Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

september-october-november 2005 archives

Posted by Paurong sa Linggo, Hunyo 11, 2006

ang ikinaganda ng MTAP

MTAP na naman.

Ang pinaka-ayaw kong bagay tuwing Sabado. Tulad ng kinagawian ko sa loob ng nakaraang walong taon ng MTAP, MTAP, MTAP (puro na lang MTAP) ay gumising ako ng maaga—actually hindi maaga kasi alas-siyete na ako bumangon—upang makapaghanda. Mag-aalas-otso na at hindi pa rin ako nakalalabas ng bahay.

Umaambon at kinailangan kong magdala ng payong. Ang problema ko pa ay hindi ko alam kung paano isarado ng maayos ang payong na iyon.

Sumakay ako ng jeep na papuntang Marikina Palengke na dumadaan sa Rizal High School. Malayo pa lang ay parang ili-lethal injection na ako sa kaba. Ewan ko kung bakit. Ikaw ba naman ang mag-sembreak at bumalik kaagad sa eskwelahan.

Ilang sandali lamang ay nasa eskuwelahan na ako. Umaambon pa rin kaya kinailangan kong buksan ang lavender kong payong na hindi compliment sa P.E. T-shirt at maong na pantalon ko.

Tumila ang ambon pagka-akyat ko ng hagdan. Kainis! At sarado pa ang gate na dinadaanan ko patawid ng kabilang wing ng building. Kainis ulit. Kinailangan ko pa tuloy bumaba ng napakaraming hakbang at lumipat sa right wing ng I.R. building upang makapanhik sa third floor.

Teka, nasa’n na nga pala ang room namin?

Inilipat pala ito sa Rufino Javier building kaya’t kinailangan ko na namang maglakad ng pagkalayo-layo. At nang mapansin ko na ang aking mga classmate, pumasok na ako sa room na iyon.

Sa room kami ng II-38 nag-Math lesson. Oo, Math lesson. Isang walang kamatayang asignatura sa high school.

Huwag na huwag mong subukang paghambingin ang Math sa high school sa Math sa Elementary.

Noong first year ako, dalawang oras ang Math namin kasi pinag-combine force ang Math I at Enriched Math I. Teacher namin ‘yung matabang mama na tinatawag nilang Jollibee dahil sa hitsura niya. Napakasuplado niya ngayon kaya nga’t hindi ko siya binabati man lang kapag nakakasalubong ko sa school.

Noong second year naman, isang oras nga lang ang Math II namin kaya lang first period. Minsan naman late ‘yung teacher namin na ubod sa bait magbigay ng grade. (Oops! 86 yata ito nung first grading.) ‘Yung teacher namin, hindi mo maintindihan ang pagmumukha pero maganda naman siya. Minsan iniisip nga namin baka sa Jolo pa siya nakatira at lumipad kasama si Darna, ayun sa bilis, nagkawindang-windang ang buhok. Nale-late nga siya pero kapag ikaw na ang na-late humanda ka na.

Naaalala ko pa noong isang araw noong fourth grading na pinalabas niya ako kasama ng dalawa o tatlo ko pang kaklase kasi ayaw naming mag-check ng test paper. Hindi naman sa ayaw kundi dahil alam naming male-late na kami sa susunod na klase—Science II (Biology). Kaya ang ginawa niya: pinalabas niya kami ng room at doon na lang kami naghintay ng isa kong kaklase sa tapat ng tindahan sa Amang Hall at hinintay na i-dismiss ang buong section 2.

Going back. Bukod sa pesteng Intermediate Algebra noong Second Year ay meron din kaming Advanced Geometry. Kainis diba? Pero okey lang. Kung ang Math II ay first subject eto naman ay ang after-lunch subject kung saan pwedeng-pwede kang ma-late sa kanyang klase or on the other way around na siya ang pwede mong ipa-late sa sarili niyang klase.

Libre pa ang excuses lalo na kapag nauto mo siya sa matinong pamamaraan. Naka-ilang excuses na nga ba kami noong Second Year?

Kapag may book presentation sa English III na kasunod na klase, excused kami. Kapag tinatamad kami, excused kami. Kapag tinatamad siya, excused ulit kami. Kapag wala lang, excused kami. Kapag may project pa kaming tatapusin para sa Arts, excused kami. Kapag may occasion sa Gymnasium, excused kami. Kapag wala lang, excused pa rin kami. Kapag may tatapusing article sa Journalism II, excused kami. Kapag wala lang, excused rin kami.

At kapag wala lang talaga. In short, trip lang ng buong klase.

Pero sa kabila ng lahat ng mga unos (ang tindi ng term!) sa klase ng Geometry: sa kabila ng harapang kopyahan ng sagot sa mga quizzes at hindi pakikinig tuwing lecture at ang dedma ever na sitwasyon kapag nasa likuran e naging top pa ako sa periodical test at first sa klase niya. Naks!

At huwag nating kalimutan ang kanyang B-E-A-M-means-smile na ngipin.

Ngayong third year ang pinakamalakas na bagyo. Nangangalahati pa lang ako sa karera ng third year pero impiyerno na ang dating. Ang may sala? Ang aking napakagaling na teacher sa Math III. Hindi ‘yung pinalitang teacher kundi ‘yung pinalit.

Namatay kasi ‘yung teacher ng Math IV pilot kaya pinalit ‘yung Math III pilot teacher. Ang nangyari tuloy e pinalit sa Math III pilot teacher ‘yung magaling na Advanced Geometry teacher. Kaya nagkaroon ng big switch sa buhay ng bawat isang third year pilot student nang dumating siya. Mas matindi pa sa naganap na big switch nang bumalik si Jenny sa bahay ni Kuya.

So, itong napakagaling na Math III teacher namin ngayon ay lubha ngang napakagaling. Unang impression ko sa kanya e magaling magturo kasi naintindihan ko ang kanyang lessons. Pero nang lumaon, na-realize ko na mas mabuti pa yatang ‘yung dati naming teacher ang mag-stay sa third year pilot. Kasi naman tignan mo ang napakagaling kong grade: 80. At sa sobra niyang kakornihan, sa lahat ng bahay, e nagkakaewan-ewan na ang mga buhay naming mga estudyante niya. Minsan kapag nagbabato na siya ng jokes pinipilit ko na lang tumawa kahit sobrang napakawalang sense ng sinasabi niya. Minsan naman mapapabuntong-hininga na lang ang buong klase pagkatalikod niya matapos magbiyak na naman ng kakornihan.

Iyan nga ang kasaysayan ng Matematika sa buhay ko.

Katulad pa rin ng dati, hindi eksaktong 8 am nagsimula ang MTAP. Kainis. Bakit pa kasi kailangang mag-aral ng Math. Magagamit mo ba ito kapag nagsusulat ka ng nobela? O umaarte sa entablado sa harap ng maraming manonood? O kapag isa ka nang web page designer? Ano ba ang use ng logarithm sa ating everyday life? Ano ba ang dulot ng negative numbers? Functions? Irrational numbers?

Nang makuha na ang paper sa MTAP, siyempre seryoso ako sa pagsagot ng mga alam ko. Kampante kasi dito hindi ka maaano ng erasures ni hindi ka mapapagalitan kung red na ballpen ang gagamitin mo. Nag-recess maya-maya. At pagbalik, isang malaking kalokohan.

Nagkabatuhan na ng mga papel sa loob ng classroom pero siyempre hindi nakatingin ang teacher habang nagaganap ang tila Romans vs. Carthaginians na labanan ng catapults at stone throwers. At sino ang naging pasimuno.

Walang iba kundi ako!

Hanggang sa natigil na lamang ito nang mahuli ng teacher namin sa MTAP na nagbato ng papel sa harap ang isang hindi pilot student. Mabuti hindi kami nahuli.

Pero sa totoo lang mas masaya sana kung palaging ganito ang MTAP sessions. At baka maguhit pa kami sa record book ng guidance kapag nagkataon.

ang practice sa san jose

Kailan ba mawawalan ng book presentation kapag high school ka?

Hindi na yata kasi dala-dala na ng bagong henerasyon ang tatak-Kanluraning pagtatanghal sa entablado na maging hanggang ngayon ay nagagawa maging sa loob ng silid-aralan.

Noong nakaraang grading, ang book na na-present ay Hamlet at Hunchback of Notre Dame samantalang sa pagkakataong ito ay The Count of Monte Cristo at Romeo and Juliet. Actually, hindi dapat Romeo and Juliet ang magiging play kung hindi dahil sa pagpilit at lubus-lubusang katangahan ng leader ng Hamlet ng Group 3. Ako nga pala ‘yung leader.

Kung noon ay dalawang grupo ang nag-present sa loob ng isang araw at kinabukasan ang isa pang libro, ngayon naman ay nag-unite ang dalawang groups. So, naging two groups na lang for two books. One group for Romeo and Juliet while one group for The Count of Monte Cristo (Hep! Math ‘yun!). Nag-unite ang dating nag-present ng Hamlet at nag-unite din naman ang nag-present noon ng Hunchback.

At sino nga ba ang naging pakana ng pagkakasabit ng Romeo and Juliet? Ako! Sino pa ba?

Isang matinding hamon ito sa akin. Isang mabigat na pasanin. Isang malalim na kasakitan ng ulo. Isang kasiraan ng pag-iisip. Para na nga akong si Jose Rizal sa hirap na ginawa para sa kanyang bayan. Para na akong binaril sa Bagumbayan. Ganyan kahirap maging leader. Lalo na ngayon na bente katao ang hinahawakan mo. Hindi tulad ng dati na pa-sampu, pa-siyam o pa-walo-walo lang ang hinahawakan mo. In short, hindi ganoon kahirap i-handle.

Pero masasabi kong maswerte na akong mahawakan ang mga masisipag kong members. Kahit ang iba ay hindi makuha ang paulit-ulit kong instructions at tips para magawa nang mahusay ang pag-arte, kahit ang iba ay parating wala sa practice, kahit na ang iba ay pa-importante (kahit scene niya na sa practice e biglang mawawala), at kahit na ang ingay ng isa diyan, e kita ko naman na porsigido sila sa magaganap na book pres. Oo, porsigido kahit hindi. Pero sa totoo lang e natutuwa ako na maayos ang nagiging resulta ng dalawang libong oras ko nang iniisip.

At katulad ng parati kong ikinababahala, malapit na ang araw ng paghuhukom.

Kanina nga lang pagkatapos ng MTAP ay pumunta kami sa isang bakanteng daanan sa San Jose upang doon makapag-practice. Hindi kasi pwedeng mag-practice sa isa naming kagrupo maging sa bahay ng isa naming hindi kagrupo. Kaya’t doon kami nagtiis sa isang open area sa tabi ng baranggay hall ng San Jose.

Ilang oras din kami doon. Mga lima. At natapos kami nang nakatatlong ulit na pagpa-practice. Natagalan pa kami sa tableau. Naging okey din naman matapos ang ilang minuto ng paulit-ulit na hindi pagkakasabay-sabay ng pagbanggit ng title.

Montagues. Capulet. The Tragedy-of Romeo and Juliet.

Tuluyan na ngang nilampungan ng gabi ang dapithapon nang kami ay natapos sa eksenang nagkabati na ang dalawang magkalabang pamilya.

Imbis na umuwi na kaagad pagkatapos ng nakakapagod na practice e sinamahan ko pa ang ilang members ng group ng The Count sa pagtugis sa kanilang mga leader na hindi um-attend ng practice. Naging sobrang haba ng aming paglalakad. Ang problema nga lang e hind ko talaga alam ang mga pinagsuot-suotan naming daanan. Hindi naman gaanong nakakapagod kasi marami kami kahit na gutom talaga ako ng oras na iyon dahil hindi pa ako nagtatanghalian. Gutom na gutom na talaga ako.

Sandali lang e malapit na kami sa mga bahay.

Ang una—‘yung lalaki. Aba! Ang sarap ng upo sa harap ng TV. Sinabi nila sa kanya na hindi na siya kasali sa play kasi hindi siya uma-attend sa mga practice. Hindi na kami tumuloy sa loob ng bahay nila.

Ang pangalawa naman—‘yung babae. Ang sabi niya may pupuntahan daw siyang anniversary kaya hindi siya makaka-attend ng MTAP maging ng practice ng kanyang play. Oo nga, wala nga daw siya doon. Pumunta daw sa Malaya at pauwi na rin naman. Ang kinausap nga namin e ‘yung big sister niya na may anak na. Sobra ang kaprangkahan niya nang malaman kung bakit ba sila nag-practice noong sembreak kung magkakagulo lang. Hindi ba daw complicated ang The Count. At paano daw nila gagawing hati-hatiin ang mga characters e andaming tao sa The Count.

Nakakatuwang isipin na katulad ng kanyang kapatid ay bulol din siya sa ‘r’. Muntik na nga akong matawa nang mapansin kong bulol din siya sa ‘R’. Kaboses nga din siya ng kapatid niya e.

So, medyo nawalan ng saysay ‘yung pagpunta namin doon. Pero nalaman ko naman na masarap palang maglakad.

ang napipintong boycott

Ang bawat bata ay may karapatang makapag-aral.

At kung ang bawat high school teacher ay nakaka-absent paano pa kaya ang bawat high school student na mayroon din namang karapatan?

Bisperas ng araw ng mga patay nang pumunta ako sa bahay ng pinagpraktisan ng The Count. Malapit nang mag-alas-sais noon at nadatnan ko silang walang ginagawang pagpa-practice. Mayroon pa ngang may dala ng gitara.

Ini-welcome naman ako sa bahay. As usual, sa rooftop sila nag-practice. Hanggang sa sabihin sa akin na mayroong isang rebolusyong magaganap.

Nanghihikayat ng boycott sa Nov. 2 at 3 kung kailan magkakaroon na ng pasok. Umoo ako-sino ba naman ang may ayaw pumasok? At isa pa, sa totoo lang e wala pa akong nagagawang requirement. Kalahati na daw ng klase ang natawagan at tatawagan pa ang iba para maipabalita ang magaganap na EDSA 4. Pero paano naman ‘yung mga sipsip? Hay naku! Paano naman ‘yung mga walang pakiramdam? ‘Yang ang mga bagay na napag-usapan.

Tuloy na tuloy na talaga ang boycott na magaganap. Magkikita-kita ang lahat sa rooftop ng bahay na iyon upang makuha ang attendance ng bawat isa.

Kampanteng-kampante ako kinabukasan. Wala akong ibang ginawa kundi maglaro ng computer at mahiga sa kama. Nang biglang nag-ring ang telepono, alas-singko.

Ang sabi hindi na daw tuloy ang boycott dahil sa meron ngang periodical test sa English pagpasok at hindi daw magbibigay ng test sa hindi naroon sa araw na iyon.

Nabahala ako. Sobra! Wala pa akong nagagawang kahit ano. Wala pa akong book report sa English at Filipino, wala pang notebook sa Physics, wala pang alam tungkol sa freely falling bodies at formula writing. Wala pa lahat. E, ano ba naman kasi ang pinaggagawa ko noong sembreak?

Nagmadali akong gumawa ng notebook sa Physics I. Inabot ‘yun nang alas-nueve and then nagsimula na akong gumawa ng book report sa Filipino III: Lalaki sa Dilim. Tinapos ko talaga siya hanggang alas-dos. At hindi ko na binalak pang magsimulang magsulat ng articles para sa Journalism III.

Tuluyan na akong bumagsak sa kama. Mamula-mula ang mata sa puyat at pihadong may tigyawat na sa ilong bukas.

ang boycott ng III-pilot

6:30 ako madalas lumabas ng bahay para makabiyahe na papuntang school at may napansin akong kakaiba sa kinasanayan ko sa loob ng tatlong taon. Walang masyadong estudyante sa labas.

Hanggang sa labas ng gate ng school e wala ring masyadong students maging sa loob. Walang mga naghahanda nang mag-cutting classes na nakaupo na sa mga bench. Walang mga maiingay na babae sa Amang. At walang mga harang sa hagdanan papanhik sa room namin sa Second Floor ng I.R. building.

Pero sigurado, may pasok. Nasa Science Laboratory na ang III-1. Paano pa kaya kami. Hindi ako tumuloy sa first class ko kundi sa homeroom namin. At wala nga talagang mga maiingay na tao sa pasilyo bukod sa klase namin na nagkumpul-kumpol sa labas. Tinatanaw siguro kung nariyan na ang TLE teacher namin na mapapansin sa kabilang building. Pero marahil hindi sapagkat nagbibilangan na ng mga pumapasok na III-2.

Maya-maya ay 20 na kami. 30. Ready na ako (kahit hindi) sa panibagong hamon ng high school. Waring isang maitim na ulap ang natanaw namin sa langit kapag 1 pm na nagpapa-automatic sa No-Physics-Day policy. Nakita namin ang III-1 na bumabalik dito galing sa Science Lab. Nang dumating na ang isang III-1 e sinabi niyang nag-boycott sila.

Isang mahalagang lesson ang natutunan ko nang araw na iyon: ang section one ang role model.

ang choral interpretation

Ang Choral Interpretation sa English noong Second Year ay isa sa mga unforgettable experiences ko. Dito nasubok ang katatagan ng buong klase. Nasubok din ang pagkakaibigan ng ilan. Nagkaroon ng away kapag may practice. Nasira ang duyan ng bahay na pinagpraktisan at naging pursigido ang tamad na klase.

We are fond of cramming, ika nga! Notebooks nira-rush, projects pinagpupuyatan (kasi hindi ginawa ng mas maaga), kapag exams last minute magre-review. Hindi na talaga yata mawawala ang ganito sa mga estudyante. Pero on this matter, nakataya na ang dignidad ng buong klase.

It is a choral interpretation.

Pero noong nag-practice kami sa isang open na lugar, oo, nakapag-practice nga kami kaso noon namang nagkaroon ng break ng 9 pm at ang call time ay 9:30, mayroong apat na pasaway na bumalik ng 10 pm. At dahil sa kanila ay naudlot ng matagal ang pagpa-practice. Discipline nga naman, diba, ang kailangan pero kahit anong gawing saway ng leader namin e pasaway talaga ang iba.

Hanggang sa tumulong na ako sa pagbuo ng mga gestures at deliverance of lines. Inabot kami ng 12 ng hatinggabi. Dumating na ‘yung isa o dalawang magulang ng classmates ko. Pero we still have to continue for us to be able to show something tomorrow.

Bakit kasi kailangan kaming mag-rush. Matagal na itong Choral Interpretation na ito pero bakit nahantong ang lahat sa ganito?

Wala nang oras upang magsisihanan. It is everybody’s fault.

Kung naging masunurin at hindi pasaway lamang ang buong klase sa leader. Kung nakikinig lang ang lahat sa leader. Malaking pasanin talaga iyon sa isang leader.

Kinabukasan, tulad ng napagkasunduan, kailangang pumasok ng 5 am sa school. Oo, pumasok ako, pero ang dinatnan ko lang sa room na nag-aayos ng mga gamit at nagwawalis ay dalawang babae. Nakakawalang-gana tuloy. Kinabahan na ako. Ilang oras na lang contest na. Dumating ang 6 am, konti pa rin kami. Sinimulan na ang practice. Second page na kami ng two-page choral piece. Marami pang hind dumadating. Isang oras na lang magsisimula na ang contest.

We-we were taken from the ore-bed and the mine—

Practice pa. Practice pa. Hanggang sa malapit na nga ang oras na pinakahihintay namin. Ang pinagpapaguran naming i-ensayo ay narito na. Kailangan na naming ipakita sa mga hurado. Ang isa ay iyong English I teacher namin, ‘yung isa English II teacher namin, at meron pa yatang isa pa.

Napuno nang tensyon ang buong klase at pati na rin ang classroom. Kinakabahan kami. Pero we moved. First step. Second step. At nagsimula na ang choral interpretation ng II-2.

Maayos noong una. Kasi kabisado namin ang mga lines sa first page. At iyon lang ang napagpraktisan namin kahapon. Nang dumating na sa second page. Patay na. Hindi kabisado nang lahat. Maswerte nang naa-outcast ng may mga kabisado ang boses ng mga ibang hindi binalak kabisaduhin ang piece o kung meron mang gumawa e nakalimutan na siguro dahil sa tensyon.

Chaga chaga chug chug…

Natapos din. Sa wakas. Lumipat na sa room ng II-3 ang judges para makita ang Choral nila.

Wow! Tapos na. Pero huli na rin kung doon pa kami magsisisihan. Nang matapos na ang II-3, lumipat ang judges sa II-4 at tapos tapos na! Maya-maya nalaman namin na nagsisigawan na ang mga II-1.

Panalo sila!

Talo kami. Second.

Pagkatapos ng announcement ay napuno ng matinding kapayapaan ang buong Second Year pilot. Nawalan ng mga klase. Nakahilata na ang karamihan sa lapag na binanigan ng mga manila paper at illustration boards. Mga unan ang bag, tanday ang katabi. Ang iba ay natutulog. Ang iba nagkukwentuhan. Ang iba naman pumupunta sa iba pang room.

Dumating ang tanghali at kailangan naming pumunta sa Audio-Visual Room (Filipino) para manood ng Feng Shui na aming gagawan ng report. Tuloy pa rin ang paghiga. Pagkatapos manood ay pinapunta kami sa I.R. building para sa TLE exhibit.

Umuwi ako nang pagod ang katawan.

Sa kakahiga.

hapit sa book report

Limang oras mula ngayon ay magsisimula na akong maghanda sa pagpasok sa eskuwelahan. Iniisip ko na ang mga possible na mangyari maya-maya. Papagalitan kaya ang section one dahil sa paglayas nila sa klase ng Chemistry teacher namin noong Nov. 2 kung kelan kami nagbalak mag-boycott? Ano naman ang masasabi ng English teacher namin sa hindi namin pagpasok? At papasok kaya ang Research teacher namin? Absent ‘yun! Asa ka pa!

Kakatapos ko lang ng paggawa ng book report sa English. Romeo and Juliet.

Kaninang mga 5 naglakad ako hanggang kanto tapos sumakay ng jeep papuntang Pag-asa para bumili ng papel sa NBS. Nakita ko nga ang pamilya ng may-ari ng bahay na may rooftop na pinagpapraktisan namin. Mabilis lang ako doon. At ang sunod na binalak ko ay magpa-print na sa The Link na malapit sa school. Imbis na mag-dalawang sakay pa ako papuntang school e nilakad ko lang ang Pag-asa St. palabas ng Dr. Sixto Antonio Avenue-kahabaan ng RHS. At naisipan kong bumili ng Cookies and Cream na shake malapit sa labasan. Ang sarap talaga.

Kahit mag-isa lang akong naglalakad sa kahabaan ng Dr. Sixto Antonio Avenue e ano naman ang magagawa ko. Wala naman, e! Malapit na ako sa school. Malas! Sarado ang The Link. Nakakainis.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad papuntang sakayan ng tricycle papunta sa bahay namin. Bumaba ako sa computer shop na malapit lang sa amin. Nagpa-print ako.

Nung in-open na yung file, di daw naka-format. So, bumalik ako sa bahay para kunin yung ni-ready ko nang isa pang kopya na nasa isang diskette.

Pagkabalik ko, nakalagay talaga na hindi daw formatted ng maayos blah… Bumalik ako ng bahay. Binuksan ko itong mabagal pa sa pagong na computer na ito at isineyb sa dalawang diskette ang file na ipapa-print. Bumalik ako sa computer shop.

Sa wakas! Nabuksan niya na yung file. E kaso naman ang bagal-bagal ng printer nila. Daig pa sa kabagalan yung Dot Matrix sa Computer Room. Ilang oras ba akong naghintay para ma-print ang pitong pages ng papel?

Anong oras din ako nagsimulang gumawa ng book report na yan. Pesteng book report yan! Handwritten. Ang sakit na nga ng kamay ko, tapos nagta-type pa ako ngayon. Pero sanayan lang talaga yan on writing.

Natutunan ko na dapat palang gumawa ng book report nang mas maaga para di nagpupuyat ng ganito.

ang sleep-over

Hindi mawawala ang Investigatory Project sa high school. Dito nailalabas ‘yung mga natatagong skills ng bata sa Science at ang mga naiisip niyang kapaki-pakinabang. Sa kaso namin, inisip naming gumawa ng isang substitute colored computer ink para makatipid ang mga estudyante. Maraming discussions na naganap. Maraming maiinit na salita. Maraming maaanghang na banat. Siyempre kasama na rin sa IP ang experiments. Kaso hindi naman ako nag-experiment kasi part ako ng write-up group.

Kaya ng isang araw na kailangang hapitin ang IP dahil next week na daw ang pasahan e naisipan namin mag-sleep-over sa bahay ng isa naming kaklase (kaming write-up group lang). Dalawa o tatlo sa amin ang hindi pinayagang mag-overnight. Isa ako doon. Saturday noon nagkita-kita kami sa 7-11 na malapit sa school. Anim silang babae at ako lang ang lalaki.

First time kong pumunta sa bahay ng kaklase kong iyon. Maayos naman yung room niya noong araw na iyon. Binuksan na ang computer at nagsimula na kami. Pero hindi talaga maiwasan ang ingay. Ang ingay nga namin e!

Lunch. Sa dining area kami nag-lunch. First time kong makasama ang lima sa kanila. Pagkatapos ng lunch e gawa na ulit ng write-up. Naghihintay kami ng tawag mula sa Experiment group siyempre kasi sa kanila manggagaling ang isusulat namin. Puro pagkain. Pagdating ng time ng miryenda, naghanap kami ng pagkain. Nag-recommend yung isa ng Mappy Pizza kaso wala pang nagtitinda that time. E di lakad kami. Wala na kaming makita kaya sa Burger Machine na lang kami bumili. Ano pa ba, e di burger!

Uminit ang aksyon nang kinagabihan. Nakabukas kasi ang Yahoo!Messenger at nagsimula nang uminit ang tambutso ko sa kahusayan sa panloloko sa YM. Tawa kami nang tawa. Meron kaming nakilalang lalaki pangalan niya Stephen. Pakilala ko sa kanya Jessie. Tapos maya-maya tawag niya na sa akin bebe. Tawa talaga kami ng tawa. Bukod sa Stephen na yun e meron pa yata kaming ibang naloko. Tawa talaga kami ng tawa.

Dinner na (pagkain na naman?). Siyempre uwian na ng kalahati sa amin kasi nga hindi pinayagan. Pero dahil sa convincing power ng isang tao, na-convince ang lola ko na mag-overnight, at ang nanay ng isa pa, pero ‘yung sa isa hindi talaga pumayag kaya umuwi na siya kaagad. Anim na lang kaming natira. Nagkaroon pa ng 11pm snack. At pagdating ng hatinggabi e nagkaroon kami ng confessions. Kung ano ang masasabi namin sa bawat isa ay dapat sabihin. Matagal din iyon. Umamin nga ang isa na may gusto sa akin, e! Hehehe.

Mga 3 am na yata ako nakatulog. Magkakasama kaming natulog sa room ng kaklase namin. Pero siya mismo ay lumipat sa loob para makatulog ng maayos. Niyaya niya kami pero oks lang naman sa room niya e. Ang likot matulog nung isa. Yung isa namin humihilik (sino kaya yon?). Hanggang sa nagising ako ng 6 or 7. Pinag-usapan namin kung sino ba ang mga naninipa. Buko. Breakfast siyempre. Tapos gawa ulit. Lunch maya-maya (bakit ba puro pagkain?). At nagsi-uwian din kami pagdating ng 4 pm.

Hindi ko talaga yata magagawang kalimutan ang experience na yon. Mismong first time na mag-sleep-over e first time ding hindi nagbihis ng damit, naligo at nagsipilyo.

Natutunan ko na lagi palang dapat ready kapag pupunta sa bahay ng kaklase mo… Di bale next time, kapag may mga projects na gagawin, parati na akong magdadala ng maleta.

lost you

We were true friends then. I treated you more than a sibling as you treated me the same way, too. We were open with each other that no limitations conquered our ways. We were happy to be together and we thanked God that we found ourselves together.

We were best of friends. We told secrets, cracked jokes, shared experiences, told stories, studied together, spent overnights at your house, invented new things, discovered new things, and we use up life to its fullest as thinking that life is short.

As short as it has to be, it happened quickly.

You are not here anymore. I had lost you. It’s too late to repent since everything happened in just a flicker. If I only knew earlier that it was you whom God had given me to spend my life with. If only I had the chance to tell you, even for a single moment, my deepest gratitude on meeting you, I would take it.

All these nights, I’ve been dreaming of you. And your face still haunts me even during day. Your sweet voice lingers in my mind during school hours. Your thoughtfulness I miss; your craziness I bear.

If only you’re still here.

If only.

the count of monte cristo presentation

First day ng book pres.

Excited akong mapanood ang The Count of Monte Cristo ng kabilang grupo. Maaga silang nag-ready. At nang English time na. This is it. Kaso ang haba-haba ng eksena ng Edmond Dantes at Abbe Faria at ang problema pa ay hindi kabisado ng huli ang mga linya niya. Inabot nang one hour ang play nang hindi pa natatapos. Kaya kinat (cut) ng English teacher namin ang presentation. At ang mas masaklap pa kaysa sa hindi pagtatapos ng presentation e hindi man lang naipakita ang character ng isa kong kaklase na nasa bandang dulo pang eksena.

Crying moment, totoo. Lalo na ‘yung leader. Nagulat na lang ako ng marami nang tao ang lumilibot sa kanya at nakikiramay sa nangyaring pag-cut ng play.

Pero may point naman ang parehong kampo. Tama ang teacher dahil dapat naman talagang isang oras lang at tama rin ang kaklase kong iyon. Siya pa naman ang isa sa mga masisipag sa kanila na palaging nandyan kapag may practice, tumatakas sa bahay nila kapag alam niyang pinapagalitan at handang mag-sacrifice all for the sake of the group. Malungkot siya after our English class thinking that she will have no grade for the book presentation. She went to our English teacher and complained about what happened. Naintindihan naman ng teacher pero dapat talagang intindihin ng mga estudyante. Meron naman daw siyang magiging grade dahil alam naman ng teacher ang mga paghihirap niya.

romeo and juliet presentation

Second day of book presentation. It’s our turn.

Maaga akong pumasok para mag-prepare. Alas-sais pa lang (six hours bago mag-English) e kabadong-kabado na ako. Mabuti nga’t nagawa ko pang makatulog sa kabila ng tensyong nadama ko. Ang hirap kami ng sitwasyon ko na leader na, Romeo pa. Nakaka-pressure talaga. Tapos, late pa dumating si Juliet. Nakakainis talaga.

Binabalak kong humingi ng permission sa mga klase para makapag-practice kami pero ang Statistics lang ang pumayag. The rest ng iba pang subjects humindi.

And to tell the truth, hindi ako umattend ng Computer class just for the preparation for today’s event.

Maging sa mga classes before mag-English tuliro talaga ako. Hindi ko maintindihan ang pagka-adik ko. Tuliro talaga. Sobra. Kapag iniisip kong ilang oras na lang e mas natutuliro pa ako.

Nag-pre-test sa Math kaya 11:30 pa lang e nagre-ready na ako. Costumes. Props. Lights. Curtains. Swords. Poison. Potion. Cup. Chairs. Candles. Wall. Balcony. Music.

Hindi ako nag-lunch.

12:20 na pero nagre-retouch pa rin ang English teacher namin. 12:30 na siyang dumating at ang bungad niya e ikakat (cut) niya daw pag 1:30 na.

Sabi ko, “So what?”

And it goes that way pero ang ibang eksena at mga mahahabang linya ko e tinanggal ko na just to fairly anticipate the time frame. Maraming nanonood sa labas, napansin ko ‘yon. Pero hindi na masyado kasi bising-busy ako sa kakautos ng gagawin at kung anong eksena ang susunod. At sa wakas, umabot ang huling eksena ng pagkamatay nina Romeo at Juliet bago pa man mag-1:30.

Wow! Sa wakas, tapos na. Close curtain. Applause. Bumangon ako mula sa folding bed na naging death bed namin ni Juliet na may pinta ng saya ang mga ngiti. My members started approaching me. Apir. Yakap naman diyan. At kung anu-ano pang papuri. Congrats. At sumunod na ang mga kaklase ko pa na nanood at nagandahan daw sila sa presentation namin at sa pag-arte ko (nyek).
Hindi ko ma-explain yung sayang naramdaman ko nung natapos na. Totally, tapos na ang pasanin ko. Tapos na. Kumbaga sa langgam e naihatid niya na sa reyna ang pagkain mula sa isang malayong hapagkainan. Pawisan ako sa tensyon kaya maaga akong nagpalit ng damit pagkatapos ng picture taking. Ang saya-saya talaga.

Pero hindi pala. Kasi bukas evaluation ng mga presentations kaya kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon kung ano kaya ang magiging comments ng English teacher namin. Ano nga kaya?

mga paghahanda

Ang lahat ng bagay ay napaghahandaan, at kapag hindi nagkagayon ay pwedeng magkanda-leche-leche and buhay mo.

Tulad ng book pres.

After ng Hamlet noong first grading e pinaghandaan ko na talaga ang Romeo and Juliet na ipinilit ko pang ipalabas. It started from a joke-isang joke na hindi ko inakalang malayo ang mararating. E kasi naman me video kasi ng Romeo and Juliet sa kanta ng Sponge Cola kaya napag-tripan kong basahin ang Romeo and Juliet.

September pa lang yata e nagawa ko na ang script pero binago ko rin iyon nang dumating ang katapusan yata. Puro practice kami. Naka-ilang punta na nga ba kami sa mga bahay-bahay para makapag-practice. At minsan mahirap pang ituro sa mga members ko ang dapat gawin at minsan din e mahirap i-explain ang words ni Shakespeare. Katulad na lang ng “Go to” na isang expression ng galit at hindi ‘go there’. See the difference between the two naman. Ilang beses ko ‘yang sinabi pero wa epek din pala!

October, nagra-rush na kami ng practice. Pati ang props at iba pa. Pati semestral break pinatulan namin makapag-practice din. Pati mga Sabado. Kahit na minsan kulang-kulang kami. At kahit na minsan nawawala ang Juliet namin (ay! Palagi pala!). Na-experience pa naming mapatayan ng ilaw sa room pero go on pa rin ang naging practice.

Na-experience din namin na mag-practice sa labas ng school, sa tapat ng gate-sa bangketa. Ang dilim-dilim pero sige pa rin kami. At ang huli naming practice ay sa rooftop ng isang establishment.

So much sacrifices ang in-offer ko sa play na ito and I think it will be creditable naman. After all. I mean after all talaga. After every single sweat I sweated and every blood shed.

evaluation ng book pres

Evaluation ng presentation kanina sa English. Kinakabahan talaga ako katulad ng pagiging kabado ko kapag merong graded recitation sa Chemistry.

As usual, 12:30 na namang dumating ang English teacher namin. Siyempre, inuna niya ‘yung unang nag-present: The Count of Monte Cristo.

Halos puro negative ang mga banat niya pwera na lang nung sinabi niyang hang siya sa bida dahil kabisado nito ang kanyang mga linya. ‘Remarkable’ daw! Bilib din daw siya sa gumawa ng script kasi binasa daw talaga ‘yung novel. Masyado daw mahaba ‘yung eksena nina Edmond Dantes at Abbe Faria. Dapat daw nilagyan man lang ng pulbos yung buhok ng gumanap na Abbe Faria kasi nga naman matanda na ang character na iyon. Pati daw ang costume, dapat tattered man lang para magmukha talagang bilanggo. Ang haba daw kasi talaga ng script kaya kailangan niyang putulin ang presentation kahapon. Nag-sorry siya.

Hindi daw snappy ang The Count. Hindi rin daw naipakita ang tamang asal ng mga drunkers. Binanggit niya maya-maya ang grade ng bawat isa. May me 5, 6, 7, marami 8. Me grade pa rin naman daw ‘yung ibang hindi nakasama sa eksenang ipinalabas.

Dumako naman siya sa aming presentation: Romeo and Juliet. Sa pananalita niya e para siyang nag-rehearse sa harap ng salamin kagabi sa kahusayan ng kanyang pagka-deliver ng evaluation. You know naman daw ang scriptwriter, director, at main character none other than Jonell. Maganda daw ang phasing ng mga eksena at hindi nagkakagulo sa likod kung sino ang susunod sa eksena.

Bakit daw coat ang costume ko at bakit ang hina ng boses ng Paris. Ang ganda daw ng gown ng Lady Capulet bagay na bagay daw. Na-internalize daw talagang maigi ang characters sa bawat isa. Bilib daw siya sa retainment ng memory ko sa pagkabisado ng mahahalagang linya sa play.

“But soft, what light through yonder window breaks? It is the East, and Juliet is the sun… It is my lady, o, it is my love…”

Hindi niya lang alam ang dami-dami-dami kong tinanggal na lines para lang maeksaktong isang oras ang play. Ilang linya din iyon. Ilang pahina ng aklat ng Romeo and Juliet ang kinabisado ko at nawala din sa wala. Pero hindi ko naman iyon pinagsisihan o sinisisi ang mga kamay ng orasan sa pagiging mabilis gumalaw.

Sabi nga ng English teacher namin, may passion daw ako. Passion. At love kay Shakespeare. You heard me right! At iyon nga ang gusto niyang mangyari na magkaroon ng appreciation ang kanyang mga estudyante sa literature.

Oo nga pala, napuri ang Old Capulet sa pag-arte kasama ng Juliet. Natuwa daw siya sa pagdama ng Old Capulet sa kanyang katauhan. Hindi lang alam ng teacher kong iyan na ilang beses kong pinagpasensyahang ituro kay Mark ang dapat gawin upang maging ganoon kaganda ang eksenang iyon. Naka-ilang practice nga ba kami ng eksenang iyon? At ilang beses nga bang nalamog ang katawan ng Juliet namin at napaos ang boses ng Old Capulet?

Mula sa costume, sa props, at maging sa pagiging spontaneous ng bawat eksena ay maihahantong niya sa kanyang pakiwari na lubusan kaming handang magtanghal.

Nakaka-touch daw ang death scene nina Romeo at Juliet. Na-touch daw siya! Wow naman! It’s an honor to hear that from her. And from my other classmates as well who had been nearly crying while they were watching that melancholy scene.

Imbis na pansinin ang kapagurang binabanggit ng aking katawan ay sinabi ko na lang sa aking sarili na isa itong success.

It’s my most wonderful yet experience.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: