Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

"Bisikleta"

Posted by Paurong sa Linggo, Hunyo 11, 2006

“Matuto ka ngang magbisikleta! Ang tanda-tanda mo na, hindi ka pa rin marunong sumakay diyan! Ilang linggo na kitang tinuturuan, Lovi, hindi mo pa rin magawa. Pagtatawanan ka ng mga kaklase mo niyan.”

Iyan ang naging banat sa akin ng tita ko nang minsang bumisita ako at ang best friend kong si Chris sa kanya at naisipan niyang ipagpatuloy ang pagtuturo sa akin.

Hanggang sa hindi ko na kinaya ang mga sermon niya sa akin.

“Napakasimple lang naman—”

Pinatlangan ko ang kanyang malasirenang boses.

“Ok, fine! Tita, wag mo na akong turuan. Ang sakit na ng tenga ko. Puro na lang sermon. Sermon. Sermon. Nakakawalang gana. Mabuti pa, ako na lang mag-isa. Hayaan mo, kaya kong matutong magbisikleta. At sinasabi ko sa’yo, Tita, huhuyasan ko. Ipapakita ko sa’yo na kaya ko.”
Agad akong lumabas ng bahay habang siya ay gulat na gulat sa aking sinabi. Sumunod sa akin si Chris.

“Lovi, gusto mo ako na lang ang magtuturo. Mapapagpasensyahan naman kita, e.”

“No thanks, Chris. Just—just—just leave me alone, please. I can manage, ok?” Papaalis na sana ako dala ang bisikleta nang lumingon ako sa kanya muli. “And, Chris, kung gusto mo mag-picnic kayo ni Tita, tutal super close naman kayo.”

“Saan ka ba pupunta?”

“Sa bakanteng lote. Mag-aaral magbisikleta.”

Mabilis pa ako sa kidlat. Hapon na noon at masuwerte sapagkat bakante talaga ang lote. Ngunit sa kahit ilang beses kong pagsabi sa sarili ko na kaya ko ay gayong ilang beses ko ring pagsabi na hindi ko kaya.

(itutuloy…. sana lang… ehehe)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: