Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

tandang pananong

Posted by Paurong sa Lunes, Hulyo 3, 2006

10:18 pm
laptop

Magulo na naman ang mundo ko. Wala akong sinisi sa pagiging ganito ng kalagayan ko sapagkat ako ang pumili nito at dito ako pinadpad ng buhay.

Pinipilit ko nang huwag siyang isipin dahil wala namang patutunguhan kung magkagayon. Hindi ko talaga dapat pinipilit ang sarili ko sa kanya. Tama silang lahat. Isa akong malaking tae shit! Ginugulo ko lang ang buhay niya. Pinagmumukha ko lang na tanga ang sarili ko. Mahirap pala talagang ipilit ang isang bagay na ayaw. Mas mabuti sigurong tahimik siya. Ang masasabi ko e tahimik siya kapag wala ako kaya mas mabuting hindi niya maramdaman ang presence ko.

Salamat na lang sa lahat ng oras na iginugol niya sa akin… lalo na yung mga saglit na sandaling pinangiti niya ako lalo na kapag kinakausap niya ako. Salamat din sa pagpapaunlak sa mga tawag ko. Nagpakatanga ako dahil mahal ko siya. Ayoko nang masaktan… dahil ayokong manakit. Wala lang talagang makakita ng katapatan ko. Ilang beses ko bang papangarapin… Malinaw naman kasi sa kilos niya na balakid lang ako sa buhay niya. Bakit nga naman ako nangingi-alam.

Ayan! Hindi ko na siya tititigan para hindi na matunaw. Hahayaan ko na lang siya… masakit man para sa akin. Natatakot lang akong masaktan kung magpapatuloy ako para sa “wala”. Hindi niya ako gusto–dapat ko yang matanggap. Masyado nang masakit kasi wala lang naman ako sa kanya at hindi ko malaman yung nararamdaman niya.

Nasasaktan na ako, inaamin ko. Lalo na ngayon na alam kong nasasaktan siya dahil sa nangyari sa kanilang dalawa. Hindi ba’t iyon naman ang hinihintay niya? Sabi niya titigil lang siya kapag sinabi na nung isa na ayaw na niya. Akala ko pa naman sa akin siya hihingi ng tulong para makalaya nang tuluyan sa paborito niyang selda. Nagkamali ako. Nasaktan ako. Masakit, mahapdi, masalimuot.

Bakit ba kasi sadya kong ipinipilit ang sarili ko sa kanya? Nagmumukha na naman akong ewan sa kanya. Wala lang ako sa kanya… dahil kung meron man, hindi niya ako hahayaang masaktan.

Noong nawala ng isa kong kaklase ang sim card ko, nagalit talaga ako. Hindi ko habol yung amount nung sim card kasi pwede pa naman iyung mapalitan e. Pero yung laman nun? Yung mga message sa inbox? Itinago ko iyon kasi ganoon siya kahalaga sa akin. Kaya nga lang kinulang ako ng pagpapakita ng nararamdaman sa kanya. Hindi ko talaga alam ang gagawin nung nawala yung sim card. Naisip ko na lang sa huli na wala na talaga akong magagawa mangyari’y tapos na… nawala na at hindi na maibabalik pa. Hindi ko na nagawang sisihin pang muli ang may kasalanan sa pagkawala ng sim card ko. Ang akin lang ay mahalaga talaga sa akin ang inbox nun–nandun yung first text message niya sa akin, second, third, fourth at last. Gusto ko sanang matreasure yung mga text na yun kaso winala na at wala na akong magagawa.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin siya at hindi talaga siya mawaglit sa isip ko. Paano na lang kung makikita ko siya sa school? Ano naman? Siguro dapat, hindi na ako magtungo ng IR para hindi na ako masaktan. Pakiramdam ko kasi tuwing nakikita niya ako iniisip niyang pinipilit ko lang ang sarili ko sa kanya. Matindi pa dun ang pagiging asiwa niya sa kilos ko.

Lumalabo na ang mga mata ko… nagbabadya na ng pagtulog. Sana malinawan na ako bukas nang hindi na magkagulo pa. Kung babaliwalain niya lang ako, manapa’y susubukin kong balewalain din siya kung doon siya maligaya. Masakit man at patuloy man akong masaktan kung ganoon ang mangyayari, dapat ko iyong harapin kung iyon talaga ang pasya niya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: