Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

10:00 pm | first date

Posted by Paurong sa Linggo, Abril 2, 2006

It’s been twenty-four hours ago since the beginning has started. Exactly 10 pm last night, a full transformation transpired. But before that many things preluded the event… (please favor me one thing: I’ll write the following in Filipino.)

Pasado alas-sais nung tinawagan niya yung friend ko. Gusto niya daw silang magkita. So, sabi nung friend ko gusto din daw niya. Una, gusto niya sa Shangri-la pero sabi nung friend ko hindi niya alam dun (kasi naman tatanga-tanga siya). Sabi nung friend ko sa Megamall na lang. Kaso mahihirapan daw sila kasi nga wala namang phone yung friend ko. Mahirap nga naman kasi hindi nila malalaman kung eto na ba siya at kung nasaan na ba ang isa’t isa. Gusto na niyang makita yung friend ko saka uuwi siya ngayong weekend sa Bulacan kaya mas gusto niyang magkita na sila nung friend ko. Sabi sa’kin nung friend ko excited na nga daw siyang makita itong kaibigan niya na tumatawag-tawag na sa kanya mula pa nung Wednesday. Gusto na nga nilang mag-meet. Sabi nitong kausap niya sa telepono, sa Quezon Ave. na lang. E, hindi nga alam nitong friend ko kasi tatanga-tanga siya. Nakasakay na siya ng MRT noon pero hindi siya pamilyar sa roads, MRT and so on. Pero kahit papaano, hindi tumanggi yung friend ko kasi gusto na niya talagang makita itong kausap niya sa telepono. Umoo siya na magkita sila nung kausap niya sa phone. So, tinawagan ko naman yung classmate ko para tanungin kung paano ba yung mga pasikot-sikot para makarating dun sa pupuntahan nung friend ko. Tapos sinabi ko dun sa friend ko. Nung magbibihis na itong friend ko, biglang nag-ring yung phone, akala niya ika-cancel yung pagkikita nila. Sabi nung nasa kabilang linya, ‘o nandyan ka pa?’ Sabi naman nung friend ko ‘pabihis na ko’. Tinanong nung nasa kabilang linya kung paano niya malalaman yung friend ko. Sabi nung friend ko naka-blue siya. ‘Anong blue?’ tanong nung kausap niya sa phone. Sinabi naman nung friend ko kung anong klaseng blue. ‘Basta sa loob ng 7-11, ha.’ Bibilisan naman daw nung friend ko.

So, ito na yung nangyari sa biyahe niya. Sumakay siya ng tricycle tapos sumakay siya ng Fx papuntang Megamall. Hindi niya naman first time na pumunta ng mag-isa sa Megamall kahit na tatanga-tanga talaga siya… at for a fact, hindi siya gala di tulad ng ibang tao diyan. Tingin siya ng tingin sa relo ng FX, hindi siya mapakali. Sa loob-loob niya, dapat daw 8:30 nandun na siya kasi sabi niya dun sa imi-meet niya, around 8:30 nandun na siya. 8:00 nasa daan pa rin siya. 8:10 sa wakas, nasa Megamall na siya. So, tingin-tingin siya. Ayun yung terminal ng MRT. Pumanhik siya dun sa hagdanan. Sumunod siya dun sa pila. Bumili siya ng ticket papuntang Quezon Av. 11 pesos. Hindi niya malaman kung paano isusuot yung ticket dun sa machine. Para talaga siyang tanga. Buti na lang walang nakakita. Tapos hindi pa niya kinuha kaagad yung ticket (kasi diba niluluwa yun?). Kinuha niya naman. Tapos naghintay na siya ng sasakyan. Yung una punuan talaga. Parang mga sardinas ang mga nasa loob ng MRT. Mga umuuwi siyempre. Naghintay siya dun sa kasunod. Ang tagal. Worry na worry na siya dun sa imi-meet niya kasi baka isipin hindi sisipot itong friend ko. Sa wakas, nakasakay na siya. Cubao. Kamuning. Quezon Av. Siksikan pa rin hanggang sa lumabas siya. Bakit niya nga ba ginagawa ito? Kasi naman mahal niya po yung imi-meet niya. Oo, kung alam lang nung imi-meet niya.

Quezon Av. Kinain na yung ticket niya. Nakalabas na siya. Inalala niya yung sinabi nung katatagpuin niya. Pagbaba daw ng hagdan may makikita siyang 7-11 na katabi McDo. Kain daw sila ng dinner sa McDonald’s. Maliit lang naman daw yung 7-11 dun kaya kita kaagad. Bumaba na siya ng hagdan tapos nakita niya sa kalayuan, sa kabila ng kalsada, yung 7-11 na ang katabi nga ay McDo. Tingin-tingin to know na nandun na pala siya sa kabila ng kalsada. Malapit na siya sa 7-11. Ano kaya ang magiging reaction ng imi-meet ko, sabi niya sa sarili.

Hanggang sa ayun na nga. Nagkita na sila. Pagpasok pa lang ng 7-11 medyo napangtanto na nitong friend ko na, ‘a, eto na siya’ nung nakita niya itong isang taong umiinom ng Slurpee. My friend approached the person. Hiyang-hiya itong friend ko. Pero hindi niya ma-explain yung feeling, na eto na nasa harapan mo na yung mahal mo. Naupo siya dun sandali. Sabi nung kinatagpo niya, first time niya daw na kumain ng Slurpee. Naglawa nga daw sa table, e. ‘Ba’t mo binili ‘yan, di mo naman pala uubusin’ sumbat nitong friend ko. Sabi ng kausap niya, ‘Papaubos ko nga sa’yo e.’ Sobrang gaan kaagad ng loob nitong friend ko sa kinatagpo niya. Kaso hindi pa rin niya alam kung ano ba ang initial reaction nitong kinatagpo niya. They went to McDonald’s. My friend was incessantly talking yet was frequently pausing momentarily para makapagsalita naman itong isa. Na-starstruck daw siya nung makita niya yung friend ko. Umorder sila. Hindi daw siya mahilig sa rice. Nag-cheeseburger sila. Tapos sundae para dun sa friend ko. Nung naka-order na sila, hindi nila malaman kung saan uupo. Dun sa una nilang inupuan, malamig, ayaw nitong friend ko. Ayaw din nung isa kasi wala daw stereo, parang prayer room. Dun sila sa isang side. Naupo sila and they talked for almost forever.

Hanggang sa… paano ko ba isisiwalat? Masyado na sigurong personal. Let me just remind you na may permission naman itong sinulat ko galing sa friend ko. Pero dahil sa nirerespeto ko na ang privacy nitong friend ko, e hanggang diyan na lang siguro ang masasabi ko tungkol sa una nilang date. And to tell you, something magical happened as ten o’clock struck the clock. After an hour, they left. Sumakay na ng bus itong friend ko, hindi natatakot bagkus ay hindi maipinta ang lubhang angking kagalakan. Masayang-masaya siya na nakita niya na yung taong pinakamamahal niya… na lubos ding nagmamahal sa kanya. Hindi nga lang siya mapakali kasi sa Tuesday pa sila muling magkakasama. Sa Monday naman ang uwi niya galing sa Bulacan (kasi pag weekend lang siya tumitigil sa Makati kung saan meron siyang inuupahang boarding house. Naka-uwi na yung friend ko bago pa man mag-alas-dose. Hindi naman siya pinagalitan. Negative ang mga signs ng sermon sa bahay nila. Hindi siya makatulog. Panay ang kaiisip niya dun sa isa. Hindi niya ma-explain yung sayang nararamdaman niya magpasa-hanggang ngayon. After an hour sa kama kaiisip, hindi mapakali at hindi makatulog, nag-ring yung phone. In-explain na kaagad nung friend ko na yung isa na yun. Positive. Cellphone pa ginamit para lang makatawag. Kaso sandali lang sila nagka-usap. Hanggang ngayon, malungkot pa rin yung friend ko kasi ang tagal pa ng hihintayin niya bago sila ulit magkausap sa phone at magkasama.

Marami ang naging pagbabago buhat ng nagkatagpo ang landas ng dalawang ito. At sana’y subaybayan niyo ang maganda nilang kuwento. Ang pag-iibigang hahamakin ang lahat. Biruin niyo, pumunta sa lugar na yun nang mag-isa itong friend ko. Grabe. Congrats nga pala kung nababasa mo ito. At dun sa kinatagpo niya, malamang binabasa mo na rin ito ngayon. Salamat sa pagpasok sa buhay ng kaibigan ko. Dahil sa’yo sumaya siya. Ikaw lang sa buhay niya, tandaan mo yan. Sana wag kayong magbabago pareho. Congats ulit.

Pero hindi pa diyan matatapos ang walang humpay kong pagpipindot ng mga letra sa keyboard. Nagkausap kami kanina lang nitong friend ko. Miss na miss na miss na niya daw yung kinatagpo niya. And sabi niya itago ko daw sa pangalang Slurpee yung isa. At siya naman daw itago ko sa pangalang Friend. Oo nga naman dapat kanina ko pa nilagay yang mga pangalan na yan para hindi ako nahirapan. Ang hirap kayang walang specific name, ngayon at least may psedonyms na sila. So, ayun nga, back to my drivels, hindi na talaga mapakali si Friend kasi nga ang tagal nilang magkitang muli ni Slurpee. Naku naman. Hindi ko naman masisi-sisi si Friend kasi ganun talaga ang pag-ibig. Kita mo naman, hinamak talaga ang lahat.

Ano kaya ang mga susunod na mga maaaring mangyari? Teka bakit ko pa ba kailangang pakialamanan ang lovelife nitong dalawa. Hay naku. Tandaan niyo lang nandito lang ako pag nagka-problem kayo (nyek!). Kahit medyo malungkot si Friend, masaya naman siya kasi nga may nangyaring maganda last night. Naku, kung nandun lang sana ako. Pero, anyways, masyado na akong nang-iinvade ng mga personal lives nila. Pero kahit na… may pakialam lang naman ako sa kanila. Thanks nga pala, Friend, at sa akin mo sinabi yan. Kay Slurpee naman, ulit, sana alagaan mo si Friend nang husto. Wag mong pakakawalan yan! Sana maging masaya kayo sa piling ng isa’t isa. Naks. Alam ko naman nagmamahalan talaga kayo ng tapat. Sana maging faithful ka Slurpee kasi si Friend faithful yan. Promise! Hinding-hindi na yan titingin sa iba. Sana, Slurpee, mahalin mo talaga si Friend kasi… alam mo na. Sana makita mo yung pagmamahal niya. Kasi masarap yang magmahal. Hehehe.

Teka.. anong oras na ba. Hay naku. Wala na bang tigil ang mga daliri ko sa tuk-tuk-tuk-tuk-tuk. Hindi pa ako humihinto, a. Nasarapan yata ako sa hindi pag-iingles. Hay naku. Next time na nga ulit. Buti nga nagtiyaga pa akong ikwento ang lahat–kahit hindi lahat. Sa kanilang dalawa ulit, magmahal lang talaga kayo. Grabe. Hindi ko na kaya ‘to. Oops. Time na.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: