Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

7:10 pm | the sountrack of my life

Posted by Paurong sa Miyerkules, Mayo 31, 2006

PERPEKTO
by Dong Abay

Ikaw ay nagdaramdam puso ay nagdurugo
Hindi pa yata alam kung sa’n ka ba patungo
Ikaw ay naliligaw isip ay nalilito
Ayaw mo nang gumalaw hindi ka sigurado

Ikaw ay napupuwing minsa’y nabubulagan
Mata ay nakapiring daan ay kadiliman
Ikaw ay nadadapa napipilayan din
Di makapagsalita ano’ng ibig sabihin

Wala—wala naman—wala namang perpektong tao
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto

Ikaw ay nawawala minsan ay nawawalan
Di ka naniniwala puno ng alinlangan
Ikaw ay nagdirimdim ligtas ka ba sa rehas
Bakit ka nakapiit bakit ka tumatakas

Ikaw ay natatakot parang walang hangganan
Ang kirot ng bangungot di mo makalimutan
Ikaw ay nanlulumo bilang na ba ang araw
Gusto mo nang sumuko mundo mo’y nagugunaw

Wala—wala naman—wala namang perpektong tao
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto

Ikaw ay inaalon walang kalaban-laban
Tuluyang nalulunod tungo sa kalaliman
Ikaw ay nalulula agad kang nahuhulog
Bumabagsak sa lupa at biglang madudurog

Ikaw ay nagdurusa kaya pa bang tumagal
Hindi na makahinga lalo pang nasasakal
Ikaw ay dumadaing dala mo ba ay sumpa
Para kang ililibing at ipinagluluksa

Wala—wala naman—wala namang perpektong tao
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto

Wala—wala naman—wala namang perpekto
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto
Wala namang perpektong tao

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: