Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

sa isang kisapmata aayon ang tunay na pagkamulat

Posted by Paurong sa Sabado, Hulyo 8, 2006

8:18 pm
laptop

late ako sa usapan namin ni arvin na pumasok sa school ng 7 o’clock. pagkarating ko sa may school, nakita ko sina arvin, kathleya, francis, jose at ang may birthday ngayon na si arnold sa labas ng mini-stop. binati ko si arnold, siyempre. dalawang oras lang daw ang tulog ni arvin. pumunta kami sa grocery tapos pumasok na sa campus. kaya kami nasa school kasi merong upcat review.

doon kami sa room ng IV-3 (room namin). nasa unahan kami ni arvin, sa likod namin sina khaye at jose, samantalang si quints napunta kung saan-saan. nasa room naman ng IV-2 si arnold.

tungkol sa cells ang pinag-aralan namin sa biology. si ms. cruz ang teacher… familiar na siya sa akin kasi madalas ko na siyang makita. nagbigay siya ng pre-test sa amin. 23 ako, 26 si arvin. sa bawat item na tinalakay, sinigurado kong mag-jot ng notes para sa ikabubuti ko. ganun din ang ginawa ni arvin.

sumunod na subject ang english. familiar din ang teacher namin na si ma’am gotengco. siya ang adviser ng creative writing club. masaya ang klase namin kasi kakaiba siya. kung pwede nga lang na palitan niya si ma’am aniana… lesson namin ang grammar analogy ata yun. ewan ko. hindi ko naman sinulat lahat ng naka-post sa blackboard kasi simple lang iyon para sa akin.

nung lunch time na, hindi namin alam kung saan kami kakain. nakita nga pala namin si tresa (IV-1)… siya yung ipinadala sa america last year. nagpakilala kami sa kanya. Sama-sama kaming nag-lunch nina arvin, arnold, khaye, quints at jose doon sa convenient store malapit sa 7-11. nagkaayaan na manood ng sine. walang kaming pera ni jose pero sa huli nagawan naman ng paraan. yun na yun!

nanood kami ng superman. wala akong masabi sa effects… pero actually nakakasawa na ang puro ganun. nakaidlip nga kami ng kaunti ni arvin, eh! bali ang arrangement pala namin mula sa kaliwa ay si jose (na sobrang nilamig… nanghiram ng jacket at pangkumot sa nanlalamig niyang katawan… take note, naka-tsinelas lang siya!), quints (na naging busy sa pagtetext), si arvin (na busy din sa katetext at kahihintay ng mga text ni siya_ _ _), ako (na nangangatog sa ginaw), si khaye (na matakaw sa popcorn) at si arnold (na nasa pinakadulo). masaya naman ang panonood namin.

sa bandang huli dapat magpapasama si arvin na magpapicture sa may tapat ng presby… e kayamot naman, oh! may dumating na kaibigan itong si arvin kaya nag-study net na lang ako sa loob ng 15 minutes.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: