Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

more archived posts…

Posted by Paurong sa Martes, Hunyo 13, 2006

2.01.2006
pesteng creative writing

pesteng contest yan…may contest ba???? napakawalang kwenta!!!!!!!!!!!!!! sobra! sobrang walang kwenta. nandito nga pala kami sa library ni mhadz… napakawalang kwenta rin nung library…. este nung computer. pero nagpapasalamat po ako… huhuhu…:(( kasi po huhuhuhu :(( meron po kaming computer na nagagamit po sa school huhuhu. tapos nandito pa si viic.. napaka-talaga. tapos pa-impress na naman po si mark renan as usual… isa nga siya sa host mamaya e. kakabuwisit paimpress mali-mali naman ang grammar. kala mo nmn kung cnong best in english. hayz tlg. eto nga po pala kami nasa library hinihintay na magsimula ang contest. (may contest b?) tpos ano p b? ON-THE-SPOT CREATIVE WRITING CONTEST? huh? ok lang cla??? miz n nga po d2 ni mhadz c allan e…. may date p cla maya.. ehehehe… tpos ung ibang senior n officer ng creative writing nagre-research ng ewan…. kainis kasi ang bagal tlg ng computer d2 at worse pa na walang Y!M dito… hayz…. hayz… hayz…
p.s. nag-half day po ako… ehehehe

1.31.2006
first discussion

hayz… kala ko d ko magagwang magsalita s harap ng clasm8s ko… kal ko d ako iimik s hrap kpag nagsimula n ung uwian at kailangan nming mag-discuss nung tungkol s Choral… buti n lan may nasbi ako. kaso lan prang mali.. tma b nmn ung nipagsasabi ko knina… sowi nga pla s clasm8s ko kc nipauwi ko cla ng 6 pm… ngayong araw? may nipag-iisipan kasi ako kaya bangag pa rin ako tulad kahapon..sbi nga ni karen nagdugo daw ilong niya sa mga nisabi ko kanina s harap.. hayz. Ewan ko b kung bkit lgi akong pumapapel.. masyado n po akong papansin… pero quite lan nmn… sna maayos ko, together with the two leaders, yung choral interpretation… next week na yon diba? nagsulat lan ako dito kasi feel ko.. at sak bak matagal bak ko makpag-post ulit ng nisulat ko s bahay… pero i’l try my best nmn n may masulat ulit tulad ng dati.. Sna nga bumalik yung dating Jonell na nakilala mo na mahilig magsulat. Buti na lan talga na-explain ko yung piece. Nakakatakot kasi kung hindi ko ma-explain, e. So, marunong naman pala akong magpaliwanag ng mga bagay-bagay. Ayaw kong sabihin na walng kwenta yung mga nipagsasabi ko kanina kasi baka sabihin mo mayabang ako. Kasi sbi nga ni Karen kanina wag daw akong maging mayabng tulad ng isang tao diyan. Lam ko naman ikaw ung nitukoy nia pero di ko na in-elaborate yung bagay na iyon. Pero sabi naman niya bati naman daw sila nung taong nagbabasa diyan. So, iyon. Bukas na lang ulit kasi kausap ko pa yung kuya ko.

01.28.06
MET’s Romeo and Juliet

Kauuwi ko lang galing sa isang okasyon na napaka-espesyal sa akin. Ito na ang pinakamasayang araw sa buhay ko sapagkat tila nakamit ko ang pinakamimithi kong pangarap sa pagkakataong iyon. Niyaya ko si Angela na umalis. Pinayagan naman siya at nagkasundo kaming magkita sa Study Net nang 5 pm. Isang oras akong naghintay bago ko siya tuluyang makitang paparating. Sumakay kami ng FX papuntang Megamall at bumaba sa may Metrobank kung saan nagtra-trabaho ang tito ko. Maya-maya’y umalis na kami sa lugar na iyon papunta sa Camp Aguinaldo sa EDSA. Madilim ang lugar na iyon at kabana-banaag ang katihimikang sanhi ng karimlan. Hanggang sa iwanan na kami sa lugar na iyon. Bago pa man makapasok sa loob ng AFP Theater ay nasilayan ko na kaagad ang malaking tarpaulin ng play kung saan naroon sina Romeo at Juliet. Nasa tarpaulin ni Romeo ang line niya na “O, it is my lady, o, it is my love” habang ang kay Juliet naman ay “Come, gentle night, come, loving, black-brow’d night, Give me my Romeo”. Pagpasok sa loob, sabi ko sa sarili ko, “This is it, Jonell.” Lumapit kami sa may bilihan ng ticket at napansin ko kaagad si Kuya Steven (siya nga pala ang Executive Producer ng play). Sabi ko ako si Jonell so tinignan niya yung list niya ng mga reserved tickets (in terms of the mailing list) tapos binigay niya yung dalawang tickets tapos binayaran ko. Mga past-six na siguro noon. Hindi ko alam kasi wala naman akong relo tapos si Jhelai empty battery na. Sabi niya nga, kailangan niya raw makagawa ng paraan na mai-text ang Kuya niya about what is happening at para ma-inform na gagabihin talaga kami. Kasalanan niya nang kaunti kasi sinabi niyang alas-otso e nasa bahay na siya. So, nakapila na kami noon. Medyo dumadami na yung tao; napuno na yung bulwagan. Kapansin-pansin yung nasa likuran namin: yung mag-syota na panay ang publicly not-intentional display of affection. Nakita ko pang nagkiss. Panay ang kapit nila sa isa’t isa. Yakap. Ano ba naman yan? Panay ang lapit ng lips ng guy sa girl. Panay nga ang tingin sa akin ng guy kasi naman nakakailang talaga. At eto pa ang worse: kasama nung guy yung best friend niya ng guy din. Diba parang ang pangit namang tignan na may chaperone pa yung guy. Hayz. Tapos binigyan ni Kuya Steven ung mga unang dumating ng poster ng play. Aba! Siyempre meron ako nun, no! Hayz talaga. Aba! Bago pumasok sa loob ng theater e umihi muna ako. Pagpasok sa loob hindi na ako masyadong ilang kasi hindi ko naman first time na manood sa theater. Second time ko na; first time ko yung Palasyo ni Valentin. Ang ganda ng hitsura ng AFP theater. Hanggang sa iyon na nga. Nanood kami. Umupo ako sa seat number 28. Would you believe that? Kasi naman pinili ko yung seats na nasa gitna. Worth it naman yung pag-upo doon kasi nga maganda yung view. Nasa left side namin yung tatlong tatlo sa likod ng pila kanina tapos merong magbabarkada sa kanan ko. Siyempre, worried na worried na po ako kasi naman etong si Jhelai hindi mapakali. Sabi ba naman sa akin, wag na daw siyang alalahanin, just enjoy daw. E, pano naman kaya ako makapag-eenjoy kung iniisip ko yung tungkol sa pag-uwi niya. So, lakas ng iyon ng loob. Nakiusap ako dun sa nasa right side ko na girl kung pwedeng maki-text. Lakas lang talaga ng loob at tibay ng paninindigan at determinasyon. Ayun! Naka-text na rin si Jhelai na nagsabing gagabihin siya. Pero all throughout parang hindi naman siya comfortable kasi nga disturbed siya sa kanyang pag-uwi. Wala akong masabi sa play na Romeo and Juliet. Hayz. Wala talaga akong masabi. At wala na rin akong balak na palawigin pa ang pagtalakay sa paksang yaon sapagkat ang nais ko lang sa ngayon ay maiparating sa iyo kung ano ang naganap ngayong kaarawan ko. Ang saya-saya ko talaga habang nanonood. Bagaman medyo natatawa ako sa sarili ko sapagkat nakita ko sa ginawa nila ang ginawa ko rin at naging sariwa sa isip ko ang mga lines. Ang kaso lang sa MET e medyo inayos nila ang English na ginamit ni Shakespeare para mas madaling intindihin. Pero ganun pa rin naman ang effect. Hindi naman kasi totally in-alter yung mga Shakespearean verses. Ang galing talaga ng Metropolitan Theatre Guild. Pagkatapos ng play e dapat may concert pa. Gusto ko ngang manood e kasi nga for sure nandoon ang Sponge Cola. Hayz! Rock on, Sponge Cola, you’re the best! Kaso nialala ko si Jhelai. Gabi na at saka girl siya at saka delikado na. Napansin ko na lang na nadoon na pala ang tita ko sa may aisle ng seats namin so umalis na kami. Pagkauwi, bumili ako ng siopao, tig-isa kami ni Jhelai at saka Coke. Tapos nihatid namin si Jhelai sa may kanila pero hindi na namin siya nahatid sa mismong bahay nila. Sa ngayon, iniisip ko kung ano na kayang banat ang natamo niya. Pihadong pinapagalitan na siya sa mga oras na ito. Hayz! Ang saya-saya ko talaga ngayong araw na ito. Napanood ko na rin sa wakas ang kay tagal ko nang hinihintay na play. Ang ganda-ganda lang talaga. Puring-puri ko sila, kung alam mo lang. Ang galing talaga.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: