Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

siya na naman ang iniisip ko

Posted by Paurong sa Linggo, Hulyo 2, 2006

4:32 pm
Study Net, computer no. 30

Bukas na ang laban ng Streetdance. Grabe! Nakakapagod talaga! Todo practice kami kanina at todo tapos ng mga props na kakailanganin…

So, simula na pala ng panibagong buwan. Mabuti na lang heto pa rin ako at nagsusulat. Kailan kaya siya mag-oonline? At kailan kaya ang sunod niyang post sa blog niya? Nakakabuwisit talaga ang sarili ko. Basta! Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ako! Baka nga naman kung anu-ano pa ang sabihin ng mga tao sa paligid niya–lalo na yung mga hindi nakakakilala sa kanya ng lubos. Oo, halata namang ilang na ilang siya tuwing nasa IR ako at paligid-ligid… na sa tuwina’y nandiyan sa bawat klase nila. Nakakahiya na sa kanya. Hindi ko rin kasi malaman sa sarili ko kung bakit ganito. Ewan talaga.

Bakit ba nga naman kasi ako bigla na lang sumulpot sa buhay niya… hindi lang sa buhay niya, pati sa environment nila. Minsan nakakahalata na yung mga third year teachers pero wala pa rin naman silang alam eh. Maging kay Mrs. Merino wala akong sinasabi, pati kay Mrs. Rodriguez. Nakakawindang yung mga sinabi ni Ila kahapon. Tumatak talaga. 30 pa naman ang date kahapon.. at pang-ilang ulit ko nang gamit ng computer no. 30 dito sa Study Net.

Mahirap kasing kalimutan na lang ang lahat. Sinabi ko sa kanya yung nararamdaman ko… ang hindi ko lang maintindihan ay yung sinasabi niyang EWAN KO. Nakakainis sana alam ko. Ayokong masyadong umasa kasi baka wala lang patunguhan. Marami na rin akong nasasagasaan… lalo na si Jordan, na alam ko namang may gusto talaga sa kanya. Panay nga ang banggit ng tungkol sa kanya kahapon nung nandun kami sa avr at library. At isa pa… boto halos ang lahat kay Jordan para sa kanya.

Wala na yata akong panama. Pero sana alam niya pa rin na nandito ako para sa kanya. Susundin ko muna yung sinabi ni Ila… na bawasan ang pag-uugaling ipinakita ko sa loob ng limang araw. Hindi ko nga lang alam kung kaya ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: