Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

I didn’t know I was looking for love until I found you

Posted by Paurong sa Sabado, Hunyo 10, 2006

Girlfriends?

I never had one. I had had but I never had one. It strucks me so much to think that I have no girlfriend… I mean, okay, laugh at me or say that I am a typical “torpe” guy who is fond of keeping his feelings inside. It’s funny, though. How I wish the right girl will come my way. When will she come, I wonder.

Aalagaan ko siyang mabuti. Ihahatid ko sa kanila. Tutulungan sa mga projects at assignments. Hindi ko siya pababayaan. Ganoon ako magmahal. Ipakikita ko talaga kung gaano ko kamahal ang isang tao.

Torpe ako… torpe ako. May nararamdaman ako sa iyo pero hindi ko naman masabi-sabi. I really like her. Hindi ko nga siya matingnan, eh. Hindi ko pa nga rin siya nakakausap, eh… Pero kilala ko na siya last year pa. Ako, siguro, hindi niya kilala pero I like her talaga. Ang mahirap lang may iba siyang gusto at ayoko namang isiksik yung sarili ko sa kanya lalo na’t hindi niya pa ako kilala. But I truly want to be with her.

Hindi ko mapigilang isipin ang sarili ko na maging sweet… at kung magkaroon nga ako ng mamahalin, siya lang talaga sa buhay ko. Ganun ako magmahal: hindi tumitingin sa iba kundi sa kanya lang at sweet talaga ako sa kanya. Hindi ako katulad ng ibang lalaki na collect-then-select ang drama. Ayoko ng ganun. Loyal ako. At pag sinabi kong mahal ko ang isang tao, I mean it. Sana talaga maibuhos ko na sa isang tao ang pagmamahal na gusto kong ipakita sa kanya. Pag mahal ko, mahal ko talaga… gagawin ko ang lahat para lang sa kanya. Hindi ko siya ipagpapalit sa kahit anong bagay at igigitna namin ang Diyos sa aming pagmamahalan kasi kung wala Siya hindi kami magkakakilala. Gusto ko lagi kaming magpapasalamat sa Kanya because of having each other.

Sana may ma-inlove sa akin ng totoo at promise ko sa kanya siya lang talaga… Ganun talaga ako… kaya nga siguro hindi pa rin ako nagkaka-gf. Asar! Asar talaga… Sana dumating na yung time na magkakasama kami, parating masaya, parating nais ang isa’t isa. Ang sarap pangarapin ang ganun… ang sarap i-embrace ang mahal mo.

Sana mahal mo rin ako kahit na alam kong iba ang mahal mo. Kayo pa ba? Masaya ka ba talaga sa kanya? Sana nakikita mo ako. Sana alam mo ang pagtingin ko sa iyo. At sana alam mo rin na nasasaktan akong marinig na mahal mo pa rin ang isang taong pa-iba-iba naman ang isip. Sana mapansin mo ako kasi mahal kita. At di ko mapigilan ang sarili ko na managinip na tayong dalawa ang para sa isa’t isa…

Kailangan ka ba talaga niya? Totoo ba ang mga sinabi niya sa’yo? Mahal ka ba niya talaga? Ikaw, kailangan mo ba talaga siya o kailangan mo ng isang taong tulad ko na magmamahal sa’yo ng higit pa sa aakalain mo. Sana ma-realize mo na yung dapat mong ma-realize para mabuksan na yung isip mo na you have to let go and start a better life. Hindi ka naman magsisisi sa akin, eh. I mean everything I say.

Look, hindi mo ba nakikita na nasasaktan ka kapag may kasama siyang iba… kapag alam mong nagmamahalan sila ng kasama niya? Di ba masakit? Then let go of him. Ibig sabihin hindi ka niya talaga mahal kasi kung mahal ka niya ikaw lang dapat sa buhay niya at dapat totoo siya sa sarili niya.

Pinaasa ka ba niya? I’m here. Kahit na hindi mo pa ako kilala and you’ve never known me before. I want you to know na mahal talaga kita at ready akong higitan ang mga inakala mo tungkol sa kanya.

— 11:21 PM 6/10/2006

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: