Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

10:00 pm pc ang hirap namang mag-isa. heto ako ng…

Posted by Paurong sa Huwebes, Hulyo 13, 2006

10:00 pm
pc

ang hirap namang mag-isa. heto ako ngayon, nakatulala. hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong gawin para sumaya man lang habang mag-isa ako dito sa bahay. wala akong kasama kaya hindi ko maramdaman ang sarili ko. para akong nasa kulungan, kung alam niyo lang. masarap sanang mayroon akong kasama sa bahay kaya lang wala. heto ako ngayon, pinipilit ibuhos ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagsulat, kahit na sinasabi kong hindi ako marunong maglabas ng saloobin. mag-isa lang ako kaya malungkot. gusto ko sana iyong kalagayang mayroon akong makakausap, mayroon akong makakasama… yung ganun ba. masarap siguro ang ganoong pakiramdam. naiinggit nga ako sa mga magkakapamilyang nasa ilalim ng iisang bubong. kahit na minsan mayroong pag-aaway sa kanila, masaya pa rin sila dahil magkakasama sila. kung parati kayong magkakasama sa bahay, hindi niyo siguro maiintindihan ang sinasabi ko ngayon. mahirap kasi talagang mag-isa ka lang. kahit na nga nandito ang lola ko, malungkot pa rin kasi matanda na siya at malimit kaming hindi magkaunawaan dahil na rin sa malayo ang aming mga edad. nakakainggit ang mga kasing edad ko na may mga nakatatandang kapatid. kung may kuya lang sana ako, siguro sobrang saya ko na. kung may nakababata akong kapatid, marahil wala nang mapaglalagyan ang kaluguran sa puso ko. lalo na siguro kung mayroon akong mga mapagmahal na magulang na maipagmamalaki ang mga tagumpay ko, at sasalo sa akin sa aking mga pagkakabigo. sa panaginip ko lang mararanasan ang mga ganitong bagay. hindi ko na hinihiling pa na magkaayos-ayos ang sira kong pamilya… winasak ng aking mga magulang at ginulantang ng tadhana. wala naman akong magagawa. parati na lang ba akong maghihimutok dahil sa nangyari sa akin dulot ng pagkawatak ng aking pamilya. may kanya-kanya na silang buhay at ipinagdadasal ko na lamang na maging masaya na sila. wala silang karapatang sabihing mahal nila ako dahil hindi nila naipakita ang tunay na kahulugan ng salitang pagmamahal. (10:10 pm)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: