talaga kami, e. Noong Dec. 26, 2005, magkikita-kita dapat kaming tatlo. Hayz. Iyon din kasi yung araw na may imi-meet akong person na nakilala ko sa phone. Ang kaso noon e hindi pumunta si Pamela. At kung hindi ko sana sinabi dun kay Chris (yung taong imi-meet ko) yung suot at hitsura ko e di sana matataguan ko siya. Masyado kasi akong naging honest noong araw na iyon, e. Siguro kung pinagmasdan ko muna kung sino ba itong imi-meet ko, e di sana naghintay na lang ako dun sa meeting place naming tatlo. At bakit ko ba iyon hindi ginawa. Malamang nandoon siya sa Marks noong mismong oras na nakarating ako ng Robinson’s para i-meet itong si Chris. Kung hindi lang siguro ako nagpadalos-dalos. Hayz.

Isa pang pagkakataon iyong noong January. Hindi ko na maalala yung date kasi nakasulat iyon sa journal ko, e nipunit ko nga yung journal ko noong isang araw. Iyon kasi yung araw na hawak ko yung cp ni Pamela at dun kami unang nagkakilala ni Brian. Noon ding araw na iyon dapat kami magkikita-kita sa labas ng school kung kailan ako naging bangag sa kahihintay. Remember that time na nakaupo lang ako sa may harapan ng gate? Iyon yung araw na aalis na si Brian papuntang Davao bago pumuntang Canada. Hindi siya nagpakita kasi daw masaya na siya na makita si Pamela na masaya kasama ko. Umuwi daw siya kasi may masakit sa kanya. At iyon ay ang kanyang puso, marahil. Pinilit ko siyang bumalik para harapin na niya ako kaso hindi na pala talaga pwede kasi nga paalis na sila noon papuntang Canada. Sabi niya sa akin, babalik daw siya at pagbalik niya magkikita kami. Hayz.

Kagabi naman, nagkita pala silang dalawa. Kumain sila sa McDo. Alam ko kasi yung nasa puso ni Brian kasi sa akin niya sinabi, e. At hindi alam ni Pamela. So, iyon kumain nga daw sila sa McDo kagabi, mga 9 pm. Tapos kwentuhan. Nagulat ako nung sabihin sa akin ni Pamela na alam daw ni Brian yung nakakabulol na line sa Romeo–yung isang line doon. “In bed asleep, while they do dream things true.” Nagulat talaga ako kasi hindi ko sukat akalain na alam niya yung isang hindi masyadong importanteng line sa play. Kagabi kasi nangyaring ikuwento sa akin ni Pamela ang nangyari kagabi. So, ikuwento ko muna.

Tinawagan ni Brian si Pamela at niyayang kumain sa San Joaquin McDo. Naka-T-shirt si Pamela, naka-paldang uniform at naka-rubber shoes. Sa labas pa lang…

Brian: Ikaw na ba yan? Hindi na kita nakilala. Tama pala siya…

Pamela: Ano? Sinong siya?

Brian: Kasi sabi sa’kin ni Jonell pumayat ka daw.

Pamela: Pa’no nalamang payat ako? Halika na nga pasok na tayo sa loob gutom na ‘ko.

Sa loob, tinanong siya ni Brian kung ano ang gusto niyang kainin. Sabi naman niya, bahala na daw si Brian kasi siya naman yung manlilibre. Nag-order sila ng spaghetti with chicken, iced tea, at sundae. Umupo sila dun sa dulo sa may loob. Tapos kumain na sila; hindi nahiya si Pamela.

Brian: Magkuwento ka naman.

Pamela: Kain muna tayo.

Brian: Kumusta ka na?

Pamela: Ok lang. Ikaw, kumusta sa Canada?

Brian: Ok lang.

Hanggang sa nagka-lakas ng loob na si Brian na sabihin kay Pamela yung tungkol sa gf niya sa Canada na una niyang sinabi sa akin. Nalaman ko na ang pangalan ng girl e Nicole.

Pamela: Yehey! Di ka na pala torpe. Na-prove mo na sa’kin na hindi ka na gano’n.

Brian: Hindi na ako masyadong torpe. E, ikaw, ung tungkol kay _____?

Pamela: Yon? Ok pa rin siya.

Brian: Luvs pa rin?

Pamela: Oo.

Brian: Hindi ba ‘yon maaalis o magbabago?

Pamela: Hindi! Baka forever na ‘yon.

Brian: Hindi mo rin alam! E, umiiyak ka pa rin ba?

Pamela: Hindi na. Sayang lang ang luha ko kung iiyak pa ‘ko.

Brian: Tinatago mo pala yung pain mo sa ngiti?

Pamela: Parang ganun na nga.

Brian: Wag kang ganyan. Mas mabuti pang ipakita mong nasasaktan ka imbis na mag-pretend ka na masaya. Kumusta na nga pala utol ko?

Pamela: Ok lang. Ganun pa rin.

Brian: Adik pa rin kay Shakespeare?

Pamela: Adik na adik.

Brian: Kelan kaya kami magmi-meet?

Pamela: It’s up to you naman, e. Base pa rin yan sa schedule mo.

Brian: Cge, text na lng kita.

Pamela: Iniinsulto mo ba ‘ko? La mo namang la akong cp.

Brian: Sige sabihan na lang kita.

Hanggang sa napunta ang usapan sa Choral Interpretation.

Brian: Sino nagli-lead?

Pamela: E di, sino pa? E di, yung utol mo!

Brian: Ang galing naman nagdirek na, ngayon magli-lead pa. Mapanood nga.

Pamela: Ayoko.

Brian: Bakit?

Pamela: Ayoko!

Hanggang sa puro kuwento itong si Pamela about the Choral at kung bakit gabi na siya umuwi. At kung bakit din siya hindi kumain ng lunch.

Pamela: Absent kasi yung utol mo!

Brian: Bakit?

Pamela: Ewan ko hindi niya naman sa akin sinabi kung bakit, e.

Napunta ang usapan sa Met’s R&J na play. Hayz. In-invite niya si Pamela for tomorrow’s play. Sabi ni Pamela, hindi siya pinayagan kasi pinapili siya ng Mommy niya kung play ba o practice ng Choral. Sabi naman ni Brian, ok lang. Nabanggit nga ni Brian kay Pamela na sayang kasi hindi siya nakasama sa akin nung birthday ko at saka dahil daw sa kanya kaya may kasama akong iba. Buti na lang hindi alam ni Brian na si Angela yung kasama kong nanood kundi alam na ni Pam. Ehehehe.

Hindi talaga ako nakatulog kakaisip. At kung nakaidlip man ako e napanaginipan ko nga si Brian, e. Tapos magkasama na naman sila ni Pamela. We really need to talk. Ako at si Brian. Tapatan na, tol. Marami kasing bagay-bagay, e. Hayz.

Anong oras na ba? Aba! Kailangan ko nang mag-ready for today’s fight ng practice ng Choral. Next time na lang ulit kasi panakaw lang itong pag-type ko. Napag-isipan ko lang na ilabas panandalian para mamaya relax ako sa Choral. See ya!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: