Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Archive for Hulyo, 2006

Day 33 – at ayokong magising sa umagang nag-aakit mabuksan

Posted by Paurong sa Miyerkules, Hulyo 26, 2006

[10:27 pm / laptop]

maaga akong pumasok ngayong araw. pagpasok ko sa classroom, wala akong kinausap na sinuman; nanahimik lang ako sa aking upuan at nagbasa na lamang ng “Parapsychology: The Controversial Science” na noong Lunes ko pa binabasa.

bago mag-social, nalaman ko na hindi pala talaga nawawala ang sim card ko. dati kasi, winala nila angge at pamela ang sim card ko sa pasig city hall. halos nakalimutan ko nga ang bagay na iyon, eh. pero bakit ba kailangan pang ipaalala? nalaman ko lang naman na binura ni angge ang mga messages sa inbox ko. kung noon pa siguro nangyari iyon, baka nagalit na ako kasi mga text messages sa akin iyon ni kristine. hindi ko na kinailangan pang magalit… masisira lang ang ulo ko.

hanggang sa mag-social na. wala pa rin si arvin. tae. ang kulit pa ni sir bernard. ang lupit ng mga banat niya. “papunta pa lang kayo, pabalik na ako. hindi tayo nagkita, nag-shortcut ako!”

eksaktong pagpasok ni ma’am jagmis sa classroom ay ang pagpasok din naman ng mga late… biglang naghumutok ang magaling naming research teacher, na wala nang ginawa kundi pag-usapan ang pagde-decorate ng classroom, at pinalabas ang mga late dumating… at take note, nagbanta pa na dapat dalhin ang magulang kinabukasan. sino naman ang tinakot niya? biglang nawala si arvin! hindi ko na alam kung saan siya nagpunta. nakita ko na lang ang bag niya sa may desk ko. kinuha ko ang notebook niya at tinignan. paglingon ko sa bintana, may sumulpot na ulo–si arvin! lumabas ako dala ang mga notebook namin.

ang bottom line lang naman niyan ay hindi kami nag-research. tumambay kami sa tindahan by the gym at doon madami din siyang naikwento tungkol sa mga nangyari sa ilang araw na nakalipas. buti pa siya na-enjoy kahit papaano ang dalawang araw na walang pasok dahil sa bagyong “glenda”, habang ako ay nakakulong lang sa bahay… wala namang magawa. tumambay lang kami ng tumambay hanggang sa mapadpad kami sa mga benches at nang pabalik na kami, nakita namin si kathrina na nakaabang sa likod ng jeep sa gilid ng classroom namin… para siyang shaman!

next class namin ang physics. habang wala pa ang iba naming classmates–dahil na rin una kaming dumating–kumanta muna kami ng minsan by eraserheads. nag-film showing lang. ang lesson namin ay tungkol sa camera at sa mata. bigla akong may naisip na idea para sa isang kuwento. ang title niya ay “sandalan”… pero hindi ko alam kung matutuloy ba ang pagbuo sa kuwentong iyon. may isinulat si arvin sa palad niya:

sa gym kami nag-mapeh. nag-chess lang naman yung mga marurunong samantalang pinapunta kami ni ma’am lising sa stage para doon mag-practice. ginanahan ata si arvin. pero maya-maya nakipagkuwentuhan lang siya kay brian habang nag-iisip ako sa isang tabi.

hindi na kami nagla-lunch sa long table. sa may harap kami kumain. mabuti na lang mayroon siyang mang tomas kundi baka hindi ko naubos ang baon kong lunch. bago bumili, naghagilap muna kami ng libro sa english. nakahiram ako ng e-way kay gladys (IV-2), functional kay laiza (IV-2) at english arts kay joan (IV-2). salamat sa kanila! salamat na rin sa nagnakaw ng lima kong libro sa english. salamat talaga ng marami!

sa english? wala akong masabi. nag-overtime lang naman kami ng 75 minutes.

Advertisements

Posted in Personal | Leave a Comment »

5:25 pm pc pangarap ko’t hiling, sa likod ng mga b…

Posted by Paurong sa Martes, Hulyo 25, 2006

5:25 pm
pc

pangarap ko’t hiling, sa likod ng mga bituin

sa umaga, pagbukas ng aking diwa
bakit ba ikaw ang unang nakikita?
sa gabi, sa pagtulog ko at paghimbing
ikaw ang kasama hanggang panaginip

iisipin ko na lang bang wala ka na
para hindi na ako mahirapan pa?
ngunit ang paglimot ay sadyang kay hirap
lalo na kung nahulog na ng kay tagal

ayokong pilitin ang iyong damdamin
masakit sa aking mahirapang lagi
aabutin na lang ang mga bituin
kung saan naroon pangarap ko’t hiling

Posted in Personal | 1 Comment »

6:35 pm pc ulan, ulan, kailan mo ako titigilan? …

Posted by Paurong sa Lunes, Hulyo 24, 2006

6:35 pm
pc

 

 

ulan, ulan, kailan mo ako titigilan?

 

 

tititig ang tahimik kong kaluluwa
sa sulok na minsan nang nabasa
ng payasong buhos ng ulang
iginuhit ng kapalaran.sa kalagitnaan, aking napagtanto
ang hamog na bumalot sa hapon,
ang hindi mapigil na unos,
ang sumugat sa aking puso.

balot ng katahimikan ang paligid
tigib ng hinanakit ang langit
samantalang ipinipiit
ang tumatangis kong damdamin.

muling tititig ang sugatan kong puso
sa kawalan na napapalayo
hanggang sa ako ay matuto
hanggang sa ako ay mahulog.

Posted in Personal, Poem | Leave a Comment »

‘dustine’

Posted by Paurong sa Lunes, Hulyo 24, 2006


okay. fine. whatever.

Posted in Personal | Leave a Comment »