Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

makapag-tagalog nga

Posted by Paurong sa Biyernes, Hunyo 9, 2006

Okay… so eto na. Nakakatakot mang aminin ang masidhing katotohanan eh eto na… nandito na ako sa puntong alam ko sa sarili kong napapagod na akong mag-ingles at sa puntong nawawalan na ako ng tiwala sa sarili ko na may nakakaintindi pa sa mga pinagsususulat ko. Paano ba naman baka mamaya marami na naman ang magreklamo na mahirap maarok ang mga sinusulat ko. Ewan ko ba. Kaya nga pipilitin ko na sa sarili ko, kahit na labag sa aking kalooban, na magsulat sa isang mas mababaw na paraan. Hindi ko naman sinasabing kailangan nating sumpain ang wikang Filipino ngunit kailangan din naman nating matutong magsalita at magsulat sa wikang Ingles (hindi ba’t wika rin ito ng ating bansang Pilipinas).

Sa totoo lang, hindi ko na alam ang lulugaran ko. Kapag English ang pagsulat ko puros reklamo sa bawat kanto. Kesyo hindi maintindihan ang mga salita ko, kesyo ang haba-haba ng mga sinusulat ko, kesyo ewan. Kapag naman Tagalog na hindi pa rin maintindihan. Ano na lang ba ang gagawin ko? Mahirap kayang pumagitna! If I am talking in English, I will purely talk in English. And if it is a mandatory for me to speak in Tagalog, I will have the best of me in speaking the language wholeheartedly. Masyado kasi akong mapanuri sa mga kung anu-anong kamalian… lalo na sa balarila (okay, a few know the English word for that). GRAMMAR! Lalo na sa spelling (hala! Ano ba ang tagalog ng SPELLING?) at kung anu-ano pang hindi ko na maintindihan.

Kaya nga heto na pagtitiyagaan ko nang pumagitna…

Kita niyo… kung anu-ano na naman ang mga sinasabi ko. Hindi ba’t dapat e sinasabi ko kung anu-ano na ba ang mga nangyari sa first week ko bilang fourth year student? Ayun nga. Masaya naman ang first week. Sobrang saya despite of the fact the kalas-kalas na ang masayahing III-2 last year. Kung pag-uusapan naman ang mga teachers, wala akong problema sa kanilang lahat dahil marurunong silang mangapagsalita in English. Masaya kasi may class schedules kami for every day. Parang sa college. Ganun na yung inimplement sa buong fourth year yata… siyempre para paghahanda na rin sa college. Masaya naman ang ganung sked kasi nga seven subjects na lang ang kinukuha namin everyday (six kapag Martes at Biyernes) hindi katulad noong mga nakaraang taon na sampung subjects ang nakatambak sa amin araw-araw. Masaya rin kasi kapag Tuesday at Friday eh hanggang 3:15 lang kami sa school. Maagang makakauwi siyempre. Tapos kahapon bigla na lang binanggit na ibabalik daw sa dati yung sked. Shocked kaming lahat at todo angal kasi nga favored na sa amin ang bagong sked laos na kasi yung luma. Buti naman hindi na daw ganun na ibabalik ang dating gawi. Ang saya.

Oo nga pala, masaya ang lahat ng teachers… pwera kay Mrs. Jagmis na boring magturo. Nagulat nga kaming lahat (kahit hindi halata) noong nalaman namin kanina na siya na ang adviser namin at hindi na si Mrs. Prado. Ouch! Paano na lang ang parties namin?! Boring na siguro! Good news kasi OIC na ng Science Department si Mrs. Prado (Physics teacher namin) while si Mrs. Iquin (Filipino teacher namin last year) ay naging OIC na ng Filipino Department.

Sayang talaga kasi dapat dinetalye ko dito kung anu-ano ba ang mga nangyayari sa bawat school day… however, you have to consider na I totally needed an adjustment para hindi na ako mahirapan sa mga susunod pang mga araw.

Bali noong Lunes, sa pagkakatanda ko, umattend ako ng Flag-raising Ceremony. Nasa harapan ako ng linya noon. Actually, gumawa ako ng sarili kong linya kasi ako sa likod. Sosyalin ang eskwelahan… patos sa mga Rexona tarpaulines sa iba’t ibang dako. Pati media nandun din. Hindi rin tinigilan maging ang pilot class ng fourth year.

After nung flag ceremony na iyon, pumunta na ako sa classroom. Fresh na fresh kasi katabi namin yung mini-garden … na magsisilbing tambayan later on🙂 Complexity aroused as I saw my new classmates and the old ones alike. Then I had this kind of feeling na sana hindi na lang nabago yung sectioning para kasama ko pa rin yung iba kong classmate noong third year ako… at para na rin siguro maging adviser ko yung magaling naming English teacher kasi siya talaga ang gusto ko. Madami kami sa section three: 44 students. Pinagsiksikan kasi kami. Unlike ng section 2 na 10 lang boys. Ganoon talaga. Maswerte nga yung batch namin kasi wala nang itinapon palabas ng special class kaya nga ipinasok na lang ang iba sa section three. Parang sardinas.

Okey lang naman kasi kahit papa’no konti na lang ang hindi ko kilala sa dating III-3. Adjustments. Adjustments. Nang biglang dumating yung una naming teacher–si Mr. Balitao. Siya ang teacher namin sa Ekonomiks. Sandali lang siya. Ni hindi niya kami na-orient sa subject niya. But that’s okay! Siya ang nagbigay ng class sked namin.

C L A S S S C H E D U L E

Mondays:
7:00-8:00 Economics
8:00-9:20 Filipino IV
9:20-9:35 Recess
9:35-11:05 Physics II
11:05-12:20 Precalculus
12:20-12:40 Lunch
12:40-1:55 English IV
1:55-3:15 Advanced Chemistry
3:15-4:25 TLE IV

Tuesdays:
7:00-8:00 Filipino IV
8:00-9:20 MAPEH-CAT
9:20-9:35 Recess
9:35-11:05 Research II
11:05-12:20 Precalculus
12:20-12:40 Lunch
12:40-1:55 English IV
1:55-3:15 TLE IV

Wednesdays:
7:00-8:00 Economics
8:00-9:20 Research II
9:20-9:35 Recess
9:35-11:05 Physics II
11:05-12:20 Enriched Course
12:20-12:40 Lunch
12:40-1:55 English IV
1:55-3:15 Advanced Chemistry
3:15-4:25 TLE IV

Thursdays:
7:00-8:00 Filipino IV
8:00-9:20 MAPEH-CAT
9:20-9:35 Recess
9:35-11:05 Physics II
11:05-12:20 Precalculus
12:20-12:40 Lunch
12:40-1:55 English IV
1:55-3:15 Enriched Course
3:15-4:25 Values IV

Fridays:
7:00-8:00 Economics
8:00-9:20 MAPEH-CAT
9:20-9:35 Recess
9:35-11:05 Physics II
11:05-12:20 Precalculus
12:20-12:40 Lunch
12:40-1:55 Research II
1:55-3:15 Advanced Chemistry

After ng AP eh Filipino. Okay si Mrs. Tolentino.

Kita niyo? Ang hirap magsulat… sa totoo lang. Ayoko na!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: