Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

kunwari hindi na lang ako nag-eexist para masaya ka na

Posted by Paurong sa Miyerkules, Hulyo 12, 2006

9:10 pm
pc

masakit na talaga. hirap na hirap na ako dahil sa kasaklapan nating dalawa. sabihin mo nang madrama ako pero ganito lang talaga ako. mahirap kasing mag-isa. hindi mo kasi alam ang ganoong pakiramdam. hindi mo kasi alam yung nararamdaman ko. alam mo, kahit na sinasabi kong lalayo na ako sa iyo, hindi ko pa rin magawa. kahit anong gawin kong paglimot ikaw pa rin ang pumapasok sa isip ko. mabilis ba? ano ba ang pamantayan ng tunay na damdamin ng puso?

sa tuwing nakikita kita, hindi ko mapigilang mapangiti. pinasasaya mo ako kahit sinasaktan mo ako. bakit ko nga naman kasi ipinipilit ang sarili ko sa iyo? hindi nga ako, di ba? ayokong umasa pero umaasa pa rin ako na mapapansin mo na ako. gusto lang naman kitang alagaan. gusto kong ialay sa iyo ang lahat ng pwede kong gawin para sa iyo. hindi naman ako katulad ng iba pero ipinipilit mo pa rin sa sarili mo na baka masaktan ka ulit.

tama na nga itong kahibangan ko sa iyo. masisira na ang ulo ko kaiisip sa iyo. hindi mo naman ako gusto at kahit kailan siguro hindi mo ako mapapahalagaan. tama na. masakit na. sobrang sakit na. masakit talaga.

gusto ko lang namang maging masaya kasama ka. gusto kitang makasama. gusto ko. oo na, gusto na kita at kung alam mo lang, baliw na baliw ako sa iyo. hindi ka naman manhid pero hindi mo ako maramda-ramdaman. nahihirapan na ako.

isa akong malaking panggulo sa buhay mo. hayaan mo, ilang buwan na lang naman ako sa rizal high… aalis din naman ako at kapag wala na ako malamang magiging masayang-masaya ka na. kung pwede nga lang lumipat ng eskwelahang pinapasukan ginawa ko na. kaso, hindi na pwede. hindi sana kita ginulo. hindi sana ako sumingit.

hayaan mo, pagsisikapan ko na lang na alisin ka na sa puso ko. alam ko mahirap gawin pero kung yaon ang ikalulugod mo gagawin ko. kung sasaya ka kapag wala na ako sa buhay mo, buburahin ko na lang ang sarili ko sa paningin mo.

maraming salamat dahil sa maikling panahon, nakilala kita. hindi ko maitangging nahulog na ako sa iyo. kaya lang, hindi mo ako sinalo… masakit ang pagkakahulog ko. sana maging masaya ka na sa kanya. siya ang pinili mo kaya’t wala akong magagawa sa pasya mo.

pero sa isang banda, paano na ako gagalaw ng hindi ikaw ang nagbibigay ng lakas na mga ginagawa ko. ikaw kasi yung nagpapangiti sa akin. magmukha man akong tanga ayos lang sa akin basta nandiyan ka.

sana hindi na lang ako pumasok sa buhay mo… nagulo lang kita. isipin mo na lang na hindi ako nag-eexist para masaya. o diba?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: