Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

11:58 am | a letter from my father

Posted by Paurong sa Linggo, Hunyo 4, 2006

A year ago I was on Davao. I thought I will be happy there… with my father, with my siblings. I thought it is better to leave my high school life in Pasig and begin a new one there. But then I was not composed by that mere illusion of happiness. I begged my aunt to let me return to Pasig. I didn’t lose hope. After nine bitter days in Davao, I flew back to Pasig. Across arranging my bags, I noticed his letter to me. Please allow me on correcting his wrong grammar. Here it is:
Davao City
May 28 ’05
My dear son Jonell,

After all, I thought that this would be a happy family reunion. Eight years I was longing for this and a very long eight years I’ve been waiting for. It was indeed a prayer that has been answered. But yet only sadness and loneliness with bitterness was fading on.

It was early in the morning wayback year 1991, at around 6 am, when everybody got so busy preparing and waiting for the coming of a special someone. All were so excited, while a mother in pain was trying to catch her breath, giving all her strength for her final “iri”. But she couldn’t do anything but to pause for a while and start her “iri” again.

They suggested me to step out of the house for some reason (pamahiin). Inside the house was a mother two hours laboring at around 8 am while I was standing outside. I heard a loud cry of a new born baby. Uha! Uha! Uhaaa… I ran inside with joy and excitement. It was a healthy 8.2 lbs baby boy. At that very moment, when I first saw the baby boy, joy was flowing in my heart. I was so happy and excited on my first baby I had and we named him “JONELL”.

On the first year of your life ay naging sakitin ka dahil sa hika mo. Kung makailang balik-balik tayo sa hospital–pabalik-balik sa doktor sa pagpapagamot sa’yo. But doctors and nurses were amazed with you kasi kahit injection-an ka eh di ka umiyak. Kapag may nararamdaman ka na at may sakit ang gusto mo lang ay ang kargahin kita. Hanggang sa pagtulog mo ay pagkarga ang gusto mo. Pinagpupuyatan ko na isayaw ka with my own version of lullaby. Wala ka yatang ibang kilala noon kundi ako lang. Even your Mama, ayaw mo makarga ka. Ang Tita Vivs, Tita Lhea, Lola at Lolo pag kinarga ka nila ay iiyak ka na agad. Pag clean body, pagligo mo, toothbrush… si Papa lang ang gusto mo.

But I was not able to continue my responsibility to you when I worked in Cebu. That was the time kinuha ka ng Lolo at Lola mo. and all through those years, eight years kang nasa poder nila… inalagaan, minahal ng higit pa sa isang anak. You lived like a prince… sunod ang gusto, sunod ang layaw. Kabaligtaran ng lahat sa akin nang ako ay nasa poder pa ng Lola mo. She was unkind to me before as a stepmother. Takot ako sa Lola mo. But naging masunurin akong anak, magalang at masipag, sinusunod ko ang lahat ng iutos sa akin kaya napakalaki ng pasasalamat ko nang arugain ka ng Lola mo ng higit sa lahat ng pagmamahal niya. (Mahalin mo din ng lubos ang Lola mo at alagaan, suklian mo ng paggalang ang kanyang sakripisyo sa iyo!) When my mother died (Lola Nilda) in my young age of three, nang magkaisip ako, ay nagisnan ko na ang second family ko… ang step mother lola mo, kapatid ko na sina Vivian at Lhea. Marami din akong bitterness noon, tampo, selos at sama ng loob. Kasi nga mas priority ng Lola mo sina Vivs at Lhea. Pero tiniis ko ang lahat. Naging mabuti pa rin ako sa kanila. Meron din akong sama ng loob sa Lolo mo. Marami akong katanungan na itinago ko na lang sa sarili ko. Hanggang magkalayo-layo tayong pamilya ay masama pa rin ang loob ko sa Lolo mo. Nang ma-stroke ang Lolo mo and he was already in bed of sickness, nang umuwi ako ng Manila, doon lumuha ang mga mata ko at humingi ng tawad kay Tatay, sa Lolo mo. At doon sa kanyang libing ay kasama at ipinabaon ko din sa kanya ang aking pagmamahal at paghingi ng patawad.

Sana, anak, ako! habang nabubuhay pa, ay magawa mo nang mapatawad sa lahat ng pagkukulang ko sa iyo. Even a million sorry are not enough to be forgiven. If only I can turn back the hands of time para mabalikan ko ang panahon na malapit tayo sa isa’t isa at ang gusto ko mahal mo ako. But now! It seems I’m a stranger to you, tama ka! Halos nga ay di mo na ako kilala. You don’t even bothered to respect me as your Papa. Sana madama ko ulit yung malapit ka sa akin. Sana, anak, hindi pa huli ang lahat para sa pagpapatawad mo.

Sana, babalik ka sa Manila, dala-dala mo ang experience kung paano mamuhay ng mahirap na hindi mo dinanas. Walang ulam! Walang sabon! Walang merienda! Walang lamesa na kainan! Walang mapaglilibingan. Wala kahit ano man ako. Sana din magawa mo maunawaan na sina MJ at Kaye (Dada) ay kapamilya mo din. Mga kapatid mo din sila na hindi dapat kutyain, hindi dapat galitan at sisihin. Tulad mo din sila, biktima lang ng isang sitwasyon at pangyayaring hindi natin inasam.

Sana dumating ang panahon, in due time, ay maunawaan mo ang mga pangyayari sa buhay natin, sa buhay mo, kung bakit tayo naging ganito at sa lahat, ang iyong pagpapatawad sa mga magulang mo.

Magpakabait ka, anak, at sikapin ang mga pangarap mo sa buhay. Mahalin mo ang mga kapatid mo Joy, May-may, Din-din at ang pagpapatawad sa’yong Mama. Alagaan mo ang iyong Lola, mahalin siya at igalang.

Salamat at kahit paano sa loob ng isang linggo ay nagkasama tayo. Masaya na ako noon. Kahit medyo nagwa-wild ka ata!

Okey, anak, take care always.
Mahal na mahal kita noon hanggang ngayon.
I love you, son, my Jonell.
Forgiveness will set you free from your unstable emotion. Think of happy moments, not the bitter ones.
God bless our family.

Your PAPA forever,
Love you most.

Good Luck!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: