Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Day 23 – ibsan ng ngiti ang pagpuyos ng damdamin

Posted by Paurong sa Biyernes, Hulyo 7, 2006

10:54 pm
pc

maaga akong gumising… maaga nga pala talaga kasi 3:30 ako bumangon para hindi ma-late. pangwala ng antok ko ang pag-type ng sulat ni arvin. nagsulat din pala ako ng isang post. wala pang alas-sais, nasa eskwelahan na ako. pero siyempre bago ako pumasok bumili muna ako ng panibagong ballpen dahil nga sa pagkakawala kahapon ng apat na ballpen na ginagamit ko.
sa room, sinimulan kong gawin ang assignment sa ap. pumunta ako sa ir tapos bumalik ako sa room… wala naman kasing gagawin sa ir. natanaw ko si hera kaya pinuntahan ko siya para makasabay. habang nasa daan, nagpa-fill up sa akin ng information yaong isa niyang kaklase… ginawa na rin namin iyon last year sa tle. wala naman si homer sa ir kaya bumalik na lang ako ng room. 7 o’clock na non kaya sigurado na akong late siya. nung sumilip ako sa bintana, may nakita akong batang babae na may pink at black na bag. lumabas ako ng room at hinanap siya. medyo mabagal siyang naglalakad kaya tinulak ko. nabigla siya. nagulat ako sa reaksyon niya. “bilisan mo late ka na,” sabi ko. nagmadali siya pero para talaga siyang hindi nagmadali. bumalik na ako ng room.

ang report sa ap ay tungkol sa lakas paggawa. naipasa ko ang notebook ko kasi may assignment ako! nakinig naman ako sa mga sinabi ni sir balitao. lumapit si arvin at ipinabasa ang blogbook niya.

sa ep, nagdaldalan lang kami ni mhadz habang nagrereport sila about araw ng paglikha. maya-maya bigla ba namang nag-quiz… naka-21 lang tuloy ako.

alis na sana kami ni arvin papuntang physics kaya lang sabi nila sa room daw. naglakad-lakad muna ako at nakasalubong ko si ma’am bachicha. sa III-4 daw siya. sabi ko sabihin sa bff ni homer na “hi, sabi ni paurong”. ang kulit talaga ni ma’am… ang bait-bait sa akin.

medyo late na si sir pajarillo. astig na naman ang shirt… blue this time, tulad ng mga blogbook namin ni arvin. ang lesson ay tungkol sa reflection. nagkaroon kami ng activity using spherical mirrors. bumili nga pala si mhadz ng pansit sa canteen. binigyan niya ako. nakakainis si fame kasi ginusot niya ng kaunti yung isang page ng blogbook ko…pero hindi naman obvious kasi maliit lang yung gusot.

ang sarap ng walang math! binigyan ko ng lunch ko si mhadz. humingi ako ng tubig kay mary joy pero pina-refill ko pa rin yaon sa tindahan by the gym. binigyan ko din ng refill si mary joy. nag-cr kami ni mhadz sa first floor ng main building (doon sa kabilang phase)… unang pagkakataon ko! nakakabagot. nagvideo-making pa rin si arvin. bakit ba walang math? naalala ko tuloy yung sabi ng isang tao: “huwag kaibiganin si jonell”. sinulat ko sa blackboard para kahit papaano mataam ang lintik na babaeng yan. pumunta muna ako sa ir… wala naman si homer. pagbalik ko ng room dumating si ate elma at nag-share ng words of God. sayang nga kasi bigla akong sinama dun sa sampung IV-3 na kasama sa boy scout meeting.

pumunta na kami sa may tapat ng fencing room. nakita ko ang III-1… nanlibre si jian ng 2 chubby at 1 choco fudge. ngayon lang ulit ako nakakain ng choco fudge na peyborit naming lahat noong third year. napag-usapan namin nina arvin ang tungkol sa magic. kung anu-ano talaga! hanggang sa humantong kami sa bleacher na katapat ng stage ng gym. mr. virgilio cruz ang pangalan nung teacher na humawak sa amin. parang tanga si maxwell nung nagtaas siya ng kamay at nagtanong ng “sir, ano po yung badger?”. dada dito, dada doon, hindi na humupa yung bibig ng mr. cruz na iyon. nagkaroon ng election of officers. napag-tripan namin si ervin (well, actually sila yung nag-initiate ng trip) na ibotong president. grabe yung mukha ni ervin nung nasa harap siya at animo’y inis na inis na sa loob niya. maagang natapos yung meeting kasi gagamiting para sa first friday mass ang gym by 2 pm.

pumunta kami ni arvin sa science building. dumaan kami sa first floor tapos pumanhik ng hagdan at pagkakita namin sa room ni mr. pascual narinig namin ang isang malakas na tinig… “captain… barbell!”… hindi joke lang yun. ang totoo niyan e nakita namin si sir pascual na gumagawa ng isang bagay na hindi namin akalain gagawin niya. siguro sikreto niya iyon pero sige na nga sasabihin na namin… nakahubad ang polo ni sir at nakasando lang… nagulat kami ng nakita namin na nagbubuhat siya ng pagkabigat-bigat na barbell. hindi kami makapaniwala sa nakita namin. malamang hindi maniwala ang mga sinabihan o sasabihan namin pero yaon naman talaga ang totoo.

nag-cr kami ni arvin sa first floor ng main building (doon sa kabilang phase). pagkatapos, pumunta kami sa ir. tumambay kami sa tapat ng III-1. english nila at siyempre nandoon si mrs. merino. nagbalak kami tungkol sa nalalapit na “perfect crime”. ahihi! nabanggit niya sa akin na gaguhan siya kapag nakikipag-usap nang pormal kaya dapat mag-ingat. hindi niya inaalala ang pag-uusapan kundi ang oras niya. madami daw siyang ginagawa kaya wala siyang time minsan para makipag-usap lalo na sa mga bata. tambay. dumating si sir reyes. aba! updated sa mga nangyayari!

“si jonell parati na lang nandito,” sabi ni sir.

“dito naman po kami galing, eh,” sagot ni arvin.

“bakit ka ba parating nandito, ha?” insist ni sir.

“bumibisita po sa mga teacher,” depensa ni arvin.

“teacher ba? bata naman ang pinupuntahan mo dito, eh!”

ang galing naman nun! parang alam na alam ni sir ang tungkol sa bata… tapos tinanong ni sir kung anong section na kami. nakakagulat na alam ni sir na palagi kaming absent noong third year at pareho kaming valedictorian. si arvin galing sa pinagbuhatan samantalang ako galing sa san miguel. four years ago kasi e siya ang teacher namin sa math. kaya lang naman siya napuntang third year ngayon ay dahil sa pag-alis ni sir garcia na teacher namin sa math last year patungong indonesia.

naalala namin yung perang share namin sa premyong nakuha sa streetdance. hindi pa kasi nakapagbayad si arvin kahapon ng dapat bayaran kaya hindi niya nakuha yung pera. ako din hindi ko nakuha pero hindi ganon ang dahilan. nagmukha tuloy sinusundan namin ang mga III-1 kasi enriched course na nila that time. pupuntahan sana namin si angela sa avr. twenty classmates namin kasi ang pinapunta sa film showing sa avr pertaining to reproductive health…or for a better way of distinction, called sex education. hinanap namin si angela habang nakasilip sa pinto pero hindi naman namin nagawang tawagin o pumasok man sa loob dahil wala kaming shoe cover. kainis talaga yang 400 pesos na iyan. ginulo niyan ang buhay namin ni arvin. bumalik kami sa room tapos sumama na si mhadz papunta sa fencing room. nakakaasar kasi wala doon si ma’am columbres. sabi ni ma’am lising umalis na daw kasi may klase siya sa arellano ngayon. azar! binalak na lang ni arvin na kunin muna kay angela yung 85 na binayad niya kanina. 100 kasi ang pera niya pagpasok. 15 ang pamasahe niya at 85 na lang ang natira. in short, wala na siyang pera. at naunsiyami na naman ang pesteng 400 pesos na yan!

sinilip ko mula sa first floor ang computer room ni ma’am cabalquinto. anong oras na ba, naisip ko. pagkakita ko, palabas na ang mga estudyante niya… therefore, pabalik na ng ir ang mga III-2. agad kaming nagmadali ni arvin sa pagpunta ng ir. tumambay na naman kami and that time nasa tapat kami ni room ng III-2. nakita kami ni homer! maya-maya in-ask namin yung teacher nila sa values kung pwede ba siyang makausap. sandali lang daw. after mga 5 minutes ng paghihintay, lumabas si homer! pangiti-ngiti habang takip ng panyo ang bibig. lumakad kami ni arvin papunta sa may guidance room para doon kami. nauna ako kasi aayusin ko ang sintas ng sapatos ko. eto namang si homer bumalik sa loob ng room! ano kaya yun! nagulat talaga kami ni arvin. parang bangag ang bata! bakit siya pumasok sa loob, tanong namin sa isa’t isa. wala na kaming nagawa. hinayaan na lang namin siya.

pagbalik sa may room… nandun siya_ _ _. siyempre masaya si arvin! as in! wow nga daw, eh! ikinuwento niya sa akin ang “sassy girl”. grabe pala! kung titignan mong maigi masarap pala talaga yung feeling na kayo talaga ang bagay para sa isa’t isa.

iniwanan ko muna silang dalawa. sabi ko kay arvin uwi muna ako kasi sabi ng aking lola kaninang umaga, dumaan muna ako sa bahay para malabhan ang uniform ko. nagbihis ako pagkauwi at bumalik na sa may school. dumaan muna ako ng presby upang malaman kung nandoon na ba si arvin. sabi ni charlon nasa school pa daw kasama daw yung girl. naghintay ako sa labas ng school at nakailang ulit ako sa pagsagot s mga tanong na “bakit ka naka-civilian?” at “may pinopormahan ka ba?”. nakita ko si hera at binanggit niya sa akin ang pagpasok ni homer kanina pabalik ng room nila. so ang may kasalanan pa pala e kami ni arvin kasi umalis daw kami. ano kaya yun?! sumabay na ako pagpasok sa campus kasama si hera. mabuti pinapasok ako! busy pa rin si arvin dahil nandoon siya_ _ _.

pumunta ako sa ir at nakita ko si homer na nagdedesign ng chair niya. narinig ko naman si peco na nagsabing nasa labas ako pero wala lang talaga kay homer. nakakainis. hintay ako doon ng hintay kaya umalis na lang ako. hindi kasi namansin… bwisit!

pagbalik ko sa may room, masaya talaga si arvin… ikinuha niya ako ng clear book para sa filipino. papuntang presby, kasama namin siya_ _ _… pero nagpahuli kami kasi kinuwento pa niya sa akin yung mga nangyari habang wala ako. sa wakas nagkaroon na siya ng lakas ng loob kahit papaano.

the da vinci code ang pinag-usapan sa fellowship. nakakainis kasi wala doon si homer. napansin kong madami na palang nadagdag… samantalang ako na kasabayan ng iba ay biglang humiwalay at lubusang nalayo nang hindi sinasadya. ngayon lang ulit ako nakabalik sa presby at masasabi kong masaya na naman ako kasi bumalik na ako. yaon ang hindi ko kaya noon na ma-overcome… yung pagbabalik sa presby. masyado na kasing matagal simula noong nawala ako. at maraming beses talaga akong nawala sa mga fellowship at maging sa care group. gusto ko nang bumalik sa kanila at gusto kong maging masaya ulit. kagaya ng dati. nauna na ako kay arvin na umalis pagkatapos ng fellowship.

sinamahan ako ni joan sa study net. 30 minutes lang ako. nagkuwentuhan kami ni joan at kapansin-pansin talaga na masyadong lumawig ang gap between the two of us dahil lang sa pagkakalipat ko sa section 3. pero okay na rin naman ngayon kasi hindi na masyadong ilangan.

umuwi ako na sobra ang saya dahil sa pagbabalik ko sa presby. sana tuluy-tuloy na at sana makabalik na ako sa Kanya. masyado ko na yata Siyang naisilid sa isang kahon. mabuksan na ang kahon.

oo, masaya na. kaya lang nagkaroon ng katapusan sa dulo. nagkaroon ng tuldok. at ang tuldok na iyon ay mananatiling tuldok hanggang sa patuloy pa rin ang kasakitan, kahirapan, at kasaklapan ng buhay ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: