Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

tuto

Posted by Paurong sa Martes, Hulyo 4, 2006

5:13 pm
Study Net, computer no. 9 (asar may tao sa 30)

Isang bagay lang! Kung hihiram kayo ng gamit kayo dapat mismo ang hihiram. Hindi dapat sinasabing “ihiram mo naman ako”. Paano kung mawala yung bagay na hiniram, sino ang dapat sisihin–yung humiram na hindi gumamit o yung gumamit ng hiniram?

Isa pang bagay! Hindi sa lahat ng oras dapat tawaging kuya ang mga taong nakatatanda sa iyo maliban na lang kung kuya mo talaga siya.
Naisip ko kagabi yung tungkol sa best friend. Tama yung mga sinasabi ng ibang tao na awkward ngang tanungin kung pwede bang maging best friend ang isang tao kasi nga ang totoo e nangyayari na lang iyon nang basta-basta.. yung tipong magugulat ka na lang na best friend pala ang turing niya sa iyo.
Tama si Vin, hindi laging kaibigan ang isang kaibigan. Lalo na sa sitwasyon ko.. at sa sitwasyon niya rin. Kung mayroon kang kaibigan dapat mo siyang pahalagahan. Hindi rin dapat iwanan sa ere ang isang kaibigan. Masakit mahulog nang nag-iisa. Minsan tuloy naiisip ko na may mga kaibigan na nandyan lang pag kailangan ka nila at kapag natulungan mo na silang makabangon sa pagkakadapa iiwan ka. Nakikita ka nga nila hindi ka pa papansinin. Masakit iyon lalo na kapag halata nang nagpapapansin ka sa kanila pero wala pa ring tugon maski ngiti. Mabuti pa nga ang hangin dinadama. Dapat ko na lang sigurong intindihin na may mga oras na hindi ako makikita ng besti ko dahil sa pagka-busy niya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: