Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Day 20: tae kami ni arvin

Posted by Paurong sa Martes, Hulyo 4, 2006

5:45 pm
Study Net, computer no. 30

Hindi ako maagang pumasok ngayon. Hindi na katulad noong mga nakaraang taon na maaga ako kung pumasok. Hindi ko man lang alam kanina kung ano ba ang first class namin kaya nagmamadali talaga akong pumasok kahit malapit nang mag-alas siyete kanina.

Filipino
Late si Gng. Herrera. Aba’y may Filipino pala ngayong araw! Magsisimula na sana kami ng lesson pero bigla na lang may sumulpot sa labas na mga mapuputing nilalang. Mga porendyer pala! Madami silang mga Amerikano. One of them invaded our room. His name is Phil. Saka ko lang napagtanto na mga parang missionaries sila. Matagal siyang nagdadada sa room; however, nakatulong naman kasi na-open yung eyes ng ilan about God. Nakakatuwa nga, eh. Kasi kagabi hindi ako nakapag-pray tapos kaninang umaga nahiya ako kay God… bigla ba namang naghatid ng regalo sa akin ngayong umaga. Ang cute talaga! Binasa namin yung dulang “Walang Sugat” ni Severino Reyes… na hindi ko naman pinakinggan kasi nag-uusap kami nina Mary Joy at Fame. Bigla ba namang nag-quiz. 1-5 nasagutan ko pero yung 6-10 (na kailangang ilahad ang mga pangyayari sa kwento) patay na! wala akong naisagot! Nakakainis talagang maging leader.

Recess
Napakawalang kwenta ng mga tinda dun sa tabi ng gym. Lalo na yung burger… pumapangit na ang lasa.

P.E.
Wala ba namang klase ngayong araw. Ewan ko nga kung bakit. Oks lang din naman kasi wala akong dalang P.E. uniform. Miss ko na nga yung mga practice ng sayaw namin. Siya nga pala, third place kami out of thirteen contestants na sumali dun sa 2nd Likhap Festival ng Araw ng Pasig last Sunday. Tapos, binalak ni Vin na bumisita… Samantala, nagtungo ako sa round table at doon marami kaming nagpulong. Wala lang! Kami-kami nung mga IV-2 na magpasahanggang ngayon ay wasla pa ring classroom (at teacher?) sa Journalism. Gumawa ako ng assignment sa English na pagkahaba-haba. Habang katabi ko si Maan, pinagtripan niyang tanggalin ang sandamakmak kong puting buhok. Madami talaga! Kulang na lang siguro maging career na ni Maan na magtanggal ng mga uban.

Religion Research
Isa na namang malamyang klase… Isang oras at ilang minuto ng pag-aaksaya ng oras. Pinaglinis kaming Group 2. Tapos, nagtanong na si Jagmis tungkol sa Investigatory Project (hereby known as IP). Proposal daw. Kulit nga e sabi ni Vin fire-proof matches daw. Ahihi! Wala pa rin akong natututunan sa klaseng ito… bukod sa mag-ayos ng room namin… palibhasa siya ang adviser.

Calculus
Aba! Late si Sir Pacheco. Naisip ko… kelan kaya papasok sa utak ko ang mga lesson sa Math? Hanggang ngayon wala pa rin akong natututunan na kahit na ano. Gusto ko naman talagang maging may alam man lang sa Math kaya lang ayaw talaga ng Math sa akin. In short, bobo talaga ako sa Math. Tanggap ko na yun at ayokong pilitin ang sarili ko sa isang bagay na hindi naman talaga para sa akin. Umidlip ako sa Math… ganun din naman ako nung third year pero buti pa noon kay Sir Garci may natututunan ako. Ngayon? Ewan. Kahit na natulog ako, sumagot pa rin ako ng boardwork… no. 3 pa nga un, eh!

Lunch
Natapos ko naman ang assignment ko sa English bago pa ako kumain ng lunch.

English
Todo bagsik ang malagim na pagsalakay ni Cyclops sa room! Naka-green siya ngayong araw, bitbit pa rin ang kung ano-anong abubot sa katawan at–take note–bagong gupit siya! Subject-verb agreement ang lesson namin ngayong araw. Ano ba naman yan? Kailangan pa bang ituro yun ng paulit-ulit. Peyborit si Arvin, laging tinatawag. Ako naman, pinapansin din ako, ano’t kilala na pala talaga ako! Flattered. Any other hands beside Jonell’s? Nakakagigil siya kanina pero masaya ako kasi bara siya nang bara at marami siyang point na nakukuha ko. Eto ang malupit! Inangat niya ang kanyang kamay at ipinasok ang hinliliit sa tenga at uy–uy–uy–nangati! Ang tagal niyang nanunule! Tuwang-tuwa siya sa ibon na kung tawagin ay mynah. I wonder kung meron siyang ganun at kung sakali mang meron e baka matinis din ang boses ng mala-lorong ibon na iyon kung meron man siya. Para talagang galit siya kay Mhadz kasi panay ang pagpapahiya (oops… ingat sa term) at panggigigil. Sa wakas, natapos din naman ang masalimuot na klaseng ito.

Advanced Chemistry
Ang discussion ay tungkol sa solutions (na lesson na namin noon sa Chemistry). Half ng attention ko ay sa harapan kung saan nagtuturo si Mrs. Hernandez pero nakikipagdaldalan naman ako kay Vin. Wala na daw si pep at tama nga ako sa nakita ko sa kanya about dun kay ano (aba wala pa nga pala kaming name for her). Nalaman kong nagja-jot din pala siya ng notes tungkol sa mga pangyayari ngayong araw. Wala na daw yung Akin Ka Na Lang at Much Has Been Said. Sarap talaga ng buhay kapag nasa bandang likod ka ng lab, hindi ka mapapansing nakikipagdaldalan. Solute… Solvent… Solution… Napag-usapan din naman si Homer.

Pabalik ng room, nag-uusap pa rin kami ni Vin hanggang malapit nang mag-TLE. Si Homer napag-usapan nga namin. Saka si ano. Lufet nung movie na napanood niya noong elementary pa siya. Yun yung tungkol sa magkaibigang bully at genius na gumawa ng isang “perfect crime”. Biglang dumating si Sir Guevarra, na naka-blue.

Computer Education
Nag-report ang Group 3 tungkol sa… guess what?… MS Excel! Jurors kami nina Vin at Khaye. Criteria: Motivation, Substantial Content, Flow of Instruction, Interactivity, Cooperativeness. Ano nga ba yung grade na ibinigay ko sa mga reporters? Nireport lang nila ang tungkol sa Editting at Formatting sa Excel. Dapat nagsimula sila sa pagdedefine ng MS Excel, hindi yung basta-basta lang. Lintik talagang klase ng paggre-grade! Natapos din naman.

Dun kami ni Vin sa may pintuan. Usap-usap. Kantahan. Pinaalala ni Pamela yung research/project sa Economics. Wala nga akong kopya nung mga names ng mga economists na pinapa-research, eh, pero ginawan ko si Vin, tapos sabi ko gawin niya na, kasi nga kahapon sabi niya gagawin niya yung output sa Filipino pero hindi naman siya nakagawa. Kulit talaga!

Lumabas na ako ng school.

Nagpa-xerox kami nina Arnold at Pamela sa BMS (ngayon lang ulit ako nakapasok matapos ang pagkahaba-habang panahon). Bumili kami ni Pamela ng ice cream sa Mini-Stop. Azar talaga kasi ang tangengok ni Pamela… naubusan tuloy ako ng hotdog. Gutom na gutom na talaga ako, eh!

Pumunta na akong Study Net… dapat magri-research pero nagsulat muna. Maya ko na gagawin yung project, saka magsusulat pa pala ako ng assignment para sa Eko bukas.

Mamaya ulit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: