Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

dear homer – jonell

Posted by Paurong sa Biyernes, Hulyo 7, 2006

4:16 am
pc

wala lang ako sa iyo. bakit ko ba kailangang ipagsiksikan ang sarili ko? nasasaktan lang ako. maging ikaw, alam ko, nahihirapan din dahil sa kapangahasan ko. kagabi, alas-nuebe na naman, inangat ko ang telepono at tinawagan kita. hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyari. ayaw ko munang magpakita sa iyo o makausap ka man lang kasi nahihirapan lang ako sa tuwing nakikita kita. naaalala ko lang ang mga pangyayari. pero bakit nagawa kong tumawag at kausapin ka? hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob upang makausap ka. isang oras tayong nag-usap bago ipababa sa iyo ang telepono. pagkababa ko, hindi ko napigilang umiyak. sabihin mo nang madrama ako… lahat naman ng kilos ko itinuturing mong kadramahan, eh. umiyak ako kasi nahihirapan na ako sa sitwasyon. ano pa ba ang gusto mo mula kay arvin? sabi mo nga, nais mong harapan niyang sabihin sa iyo. ang alin naman? hindi pa rin ba malinaw ang lahat o sadyang ayaw mo lang na mawala siya sa landas mo? tama naman ako, hindi ba? alam ko mahal na mahal mo siya. doon pa lang hirap na ako kasi hindi kita maintindihan kung bakit ka ganyan. makabubuti nang tigilan mo si arvin. gusto niya ng pagbabago. at tinutulungan ko siya sa bagay na iyon. nasaktan ka na, di ba, pero patuloy ka pa rin. pagbabago? nasaan na ang pagbabagong sinasabi mo? panibagong kabanata ng buhay mo? marahil dahil sa nagsasalamin ka na ngayon at yung isang bag na ang gamit mo. pero nasaan na ba talaga yung pagbabago? alam namin mahirap para sa iyo na makasulong pero dapat mo ring isaalang-alang ang bawat sitwasyong kinalalagyan mo. ganoon din naman ang ginagawa namin ni arvin. masaya kami sa mga ginagawa namin at patuloy naming hinahangad na maging masaya. hayaan mo na siya kung may minamahal na siya ngayon. masaklap talaga ang buhay namin at alam kong mas masaklap ang sa iyo dahil sa pagdating ko sa buhay mo. parang kabuteng sumulpot ang isang jonell b. estillore sa buhay mo. nahihirapan na ako. pati si arvin ilang pa rin sa sitwasyon. sana alam mo na sa sarili mo na siya na ang bahala sa sarili niya. mabuti nang hayaan mo na siya. masasaktan ka pang lalo kung magpapatuloy ka. alam mo naman ang sinasabi ko, diba? alam mo na yan ayaw mo lang talagang tanggapin sa sarili mo… kasi nga naman ayaw mong mawala si arvin. sa isa pang ulit, makabubuti talagang hayaan mo na siya. gawin mo ang gusto mo at gagawin niya ang gusto niyang gawin. tinapos niya na ang mga dapat tapusin at sumusuong na siya sa isang panimula. ayaw kong masaktan ka. ayaw kong masaktan si arvin. at ayaw kong masaktan ang sarili ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: