Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

dear homer – arvin

Posted by Paurong sa Biyernes, Hulyo 7, 2006

12:45 na sa orasan ko. kauuwi ko alng galing shop at katatapos ko lang magprepare para bukas. kanina, hindi mawala sa isip ko yung nangyayari. kahit sabihin kong mabilis akong maka-move on, iba pa rin. para bang ilang pa ko sa mga kilos ko. at saka iniisip ko na hindi matatapos lahat kung di ko titigilan ang mga kabaliwan ko sa blog (na sinasama ko pa siya). pati na rin siya alam ko mas mahihirapan lang siya kung gaya niya rin ako. pati si jonell. gulung-gulo na rin. tama ba naman kasing komplikado pa ang mga bagay. sinasabi niya bagong chapter na raw ng buhay niya pero bakit parang walang nagbabago? tuloy pa rin . ako kaya ko. sa isang iglap, ayos na lahat. sana lang matahimik na ang mundo ko. pati na rin kay jonell. nag-eenjoy lang talaga kami sa buhay pagba-blog. simulan na ang dapat simulan dahil tinapos na ang mga dapat tapusin. masaya na rin naman ako kahit paano dahil sa isang tao. same old lines na nga pero wala akong magagawa, ganito na talaga ako. si siya_ _ _. natutuwa ako sa kaniya. gusto kong mapalapit sa kaniya. pero iniisip ko siya. baka kung ano na naman ang sabihin nila. wala bang karapatang umibig nang tahimik ang isang arvin jay f. manalo? sinabi ko na nga, sawa na ako sa mga ganyan, sa totoo lang. eh paano kaya kung sa kanila ko gawin ang mga ito? makakaya kaya nila? hindi siguro. o baka naman hindi ko magagawa sa kanila ang ganoon kasi ayokong bumalik iyo sa akin at sa minamahal ko. sinabi ko sa sarili ko, “gusto ko, yung bawat next relationship na nae-encounter ko ay better than the previous ones.” ang nakalipas ay nakalipas na. wala tayong mapipiling harapin kundi ang kasalukuyan. kaya nga tinapos na eh. at isa pa, “kung di ka satisfied sa present, seek for another better.” tama naman ako, hindi ba? piliin na natin ang mas makapagpapasaya sa atin. magpaka-praktikal lang tayo. tao lang kasi tayo. maraming pangangailangan at marami ring tao ang nasa paligid natin na walang ipinagkaiba sa atin. competition nga ang buhay. kung di ka matatag, maaapak-apakan ka lang at ‘if it doesn’t kill you, it makes you stronger’. let’s just prove to ourselves kung anong kaya nating gawin. humanap tayo ng paraan. iyon lang ang pwede nating gawin. kasunod ay kilos at gawa.

all things happen for a reason.

kung hindi talaga para sa atin ang isang bagay, maging handa tayo sa pagdating ng oras na maisasakatuparan ang katapusan.

– 1:15 am

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: