Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Go For or No

Posted by Paurong sa Sabado, Hunyo 10, 2006

Ano na lang ba ang gagawin ko ngayon?

Maluwag pa rin ang sked ng klase namin. For my part, sobrang luwag. Para ngang bakasyon lang e. Pero this time I’m aiming for something great… something I really want to happen. Gusto kong maging part ng school paper. I mean, gusto kong makapagsulat talaga.

So, ganito nga pala yung naging problema about the Enriched Courses ng pilot… Yung mga dating nag-Journalism e gusto nang lumipat sa Calculus. Bali sa klase namin e 11 na lang kaming natirang magjo-Journalism. Ewan ko lang sa section 2. Sa section 1 naman parang isa lang ang kumuha ng Journalism this year. Marami sa kanila ang kumuha ng Debate… Minsan nga iniisip ko dapat nasa Debate ako e… ang problema lang talaga e maraming section 1 students sa Debate class. Hindi naman sa ayaw ko silang makasama kahit na naging malapit ako sa ilan sa kanila (since galing din naman ako doon) kaya nga lang nakakailang talaga kapag kasama mo ang mga section 1 (hmpph). Last time nga nung nasa Speech Lab ako, noong nagpa-encode si Ma’am Sheila sa akin, dumating yung tatlong IV-1 at nagpaalam na kasi pinapalipat na sila ng parents nila sa Enriched Math kasi helpful daw yun pagdating sa college.

Dahil sa mga nangyari, nawindang ang ulo ko. Naisip ko tuloy na bakit ba ako nagsusumiksik sa Journalism. Ano ba ang kukunin ko sa college? Ano ba ang gusto kong maging? Gusto kong magsulat. Gusto kong magpahayag ng damdamin. At ano ba ang maitutulong ng mga functions na yan sa pagsulat ko? Hindi naman ako magdodoktor o mag-i-engineering. Ayoko ng Math. Ayoko ng Science. Pero pinipilit kong matuto para maipasa ang mga subjects ko.

Ayun ngang mga nag-Journalism hindi pa rin desidido kung saan ba nila gusto–sa English Journalism ba o sa Filipino. Kung ako ang tatanungin, nung Wednesday palang, nung first class namin with Ma’am Sheila (na teacher din namin dati sa Journalism nung First Year) eh sinabi ko na sa kanya na I’m going to take the English class. Hindi naman sa ayaw ko ng Filipino pero parang mas maganda kapag nasa English ako. Ang problema pa nga pala namin eh wala pang teacher na magha-handle ng Filipino Journalism kaya si Ma’am Sheila daw muna ang bahala. Naku mahirap yata yun… to think na she’s also handling the Debate Class.

However, patuloy pa rin ako sa pagbabasa. Nariyan na ang pagbabasa ko ng mga editorials sa broadsheets at kung anu-ano pang pagbabasa to replenish my mind with ideas para naman maging prosperous ang pagsulat ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang mangyayari sa Journalism class namin pero inaasahan ko na hindi na ito magiging kagaya ng dalawang nakalipas na walang kwentang taon ng kabulukan sa pagtuturo ng Journalism sa school. Sana maging magaling ako sa pagsulat para naman maging “worth it” ang pag-enroll ko sa klase ni Ma’am Sheila. Ngayon, hindi ko siya maturing na strict na kagaya noong first year. Bata pa kasi ako noon at hindi pa sanay sa takbo ng high school life. I now treat her as a friend of mine at carefree na ako sa pakikipag-usap sa kanya. Magaling yang si Ma’am Sheila. And we have to collaborate for the revolutionization of our dear school paper.

— 3:27 PM 6/10/2006

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: