Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Day 24 – ang panaghoy ng sigwang bumalot sa ulap

Posted by Paurong sa Lunes, Hulyo 10, 2006

6:03 pm
study net, computer no. 46

ginising ako ni khaye over the phone dahil wala akong kasama sa bahay naman ngayong araw. pumunta ng bicol ang lola ko kaya ako lang ang tao sa bahay. oo nga, ginising ako para kumilos ng maaga pero bumagsak pa rin ako sa sofang kinatulugan ko na. pagkamulat ng aking mga mata, dagli kong tinanaw ang orasan at napagtantong alas sais na. nagmadali akong kumilos at hindi na nagawang kumain pa ng almusal.

nag-quiz sa ap. aba! naka-10 out of 10 ako! kapagdaka’y minadali kong gawin ang assignment sa ap na tungkol sa kapital na naipasa ko naman bago umalis si mr. balitao.

wala akong prinoblema sa filipino sapagkat nabasa ko naman ang pinababasang akda. pinag-usapan namin ang tungkol sa kulam. maya-maya, nag-grouping para sa mga akdang “Ang Baliw sa Bubong” at “Isang Gabi sa Buhay ni Armando Castro” (tama ba yung title?). Kagaya ng dati, amin pa rin ang pagsusuring pangnilalaman.

bumili kami ng burger nina arvin at khaye sa may sedp. sobra sa tagal! si arvin na nga ang nagluto, eh!

nag-activity na naman kami sa physics. light… light… light… gumawa si arvin ng logo na may nakalagay na vin y jonell domination.

bago bumalik sa room, pumunta kami sa canteen sa sedp. bumili muna kami ni arvin ng mango juice; iced tea ang binili ni khaye.

ayos naman ang math ngayon kasi may achievement ako… sumagot ako ng item number six sa assignment na hindi ko naman ginawa. ehehe… pero at least nakasagot ako. the great na naman daw ako sabi ni dia.

sinamahan ako ni mhadz na bumili ng lunch sa canteen sa sedp. bumili din siya ng itlog. matapos kong kumain, bigla na lang kumalat ang tungkol sa masalimuot at karimarimarim kong nakaraan tungkol sa aking pamilya.

matagal bago dumating ang reyna aniana. para ewan ang mga kaklase ko nang inurong nila ang oras sa orasan. ako naman nakaupo lang. nangangatog na nga sa kaba. ewan ko ba pero sa totoo lang hindi naman ako natatakot kay reyna aniana. magaling siya at nauunawaan ko ang mga pambabara niya. nakakatuliro yung ae sound. tapos, nagreport na si felis about term paper. nakakatakot ang mga tanong ni reyna aniana pero nasiyahan talaga ako. sana ako na lang ang nasa harap na nagrereport nung sandaling yaon. nag-overtime sa english! nakakainis pero ganoon talaga.

nag-activity kami sa advanced chem about freezing point. nakipagkulitan lang ako kay ghelwin. at dahil nga sa nag-overtime sa english, naapektuhan ang adchem kaya late kaming natapos.

hindi naman masyadong galit si sir guevarra ngayong araw. hindi ako nagreport kahit isa ako sa mga reporter. ayun! parang ako lang ang nakakaintindi sa mga sinasabi ni sir. e, pagkasimple naman ng mga sinasabi niya!

sa wakas, natanggap ko na ang pera. noong palabas ako ng campus para ipapalit yung 1000 bill, nakasalubong ko si homer, siyempre umiwas ako. sa labas, habang nagpapapalit ako, nakita ko sina hera at ila. nakakagulat yung sinabi ni ila, and at the same time, nakakawindang ng utak. sabi niya, may kumakalat na tsismis na nanliligaw daw ako kay homer at–eto pa–alam daw ni ma’am shei! ano na lang ang sasabihin ni ma’am? at sino naman ang nagkakalat ng mga ganyang bagay. buhay nga naman!

nasa dance room si arvin kanina at nag-audition para sa folk dance. siyempre nandoon siya_ _ _. iniisip ko nga kung sasali ba ako. nayamot ako sa kahihintay. bumili muna ako ng hotdog sa mini stop. bumili rin ako ng isa para kay arvin. pagbalik ko sa may dance room, nabagot na ako! pinaabot ko na lang yung hotdog kay arriane (spelling?) at pinasabing pumunta na lang siya sa study net.

maayos na sana nang biglang nasa study net pala si homer.

sa ngayon, hinihintay ko pa ang taeng arvin na yan. nasa akin pa ang nokbuk at ang pera niya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: