Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Day 22: sa alatiit ng kawayan lumambong ang tinig

Posted by Paurong sa Biyernes, Hulyo 7, 2006

6:27 pm
Study Net, computer no. 52

Mismong pagdating ko sa room, nagbihis na ako ng p.e. uniform for our first class habang si arvin gumagawa ng visual aid. pumunta na kami sa gym. umuulan buti na lang may payong kami. sumukob sa’ming dalawa sina jose at quints. grabe! pagkakita ko sa kabilang bleacher nandun pala sila homer! nagkaroon ng reporting tungkol sa physical fitness test. nakakatamad. patingin-tingin naman ako sa kabilang bleacher… bakit ba kailangang magkasabay ang mga klase namin? pagkatapos ng p.e., bumili si arvin ng cream-o, bumili naman ako ng iced tea.

nag-reporting din sa filipino… tungkol naman sa akdang “Walang Sugat” ni severino reyes. parang ewan si arvin… nag-ala vic sotto sa bulagaan nila. nakakabwisit kasi hindi nila ako pinagsalita. mga gahaman. mga ganid. mga walang pakundangan. walang kwenta.

bago pumunta ng lab, bumili kami ni arvin ng mango juice sa canteen sa sedp. late na sa physics kasi late tinapos ang klase namin sa p.e. “domino effect” ika nga ni sir paja. pinalipat si arvin ng upuan. malapit na siya sa seat ko. nagkaroon kami ng activity using mirrors.

nakakatamad pa rin ang math. oo, kailan ba hindi. ayun, inantok na naman ako. gusto ko nang katulugan si sir pache… biglang nag-quiz. hala! hindi ko alam yung lesson. one out of four lang tuloy ako. bobo talaga ako sa math.

nag-lunch ako.

after ng lunch? ano pa ba? english na naman. nag-activity… napunta sa’min ang tungkol sa pacquiao vs. larios fight last sunday. ni wala nga akong idea tungkol dun e. hindi ko napanood yung laban sa tv kasi nga nasa kalsada kami noong sunday at nangagsasasayaw. pagkatapos, nag-unit test. 50 items bali. tungkol iyon sa subject-verb agreement. kailangan pa bang pag-aralan yun?

matapos ang nakakagigil na english, naging mukmukin na ako, samantalang si arvin gumagawa ng mga video sa cellphone ni pamela. lufet talaga! sayang wala ako nung mga panahon na iyon. nasaan nga ba ako?

alam ko namang wala kaming journalism class… at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan ba ako dapat–filipino journalism o english journalism? o dili kaya’y dapat na ako sa enriched mathematics? pinag-iisapan ko na, eh. kaya lang sabi nga ni fatima, hindi na daw ako makahahabol. ang buong IV-3 ay nagdiwang sapagkat walang journalism at enriched math na klase. ginunita ko ang mga bagay-bagay na may kaugnayan kay homer. di naglao’y napag-isipan kong pumunta sa ir… pero sabi ko huwag na lang. wala namang mangyayari. gusto kong makipagkwentuhan kay mrs. merino kaya lang ayokong pumunta sa gusaling iyon. binalak ko ding magtungo sa silid-aklatan upang hanapin si mrs. rodriguez at makipagkwentuhan… kaya lang, naisip ko na naman na doon nagdyo-journalism class si homer ng ganung oras. nagmukmok ako. pumunta ako sa library–wala si mrs. rodriguez. pumunta din ako sa ir–kausap ni mrs. merino ang mga co-teachers niya. nung pabalik na ako sa ir nawindang ako… nakasalubong ko si homer kasama sina peco at graziela (bakit wala si hera?). may sinesenyas sila sa room yata nila. tapos pumasok sila sa oval… naupo sila sa bleacher. mukhang hindi nila ako napansin.

pumunta na kami ni arvin sa dance room. kwentuhan. kulitan. usapan tungkol dun sa mga video with special effects. hanggang sa pinanood na namin yung video ng pep at yung sayaw namin. nakakatawa talaga. pero in fairness, ang cute ng sayaw namin. ang sayang makatapos ng sayaw! nakakatuwa din yung lumipad na tsinelas. harharhar! pagkatapos mapanood yung video, pinagpiyestahan naman namin yung mga pictures. zoom in, zoom in, zoom in. ang lalaki ng mga mukha nila at sobrang nakakatawa ang mga hitsura (buti na lang wala ako dun). tawa kami ng tawa ni arvin. maya-maya, hinati-hati na yung premyo. wala pa kami ni arvin. wala akong kagrupo; siya naman, wala pang bayad dun sa mga nakaraang bayarin.

ang lakas talaga ng loob ni arvin. huling-huli na nga kaming naiwan dun wala pa rin siyang imik kay siya_ _ _. tapos lumabas na kami ng school. inaantok na daw siya kaya uuwi na siya. ako naman, kasama ko sina fatima, jeff, lee, carmela, at monica sa study net.

nakakabagot ang araw na ito, ani nga ni arvin. tama nga naman!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: