Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Day 26 -ang pananalakay ng mapanibughuing sigwa

Posted by Paurong sa Huwebes, Hulyo 13, 2006

1:40 pm
pc

nanaginip ako. pinuntahan ko daw ang aking mga magulang. nakiramdam ako at napansin kong malamig ang aking paligid. sa sofa na naman ako nakatulog. umuulan pala. may ingay na idinudulot ang hangin. masarap matulog ngunit kailangan kong labanan ang aking katamaran. mag-isa na naman ako sa bahay. malakas ang ulan. tila hindi titigil. hinintay ko munang tumila bago ako nagmadali sa paghahanda. sa kabutihang palad, nakarating ako sa eskuwelahan nang hindi nababasa at hindi gumagamit ng payong. ibinulalas ko sa aking mga kaklase ang pananaw ko tungkol sa maling pasya ng kinauukulan na ipagpatuloy ang klase kahit na masama ang panahon.

dahil sa hindi ako nag-almusal, kinain ko ang baon ni mary joy. sa huling subo ko, dumating si sir balitao. nag-ap kami. late pumasok si arvin; hindi nakataas ang buhok niya. hiniram ko kay mary joy ang jacket niya na pink na hapit na hapit sa katawan ko.

pagkatapos ng ap, bumili kami ni arvin ng pagkain sa tindahan by the gym. bumili ako ng isang burger habang dalawa ang sa kanya. namigay ng piattos si pamela. doon muna kami tumambay.

sa research, nakipagkwentuhan lang ako kay mary joy. prinoblema namin ang long test sa physics. hindi kasi kami nag-review. wala pa rin akong natututunan sa klase ni ma’am jagmis.

lumabas na naman kami ni arvin at pumunta sa tindahan by the gym para bumili.

dumating si sir paja at siyempre nag-long test kami. nakatulog ako. pagkagising ko, may gagawin pa daw kami, sabi ni sir paja. nagpakuha siya ng 1/4 pad paper at nagpasulat ng message sa kahit sino sa loob ng classroom. nakakabanas ang mga message na patungkol sa akin. dalawa yata iyon.

maya-maya, suspended na ang mga klase. isa pa palang problema: ang sabayang pagbigkas sa filipino. pumunta kami nina krizzia sa teachers’ room sa second floor para makiusap kay ma’am herrera kung maaari bang sa lunes na lang ang gawaing yaon. pumayag naman siya. nagpasama ako kay krizzia sa canteen sa sedp para bumili ng lunch (chicken na naman).

pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako kay arvin na mag-e-sn ako. nandun nga pala siya_ _ _. may practice daw sila arvin. pagpunta ko sa study net, puno, kaya umuwi na lang ako. nakasabay ko si brian sa tricycle. pagkauwi ko sa bahay nanood lang ako ng game knb.

naisip ko na naman ang isang bagay na madalas nang gumulo sa isip ko… pakiramdam ko kasi hindi ako magaling magsulat. para bang walang kwenta ang mga sinusulat ko lalo na ang mga kwento ko. masyado bang simple ang mga kwentong ginagawa ko? pero kahit papaano, nagkamit din naman ako ng maraming papuri buhat nang ipabasa ko sa marami ang mga isinulat ko. magaling daw ako magsulat pero hindi ko iyon maramdaman sa sarili ko. palagay ko, paulit-ulit lang ang mga naiisip ko. para bang walang saysay ang mga kaisipan ko. minsan naman naiisip ko na hindi talaga ako ito… iyon bang animo’y tumatakbo ang buhay ko para may maisulat ako. masakit para sa akin na marinig na kailangan kong maranasan ang mga bagay-bagay para lang maisulat ko. kaya daw ganoon ang mga isinusulat ko sapagkat mapaglaro ako ng damdamin.

parang ayaw ko nang sumulat. tila wala nang silbi ang pagsulat ko. parang ipinipilit ko lang sa sarili ko na magaling ako, na matalino ako, at kaya kong ipahayag ang aking saloobin at mga kaisipan. mayabang ba talaga ako? hindi niyo lang siguro ako lubos na kilala…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: