Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Day 21: nalingat na ang kislap ng mga tala

Posted by Paurong sa Miyerkules, Hulyo 5, 2006

5:27 pm
Study Net, computer no. 46
buzz! minulat ko ang aking mga mata at napagtanto ko kaagad na nakatulog pala ako sa sofa. nakakainis pala kagabi kasi hindi ako nakagawa ng project ko sa ap. dire-diretso ako sa taas at kinuha ang tuwalya ko at sinugod ang kubeta para maligo. walang anu-ano pa man, nagbihis kaagad ako matapos kong maligo at kumaripas ng paglabas ng bahay para pumunta sa kanto at mag-research para sa project sa ap.

5:30 na nung nasa ingen ako. 30 minutes lang kasi babalik pa ako ng bahay para i-print. at imbis na unahin ang project na kailangan sa araw na iyon e binisita ko pa ang blog ni arvin para basahin ang post niya kagabi. nakapag-research naman ako at inilagay ko sa diskette. langya! pagbalik ko ng bahay, binuksan ko yung pc at tinignan yung laman ng diskette! kaazar! may topak si mabait na diskette! pero mabuti naman nakaraos din ako sa masalimuot na pagprint ng project ko na kinuha ko sa encarta. kainis talaga! late na late na ako! dumaan ako kina ate flor para bumili ng folder. e di nilapag ko muna yung dala kong plastic (nakalagay dun yung sapatos ko kasi p.e. namin ngayon). tumawid na ako. tapos tinawag ako… naiwan ko pala yung sapatos ko! babalik na sana ako ng biglang–dung!–nabangga ako (slight) ng bisikleta. nakakahiya talaga. bad trip na bad trip ang umaga ko.

unang beses itong nangyari. late ako sa first subject. hindi na katulad ng dati na pagkaaga-aga ko kung pumasok. nakakainis talaga. akala ko papapasukin ako sa room. nasa labas sina brian at alex. late din sila. at marami pang ibang late. mabuti na lang naipapasa ko naman yung project at notebook ko sa ap. nakakabwisit! sobra! dumaan nga pala sa harap ko si Alexandra (IV-11) at may ipinaabot na pera, ibigay ko daw kay Jeff, abuloy daw nila sa namatay na mommy ni Fraulein (IV-1).

umalis na si bubbles… tapos na ang ap. tae talaga itong si arvin. sabi ko inasikaso ko pa yung project ko sa ap. may binigay siyang sulatin na isinulat niya kaninang hatinggabi. kuwentuhan… kuwentuhan… bumili kaming dalawa ng cover shoes dun sa tindahan sa tabi ng gym. bumili si arvin ng 4 na chubby–yung isa ibinigay niya sa akin. sarap pala! nagpasama naman si mhadz sa amang hall para kunin yung pera niya sa kapatid niyang second year.

habang hinihintay na dumating ang susunod na teacher, lumapit sa’min ni arvin si abbie aba’y nagbebenta daw siya ng condo unit. hindi nga totoo. as usual, boring na naman ang religion class namin–este–research pala (weh? hindi nga?). hindi na naman ako nakinig. palibhasa naghahapit ako ng assignment sa physics. ang research subject namin? araw-araw iyan ng orientation. pinag-usapan lang namin ngayon yung tungkol sa IP. sa write-up team na naman napunta ang inyong lingkod nang hindi sinasadya.

pagkatapos ng research, nakita namin ni arvin si bff… dumadayo. tapos punta na kami sa lab. wala pa si buttercup. kumanta kami ng superproxy. biglang dumating na itong magaling naming teacher sa physics at hinandugan kami ng masigabong sermon na lumupasay sa aming mga rinding tainga. inis na inis sa amin kasi ang tagal naming nawala dahil sa mga practice para sa streetdance. eto yung nakakatuwa dyan. ang lesson kasi namin ay tungkol sa light, so itong si sir buttercup inutusan ang mga leader na puntahan si sir pascual (physics teacher namin last year) para humiram ng flashlight. bumalik na sa lab yung mga humiram at ang sabi nila sabi daw ni sir “can’t you see i’m busy?”… as in para tuloy silang nagtatarayan. everytime ngang nagkaklase kami sa lab dinig na dinig namin yung nakawiwindang na tinig ni mr. pascual. grabe ang lakas. so ayun nga lesson namin ngayon–“Mirrors and Lenses”. Habang nagdadadada si sir pajarillo sa harap may binigay na papel sa akin si arvin. nung binuksan ko, sketch pala yun ni sir pajarillo na iginuhit ni arvin. kulit nga, eh. maya-maya, lumabas kami kasi may activity. makailang minuto ang lumipas, balik kami sa lab at nagdadada na naman si sir. astig siya magturo. kakaiba! “Iba-ibang position, iba-ibang laki!” Ang kulit ng lesson namin tungkol sa mga salamin.
balik na naman sa room para iwanan ang gamit. pumunta na kami ni arvin sa gym. maglilinis lang naman daw ng dance room. naglinis ba ako? hala! dumating si kuya eric the dancer, yung magaling naming dance instructor… nali-link pala siya kay angela. pagkatapos linisin ang dance room, doon naman kami pumunta sa harap ng fencing room. napag-usapan yung tungkol sa kagalingan namin sa pagsayaw. naks naman! napag-usapan din yung tungkol sa pagkakadisgrasya ni rosella. pati nga si siya_ _ _, napag-usapan, eh! saka na daw maibibigay yung prize.
balik na naman kami ni arvin sa room. lunch na. ang tagal bago mag-english kasi maaga kaming na-dismiss sa p.e. hindi nga pala nagamit yung p.e. uniform. sayang tuloy yung eport ko. natatae si arvin… hehehe. ayun na namin kami, nagja-jock ng notes… sumalakay sina francesca (IV-1) at jean rose (IV-1) sa room namin at nagbenta ng pastilya. ako naman bumili.
huussshh… dumating na si cyclops. para ngang riot, ika nga ni arvin. brown ang tema ng magaling na english IV teacher. ayun na naman kami, pinag-aralan ang “SUBJECT-VERB AGREEMENT”. kakainis. kailangan pa ba yun. e common sense lang naman yun. recite dito, recite doon. nakakatakot talaga si cyclops.
natapos din naman, siyempre, ang english class. pumunta na kami ni arvin sa lab para sa advanced chemistry. hindi na naman ako nakinig. kuwentuhan lang kami. binasa ni mhadz yung mga jock-down notes ko. hanggang sa nag-grouping na.
balik na kami ni arvin sa room para naman sa tle. wala naman si mr bean… hindi na naman nagpakita sa klase. nagreport sila about MS Excel…
nakakabaliw.
hanggang sa wala nang klase nasa labas kami ni arvin at nandoon nga pala si siya_ _ _. ang kulit talaga. tapos naantala pa yung pagpunta namin sa study net kasi ang bagal-bagal kumilos ni fatima. kasama kasi dapat siya sa amin. ang tagal talaga! dumaan muna kami sa presby at doon ko nakita si rhea. kaselos-selos nga. sa study net… wala lang. time na kami ni arvin. ipa-publish ko na itong post na ito.

Isang Tugon to “Day 21: nalingat na ang kislap ng mga tala”

  1. tala said

    ehem..nais ko lang malaman mo na ginamit mo ang pangalan ko sa pagbigay ng title ng blog mo. anyway,nice post.ganun talaga pag hindi mo kilala yung characters,parang story.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: