Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

june 27… 8:02 pm study net, computer no. 30 gali…

Posted by Paurong sa Huwebes, Hunyo 29, 2006

june 27…
8:02 pm
study net, computer no. 30
galing sa karimarimarim na pageensayo ng streetdance

kanina may activity kami sa english. ang napunta sa group namin ay pagsulat ng tula. pinipilit nila akong magsulat kasi marunong daw ako pero sabi ko naman hindi ko kaya yan. wala talagang nangyari habang magkakasama kaming magkakagroup. bigla kitang naisip. ayun nga! nakagawa ako ng tula. pagkatapos ng english class namin sinulat ko yun sa papel (alangan namang yung scratch ang ibigay ko sayo.. ehehe) tapos pumunta ako ng ir. para na naman akong ewan sa ir. hindi ko alam kung nakita mo ba ako or what. hindi ko talaga alam. tapos pinaabot ko kay jordan yung papel; ang sabi ko iaabot sayo. nag-stay pa rin ako sa ir hanggang sa matapos ang ap class mo. dumaan ka. tinignan kita, tinignan mo rin ako… ang bilis ng heartbeat.. dugdug–dugdug.. science siguro yung next class nio sumabay na ako sa paglalakad. mga five feet away ako sa’yo. ehehe. hindi ko pa nun alam kung natanggap mo na ba yung poem. maya-maya nung malapit na kaming magpractice, lumabas ako para bumili sa softdrinks (saka may classmate akong nagpabili din), tapos pagbalik ko nakasalubong kita. ako na naman — si tingin. parang wala lang ako sa’yo (malamang nga.. asa pa ako, no?). ilang minuto lang nakita na naman kita sa oval… nakatitig kay xa (na naka-pink). grabe naman un. as in titig ka sa kanya. grabe!!!

bigla ba naman kaming nagpractice sa may ir ulit. nung una di kita makita. hanggang sa ayun nga nakita ko na yung girl na nakaupo. hindi ko na alam kung nakauwi ka na kaagad kasi bigla nang umulan ng pagkalakas. sumugod kami sa gym. para kaming mga ewan.

nakakapagod ang araw na ito pero masaya pa rin kasi nandyan ka. kaso.. kaso.. duwag.. masyadong duwag si ewan tuwing nakikita ka niya. para siyang ewan talaga! nahihiya kasi siya sa’yo…

p.s.

pakiramdam ko talaga wala lang ako sa’yo. nakakalungkot kasi wala kang post today. sana makausap kita tonight. sana.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: